KABANATA 5

18 1 0
                                    

KABANATA 5

Ibanez Halimaw: Let's meet at the library after morning class. You're not allowed to say no :)

For the seventh time, I stared at Ibanez' message from last night. He messaged yesterday night and yet I don't know how and what I should reply to him.

Hindi ko rin talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ako pumayag sa gusto niya kahapon. Para akong na hypnotized at wala sa sariling pumayag sa nais niya. May spell ba siyang ginamit sa akin kapahon kaya ako pumayag sa gusto niya?

Gosh! Hindi ko dapat hinayaan na manipulahin nya ako! Ako dapat ang magkokontrol sa kanya!

“Kung ice cream 'yan, kanina pa 'yan natunaw.” Umupo si Drea sa harap dala ang binili niyang siomai rice. “Kung nirereplayan mo na kasi siya edi sana kanina pa tapos problema mo.”

“Ayun nga ang problema ko, eh!” Pinatay ko ang cellphone at padapa na nilapag sa lamesa. “Hindi ko alam anong irereply ko sa kanya. Ayoko siyang makasama o kahit lumapit sa kaniya ay ayoko rin. You know his fans are crazy bitches. Pagtripan na naman ako ng mga baliw na 'yun kapag nalaman nilang magkasama na naman kaming dalawa. Ayoko nang pagpiyestahan nila.”

“Go tell him about what his fans are doing to you. I know he will do something to stop them.” Sabi niya na parang bang close na close sila ni Ibanez. She sounds very sure that Ibanez will do something to stop his fans. “Para matapos ang problema mo.”

“Paano mo naman nasabi?” Tumaas ang kilay ko sa kaniya. “Close na ba kayo?”

“No but I am close with Randy.” Ngiting-ngiting sambit niya. “I told him about what happened to you because of Ibanez fans. Sabi niya sa akin, if you tell Ibanez about it, he will probably do something about it.”

“Kailan pa kayo naging close? Eme ka lang yata eh!”

“Duh!” Halos magtalsikan na ang mga butil ng kanin na nasa loob ng bibig nya. “We literally messaging each other every single night.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Gosh! May something kayo?”

“Gaga ka! Wala 'no!”

“Sa landi mong 'yan, wala? Eme ka talaga!”

“Shut up! Wala nga sabi!”

Kinulit ko nang kinulit si Drea na ikwento ang tungkol sa kanila ni Randy. I can sense that something is going on between them. Kailanman ay hindi nagkamali ang instinct ko sa gagang kaibigan ko kaya alam kong may namumuo ng pag-iibigan sa kanilang dalawa. Pero ayaw niyang magkwento.

“Wala nga akong ikukuwento dahil wala naman talaga! Kulit mo talagang gaga ka!”

Lumabas na si ma'am na last subject namin sa umaga.

“Imposibleng wala. Meron dapat. Magkwento ka na.”Niyugyug ko ang balikat niya. “Dali na! Ang arte nito!”

“Ang kulit mo sabing wala nga, eh!”Lumayo siya sa akin. “Huwag kang lalapit, baliw ka!”

“Magkwento ka na kasi—”

“Ferrer, may naghahanap sayo!”

Natigilan ako sa paglapit kay Drea nang may sumigaw mula sa labas ng room. Lumingon ako at nakita si Denise, isa sa mga kaklase kong lalaki.

“Sino?” tanong ko.

Hindi siya sumagot. Umalis siya sa pintuan saka sumulpot at taong hindi ko inaasahan.

“Ako.”

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ibanez. Hala?! Anong ginagawa niya rito?

Shit! Oo nga pala! Nakalimutan ko na replyan ang message niya!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When A meets B (On Going)Where stories live. Discover now