Ang init naman ngayon! At ang init din ng ulo ko.
"Pahinga ng wotah!" Maarteng saad ni Sabrina. Aabutin niya sana ang tubig ko pero inilayo ko ito. "Ang damot!" Nag-pout pa siya.
"Oh, ayan na!" Hinagis ko ang bote ng tubig sa kaniya. Muntik niya pa itong mabitawan, ang arte kasi.
"Ang init ng ulo mo ngayon. Sino nanamang umaway sa friend ko?" Nanga-asar na aniya.
Inirapan ko lang siya. Naiinis na nga ako tapos dinadagdagan niya pa. "Si Sir. Sander kasi," panimula ko.
"Iyong teacher na may gusto sayo?"
"Shh! Ang ingay mo mamaya may makarinig sayo dito," saway ko sa kanya sabay takip sa bibig niya pero inalis niya.
"Sorry, sorry. So, anong meron sa inyo ni Sopas?" Diretsong tanong niya.
"Sopas?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Yes kasi yummy," sagot niya at tumawa ng mahina.
"Siraulo ka talaga, Sab," natatawa na ani ko. Umayos ako ng upo bago ipatong ang dalawang braso ko sa lamesa. Mukha tuloy akong suspicious. "Naiinis ako kasi ayaw niya akong tigilan kanina sa klase. Tanong siya ng tanong kung anong facebook account ko? single raw ba ako? May nagugustuhan? Mga ganon?"
"Hindi ba magka edad lang kayo ni Sir. Sander? So, ano namang mali don?" Inosenteng saad ni Sabrina.
Nadismaya ako at sumandal sa upuan. "Sabi na hindi mo maintindihan."
"Gaga gets ko! Teacher siya and student ka, of course that's awkward," saad niya. "Pero wala akong nakikitang mali don kasi same age naman kayo." At ito na nga ang nakakadismaya na part.
"Wala akong gusto kay…kay Sopas. I'm not a fan of Sopas," naiinis na saad ko at humalukipkip.
"Anong gusto mo? Lugaw?" Ani Sabrina sabay turo sa likod ko.
Tinignan ko ang itinuturo niya. Nang makita ko kung sino ito ay agad kong ibinaba ang kamay niya. "Baka makita ka niya, Sab! Ikukulong talaga kita sa janitor's closet!" Inis na may halong kahihiyan na saad ko dito.
Tumatawa siya na lalong nagpataas ng inis ko. "Oo na! Bitawan mo na ang kamay ko. Baka mabali mo sa inis."
Binitawan ko ang kamay niya pero inirapan ko siya. "Huwag mo na ulit gagawin iyan," saway ko sa kanya na may halong pagbabanta.
"Kapag sa ibang tao ko ginagawa okay lang pero kapag kay Ma'am Lugaw nagkaka ganiyan ka? Bakla moments?" Natatawang ani Sab. Kung hindi ko lang kaibigan ito baka nasampal ko na ito. Gusto kong manampal today.
"Hindi nga ako ang kumuha non!"
"I know! Apologize!"
"For what?!"
"For being mistaken!"
Ano ba iyan. Ang init na nga may naga-away pa.
Kinalabit ako ni Sabrina sabay turo sa kung saan. Turo ng turo ito, manuno ka sana. "Hindi ba si Lovely iyon?" Tinignan ko ang tinutukoy niya. Si Lovely nga, seatmate ko siya pero bihira kaming magusap. "Inaaway yata ni Juanna."
"Kaya na nila iyan, malaki na sila." Basta nananahimik lang ako dito.
Medyo nagulat ako dahil ito ang unang beses na nakita kong may kaaway si Lovely. Hindi ko sinasabi na madalas ang away dito pero kahit madaldal ito ay never pang may nagalit o nainis sa kanya.
"Ang kapal naman talaga ng mukha mo. Ikaw na nga ang mali ikaw pa ang gal-"
Nanahimik ang buong paligid dahil sa sumunod na nangyari. Maski ako ay natigilan nang sampalin ni Juanna si Lovely.
Narinig ko ang paghikbi ni Lovely mula sa kinauupuan ko. Kung akala ko ay titigilan na siya ni Juanna ay hindi, hinawakan pa nito si Lovely sa buhok.
Tumayo ako mula sa kinauupuan. I can't watch this.
"Saan ka pupunta, Krisan? Huwag mong sabihin na gagamitin mo ang senior card mo?" Seryosong tanong ni Sab sakin pero hindi ko siya pinansin.
Nilapitan ko ang dalawang tao na ngayon ay gumagawa ng eksena sa cafeteria. "Bitawan mo na siya. Sinasaktan mo na iyong tao," pangungumbinsi ko dito pero mas hinigpitan niya pa ang hawak sa buhok ni Lovely kaya mas lalo itong naiyak sa sakit.
"Ikaw iyong repeater, di'ba? Repeater for three years?" May pagka sarcastic na saad ni Juanna.
"Yes, that's me." Kahit may negatibong epekto sa akin ang mga salitang binitawan niya ay nanatili akong kalmado.
"Nakakahiya ka naman. Ang tanda mo na pero nandito ka pa. Bakit hindi ka na lang tumigil? Both goes the same way, you're still a failu-"
Sa inis ko ay nagawa ko siyang sampalin. Nabitawan niya si Lovely para hawakan ang pisngi niya na sinampal ko.
"Mukhang hindi pantay ang blood rush, Juanna. Dagdagan natin sa kabila?" I jokingly said. Humakbang siya palayo sa akin pero humakbang din ako palapit. Make your enemies closer nga, hindi ba?
Ini-angat ko ang kamay ko, akmang sasampalin ko sana ulit siya pero hindi ko ginawa, gusto ko lang siyang takutin at paiyakin. Napapikit pa siya pero ng marealize niyang walang palad na dumampi sa pisngi niya ay dumilat na siya.
"Mom will hear about this!" Sigaw ni Juanna sakin bago tumakbo palayo.
Hinarap ko si Lovely. "Okay ka lang…ba? Nasan na iyon?" Tanong ko sa isang estudyante na nanonood saamin.
Nagkibit balikat lang siya pero iyong katabi niya ang sumagot ng tanong ko. "Nakita ko pong tumakbo sa cr, ate."
"Salamat," ani ko.
Lumabas ako ng cafeteria hindi para sundan si Lovely kundi para huminga. Nakokonsensya ako sa ginawa ko, nakakahiya. Ang dami pa namang tao.
Nakarinig ako ng palakpak sa di' kalayuan. Alam ko na agad kung sino ito. "Jam?" Tawag ko dito. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Grabe. Hindi ko alam na kaya mong gawin iyon. Mabuti na lang at hindi na bata iyon kaya safe ka." Alam kong nagbibiro siya. Sadyang wala lang buhay ang boses niya.
"Anong safe?" Huminto ako sa paglakad. Sakto naman at may bench dito kaya umupo ako. Umupo si Jamaica sa kabilang dulo. "Nanampal pa rin ako. Nakakahiya. Ako ang mas matanda kaya dapat hindi ko ginawa iyon."
"Sino ba nagsabing nasa edad ang basehan ng respeto? And she deserves that slap. Sana nga ay naalog ang utak niya at matauhan. Isipin mo naglalakad siya sa buong campus feeling reyna just because her parents are rich, feeling main character ang piece of shit." Ramdam ko ang gigil sa boses niya habang nagsasalita.
That's what I like about her, she doesn't sugar coat. Prangka nga lang.
"How about sa sampal naman, sis?" Tanong ko dito. Sa lahat kasi ng kaibigan ko ay opinyon niya ang pinaka hinahanap ko.
"Mali ka sa part na iyon. Kasi dapat sinakal mo siya." Tumawa siya. "Just kidding. Siya ang nauna, una niyang sinampal si Lovely at sinabunutan pa. Maybe talk to Lovely," dagdag niya pero mas seryoso na siya this time.
Tumayo si Jamaica pero bago siya umalis ay may sinabi muna siya sakin. "You know I heard gossips about Ms. Roberts. I don't care kasi bata pa rin naman siya pero I don't know."
"Anong gossip?" Curious na tanong ko dito pero hindi siya sumagot. "Hoy! Anong gossip?!" Buwisit namang babae iyon, magi-spill na nga lang ng tea kulang pa.
Baka si Sab alam niya.
BINABASA MO ANG
Teacher's Pet
RomanceChryzantha Faye Vontemar, a senior high school student under HUMSS track, a ray of hope and perseverance for every student. Ilang beses man siyang naiwan, hindi naman siya nagsasawa sa pagmumukha ng mga nagiging kaklase niya. Naniniwala siya na you...