balang araw [pagdating ng panahon o pagdating ng araw]
someday [at some time in the future]

un giorno o l'altro

[balang araw]

balang araw ikaw ay makakangiti rin,

ngiting totoo at hindi pilit,

balang araw ikaw ay sasaya;

sayang  'di matumtumbasan ng pera,


gayunpaman, sana huwag kang mawalan ng pag-asa,

dahil madilim man ang gabi may darating din na umaga,

katulad ng bituing kumukutitap sa kalangitan;

balang araw ikaw ay makakaranas din ng tunay na kasiyahan,


balang araw ay may magmamahal din,

balang araw ay may pipili din,

dahil ang tamang tao ay ikaw pa rin ang pipiliin;

kahit hindi mo man ito hilingiin,


sapagkat ang pagmamahal ay hindi purong-saya lang,

may kaakibat din itong sakit at panlilinlang,

dahil ang pagmamahal ay hindi nararamdaman sa salita lamang;

kundi sa kilos at sa pagtupad ng pangakong walang hanggan.



TO SOMEONE I ADMIREWhere stories live. Discover now