Author's Note

11 0 0
                                    

Palagi kong tanong sa sarili ko, may iiyak ba kapag namatay ako? Kapag tinapos ko na lahat ng hirap na nararamdaman ko. Kapag nawala ba ako magbabago ba ang sitwasyon ko? Mas mamahalin ba ako? Magiging mahalaga na ba ako? Mapapansin na ba ako?

Pero aanhin ko ang pagmamahal kung bangkay na lang ako. Kung hindi ko na naririnig lahat ng sinasabi nilang pagmamahal? Kung hindi ko na naririnig kung gaano ako kahalaga? Kung ano ang papel ko sa buhay nila. Paano ko papahirin ang luha sa mga mata nila kung hindi na maabot ng mga kamay ko ang mukha nila? Paano ko malalaman na may iiyak sa araw ng kamatayan ko?

Iiyak ka ba?

If I Die Will You Cry?Where stories live. Discover now