Marka Ng Paglisan

2 0 0
                                    

Minsan hindi lahat ng nang-iwan sila ang talo,

Madalas sila pa ang dehado,

Paano ba naman muntik na akong magdelikado,

Biruin mo ba naman itaya ko ang buhay para sa taong mapanloko,

Kaya hindi lahat ng lumisan ay panalo madalas sila pa ang totoong talo.


Sinabi ko, na sa panibang taong ito, tanging litanyang 'masaya' ang bibigkasin ko,

Masaya naman ako bago malaman ang lahat ng tinatago mong sikreto,

Masaya akong naglalaro nang malaman ko na hindi lang pala ako,

Nakangiti naman ako habang sinasabi mong nangungumusta lang ang tumawag sayo,

Iyong tumawag sayo ng alasingko, na siyang binaliwala ko,

Natawa pa ako dahil sinong mangangamusta ng napakaaga habang magkasama tayo?

Nakangiti rin naman ako noong buong puso kong ipinahiram ang selpon ko,

Bakit kasi sa lahat pa ng pagkakataon ngayon pa nasira yang gamit mo?

Ayan tuloy nalaman ko, na hindi lang pala kami tatlo,

Hindi lang pala ako ang sinasabihan mo na mahal na mahal mo,

Masaya din naman akong pumunta sa kasal,

At inisip na sana'y tayo rin ay magtagal,

Ngunit umiyak ka nang malaman mong sa akin ay may umakbay,

Isang litrato ang siyang nagpatunay,

Ang nakakatawa nga lang ay ang luha mo'y hindi naman sa akin laan,

Kundi sa babaeng sinasabi mong dating kasintahan mo lang,

Napaisip ako kung ano bang papel ko sa buhay mo,

Sino ba ako kung iba naman pala ang mahal mo?

Kung iba pala ang hinihintay mo,

Kung iba naman pala ang hinahangad mo,

Bakit pa ba ako nagpapakatanga sayo,

At patuloy na naniniwala na, "baka naman magbago",

Kaya sa iyong pagtataksil,

Wala pa ring nakapigil,

Sa puso ko na hindi kayang magpigil.


Bumilang pa ng ilang buwan at taon,

Pinagsamahan ang matatamis na salita at pangako,

Na sa bandang huli'y tuluyan nang napako,

Sinabi mo na ako ang sinadya sa pagdayo,

Ngunit bakit iba ang kinatagpo,

Isang malaking pagkakamali nang iparamdam mong may mali,

At doon ko natuklasan ang iyong pagbabakasakali,

Ang magkita sa Tagaytay upang kayo lang ay tumambay?

Iyo pang ipinilit na ang nakita ay hindi,

Hindi tunay,

Ngunit ang tunay na hindi ay ang iyong pagmamahal,

Paano mong nasasabi na ako'y iyong mahal kung sa tabi ng iba'y doon ka nananahan?

Sinabi mo na mali, isa lang pagkakamali,

Ngunit ang tunay na mali ay ang mahalin ka't patawaring muli,

Mali na umasang 'baka naman magbago',

Dahil kahit anong gawin ko, isa ka talagang manloloko.


Kaya hindi lahat ng nang-iwan ay sila ang talo,

Dahil sa pag-ibig na ito ako ang dehado,

Dehado at talo nang ibigay ko ang lahat sa isang taong manloloko,

Hindi porket ako ang nang-iwan ako na ang panalo,

Dahil ang lahat ng sakit na bigay mo tuwina ay dala ko,

Hanggang kamatayan 'di maaalis ang marka ng naging paglisan mo.

If I Die Will You Cry?Where stories live. Discover now