Luha ni Ulap

6 0 0
                                    

Wedding entourage music plays in the background.


Lalakad ang mga abay kasunod ang bride papunta sa kaniyang groom.


Iyan ang naiisip ko sa tuwing umuulan habang tirik na tirik ang araw. Minsan na kasi akong nagtaka kung bakit sa tirik na araw ay umuulan. Sabi ng iba ito daw ay dahil sa mayroong ikinakasal na tikbalang. Iniisip ko nga kung okay lang ba sa kanila na mabasa ng ulan sa araw ng kasal nila, kasi ako hindi. Iniisip ko din kung naka-gown at barong din ba sila. Kaso mukhang ang sagwa dahil kalahating tao at kalahating kabayo sila. Ni hindi nga ako sigurado kung anong parte nila ang tao at ano ang kabayo, dahil hindi ko pa naman sila nakita. Basta ang alam ko lang, noong bata ako, kapag umuulan sa maaraw na panahon ay maroong ikinakasal na tikbalang.


Ngunit ngayon na matanda na ako, iba na ang naging pananaw ko. Gaya ng panahon, maging ang paniniwala ko ay nagbabago. Kung noon ay naniniwala ako sa pagmamahal, siguro ngayon ay hindi. Dahil nadala ako noon na inakala kong ako lang, ngunit ako pala'y mali.


Araw ng Oktobre, parehas na buwan noong nakaraang taon. Tirik ang araw ngunit biglaan ang pagbuhos ng ulan. At biglaan din ang balita na ipinadala sa akin nang aking minamahal.


"May iba na ako. Hindi na matutuloy ang kasal."


At gaya ng panahon, maaliwalas at biglang pag-ulan, ganoon din ang aking naramdaman. Akala ko'y masaya ang magiging buwan dahil unti-unting natutupad ang ipinangakong kasal, ngunit biglang bumuhos ang ulan gaya ng pagbuhos ng mga matang luhaan.


Kaya't ang pag-ulan sa tirik na araw ay hindi na sumisimbol sa mayroong tikbalang ikinakasal. Kundi'y sumisimbolo na kahit gaano man kaaliwalas ang kalangitan, bubuhos ang ulan nang hindi mo inaasahan. Walang pasabi, at biglaan. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If I Die Will You Cry?Where stories live. Discover now