Bulong

10 3 0
                                    

Huwag ka nang umiiyak,

Alam ko namang hindi ikaw 'yan.

Takot ka sa multo,

Sa imahinasyon mong magulo,

Sa demonyong pilit kang ginugulo.

Kaya't 'wag manatili sa dilim,

At 'wag mong hayaang kainin ka ng taimtim.

Sumigaw ka, humiyaw ka.

Ilabas mo, kalasin mo, huwag kang matakot.

Lakasan mo ang hikbi.

Tabunan mo ang mga bulong na nakabibingi.

Huwag mong hayaang madaig ka nito.

Huwag mong hayaang sarili mong kamay ang kumitil sa sarili mo.

If I Die Will You Cry?Where stories live. Discover now