CHAPTER 1 - SIMULA

90 3 0
                                    

"Hindi kaba titigil sa kaka wish mo na 'yan?" Naiiritang tanong sa akin ng kaibagan ko. Umiling ako sa kaniya habang napapikit ang dalawa kung mata dahil may nakita akong shooting star at nag wish na sana mapunta ako sa isang nobelang aking sinusulat.

"Alam mo naman na hindi mangyayari 'yan na ninanais mo? Ilang taon ka ng nag w-wish pero hanggang ngayon ay hindi pa natutupad."

Tama siya, tama ang aking kaibigan. Palagi ko itong ginagawa, wala naman sigurong masama kung gawin ko ito diba? Wala naman mawawala sa akin.

Narinig ko itong bumuntong hininga, minulat ko ang aking dalawang mata at tinignan ko ang aking kaibigan na ngayon ay naka upo na sa aking harapan.

Hinawakan nito ang aking dalawang kamay at malungkot na tumitig sa aking mata.

"Evergreen, kahit anong gawin mo ay hindi matutupad 'yan na kahilingan mo dahil naka imposibleng mangyari ang kaisa-isang gusto mong mangyari." Malumanay na saad nito pero mababaksan mo doon ang lungkot ng kaniyang pagkasabi.

"Pero malay mo diba maging totoo 'yung kahilingan ko na mapunta sa isang librong aking sinulat." Nakangiting saad ko sa kaniya na siyang sinuklian ng isang ngiwi.

Hindi ako nawawalan ng pag asa na sana matupad ko ang aking kahilingan.

"Hays, bahala ka nga sa buhay mo. Tara na umuwi na tayo dahil masyadong gabi na, may trabaho pa tayo bukas." Tumayo ito sa pagkakaupo at nauna ng maglakad.

Tumingin muna ako sa kalangitan at napa buntong hininga.

"Sana pag gising ko bukas ay nasa loob na ako ng isa sa mga librong aking isinulat." Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyun ay agad akong tumayo at sumunod sa aking kaibigan na ngayon ay medyo malayo na sa akin.

Tumakbo ako patungo sa kaniya, "sandali lang, Apple. Ang bilis mo naman maglakad."

Binalingan ako nito ng tingin at pinandilatan ng mga mata bago nagsalita.

"Bilisan mo kasi maglakad, ang bagal-bagal mo. Para kang pagong kung maglakad." Irap na saad nito na siya naman inismiran ko.

Habang naglalakad ay may nakita akong isang babaeng nakatayo sa gilid ng puno, nakatingin sa akin.

Ang kaniyang mga titig ay parang hinuhukay ang aking pagkatao. Nanindig bigla ang aking mga balahibo dahil sa kaniyang uri ng pagtingin, nakakakilabot.

Ng malapit na kami sa kaniyang pwesto ay bigla itong nagsalita ng mga katagang napatigil sa akin sa paglalakad.

"Magsisi ka sa iyung mga hinihiling." Malamig na saad nito sa akin na siyang ikinalunok ko ng husto.

"Po?" Maang na tanong ko habang naguguluhang nakatingin sa matanda.

Napatigil din si Apple sa paglalakad at tinignan ang matandang nagsalit.

"Mag iingat ka sa iyung hinihiling Binibini dahil oras na mangyari ang iyung kagustohan ay magsisi ka na nangyari pa ang hinihiling mo." Napa maang ako dahil sa kaniyang sinabi, anong ibig niyang sabihin?

Napabalik ako sa ulirat ng biglang magsalita si Apple sa tabi ko, hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatulalang nakatitig sa matanda.

"Lola, ano pong sinasabi niyo? Ano pong ibig sabihin ng mga sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ni Apple sa matanda.

Gano'n din ang gusto kong malaman kung ano nga ba ang ibig sabihin ng matandang kausap namin.

Tinignan lang ng matanda si Apple at atsaka tumalikod at naglakad papalayo sa aming pwesto.

"Aba't ang bastos talaga ng matandang 'yun tinatanong pa bigla-bigla na lang akong lalayasan." Galit na saad ni Apple.

Napailing-iling ako sa kaniyang tinuran bago nagsalita, "hayaan mo na 'yun, bakit kilala mo ba ang matandang 'yun?"

Nagkibit balikat ito, nagsimula na kaming magpatuloy sa paglalakad.

"Oo, balitang balita dito na may sira na ulo ang matandang 'yun. Ganiyan talaga 'yun magsalita, ang kaniyang mga sinasabi ay mga napakalalim na salita. Pero alam mo ba minsan ang kaniyang mga sinasabi ay nagkakatotoo?" Kinabahan ako sa aking narinig.

"Pero karamihan naman ay hindi totoo. Kaya huwag kang kabahan, hayaan mo na 'yun."

Hanggang ngayon ay hindi ako makatulog dahil sa iniisip ko pa rin ang mga katagang binitawan ng matanda kanina.

What if maging totoo 'yun pag gising ko? What if pagmulat ng aking mga mata ay na sa libro na talaga ako?

What if pagmulat ko ibang kapaligiran na pala ang aking mabubungaran pag gising ko? Ang daming what if na nasa isip ko.

Hindi ko namalayan dahil sa sobrang pag iisip na kung ano ang mangyayari bukas ay nakatulog ako.

REINCARNATION: THE STORY OF EVERGREEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon