CHAPTER 5: WE MEET AGAIN BASTOS NA LALAKI

15 0 0
                                    

Nandito na kami ng aking pamilya sa dinadaosan ng ika-18 birthday ng nag iisang anak ng Dawson Family. Hindi pa nagsisimula ang okasyon.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid masasabi ko lang na napaka bongga ng mga ayos. Ang bawat makikita mong gamit na naka display dito ay halatang mayayaman ang nag pagawa.

Napadako ang ang aking paningin sa aking magulang na ngayon ay nakikipag usap sa mga taong hindi ko naman kilala.

Balak ko sanang puntahan at magpapaalam sa kanila na ako’y lalabas muna sandali at magpapahangin ngunit napagpasyahan kong huwag na lang magpa alam dahil mukha naman hindi nila ako hahanapin dahil sa sobrang busy nilang makipag usap.

Kumuha muna ako ng isang basong alak bago nagpag pasyahan na tumayo sa pagkakaupo at nag lakad-lakad.

Napadpad ako dito sa hardin, hindi pa naman nagsisimula kaya dito muna ako sa hardin. Wala naman maghahanap sa akin sa loob dahil wala akong kakilala doon. Umupo ako dito habang umiinom ng alak na aking dala.

Bumuntong hininga ako ng malalim at napatingala sa madilim na kalangitan, napangiti ako ng masilayan ko ang mga bituin na nag nining-ning, kay ganda talaga nilang pagmasdan. Hindi nakakasawang tignan ang kanilang ganda.

Napatigil ako sa pagtitig sa bituin ng may nagrinig akong mga yapak na nag mamadaling papunta sa kinaroonan ko. Dali-dali akog tumayo at nagtungo sa isang madilim na pwesto. Hindi ko alam kung bakit ko ba ito ginagawa, kung bakit ako nagtatago.

“Celestia, ngayon na ang ika-18 mo. Ang sabi mo ngayon mo ako ipapakilala sa lahat.” Nag sumiksik ako dito sa aking pwesto ng malapit silang tumigil sa aking pwesto.

Pigil hininga ako dahil baka makita at mapansin nilang may taong nakikinig sa kanila.

“Oo, alam ko ‘yun at hindi ko nakakalimutan ‘yun pero hindi pwede ngayon.” Medyo alin-langan na saad ng sinasabing Celestia ng lalaki.

“Ano bakit? Ganito na lang ba tayo palagi ang patagong relasyon at patagong nagkikilata?” Malakas na saad ng binata sa babae na siyang ikina iling ng babae.

“Hinaan mo ang iyung boses mahal baka may makarinig sa’yo.” Saad ng babae at hinawakan ang kamay nito.

Ngumiti muna ang babae bago nagsalita. “Hindi, hindi sa gano’n. Alam mo naman hindi pa ngayon dahil kumplekado pa ang sitwasyon natin pero asahan mong ipapakilala kita sa aking mga magulang.”

“At saka alam mo naman na ang dahilan ko diba?” Tanong ng babae, nagpakawala muna ng buntong hininga ang lalaki at tumango. Yumakap ang babae at gano’n ang lalaki.

“Salamat at ako’y iyung na unawaan, mahal kita.” Nakatalikod ang lalaki sa akin kaya hindi ko maaninag ang kaniyang mukha pero ang mukha ng babaeng kausap niya ay kitang-kita ko dahil naka harap siya sa akin.

“Palagi kitang uunawain mahal ko, mahal na mahal din kita.” Muntikan na akong mapa suka sa sobrang ka corny-han ng dalawa kung hindi ko lang naagapan takpan ang aking bibig siguradong nakalikha na ako ng ingay ngayon at paniguradong mahuhuli ako.

“Tara na, balik na tayo doon. Baka hinahanap na ako ng aking ina at ama.” Naghalikan muna ang dalawa sa aking harapan bago umalis. Tumango ang lalaki sa sinabi ng babae.

Nakita ko ang dalawang bultong papalayo sa akin. Nang makalayo-layo sila ay saka lang ako lumabas sa aking pinagtataguan ko.

“Corny naman no’n, sino kaya ang mga ‘yun?” Tanong ko sa aking sarili habang pinapag-pagan ang aking damit.

“Hindi ka lang pala pasaway at puslit na prinsesa isa ka pa lang tsismosang prinsesa.” Saad ng kung sino sa aking likuran.

Bigla akong napatili ng dahil sa gulat. Ang dalawang kamay ko ay awtomatikong napahawak sa aking dibdib.

Ang tibok ng aking puso ay biglang tumaas. “Potcha, ano ba! Papatayin mo ba ako dahil sa gulat huh?” Galit na saad ko dito.

Tinignan ko ang taong lapas-tangan na gulatin ako bigla. Dali-dali kong pinihit ang aking sarili upang hanapin ang taong ‘to na nasa likuran ko.

Pagkakita ko ng mukha ay agad nanlaki ang dalawa kong mata dahil hindi ko inaasahan na ang bastos na lalaking ‘to ang aking kaharap ngayon, siya ang taong nanggugulat na lang bigla-bigla.

“Ikaw na naman, alam mo nakakadalawa kana sa akin a at hindi na ako natutuwa sa lumalabas diyan sa bibig mo.” Galit na galit na saad ko sa kaniya habang pinanliliksikan ko ng tingin.

Hindi ito umimik at nakatitig lang ito sa akin ng malamim na siyang ikinalunok ko talaga.

“A-Ano ginagawa mo dito?”  Napapikit ako ng mariin dahil nakuha ko pang mautal.

“Bakit ikaw ba may-ari nito?” Umiling ako sa kaniyang tanong bago nagsalita.

“Hindi at wala naman akong sinabing ako may ari nito a,” malditang saad ko sa kaniya.

“Tsk,” inismiran lang ako nito at naglakad papalayo na siyang ikinanganga ko. Ang bastos talagang lalaking ‘yun

REINCARNATION: THE STORY OF EVERGREEN Where stories live. Discover now