CHAPTER 6: REVELATION OF CELESTIA

22 0 0
                                    

Nang hindi kona siya makita padabog akong umalis at bumalik sa loob dahil nagsisimula na ang okasyon.

“Saan ka galing, anak?” Tanong ng mahal na reyna sa akin, ang ina ni Evergreen.

“Sa hardin po mahal na reyna nagpahangin lamang ako.” Sagot ko habang umuupo ako sa kaniyang tabi.

“Mabuti’t ngayon nanandito kana dahil nagsisimula.” Tumango ako sa kaniyang sinabi at ngumiti ng pilit bago bumaling ng tingin sa harapan na ngayon ay may nagsasalita.

Habang nakikinig sa sinabi ay bigla-bigla kong naalala kung ano ang magaganap ngayon ng siyang ikinatayo ng biglaan ng dahil sa gulat.

Ang mga tao ay napatigil sa pakikinig sa unahan at nagtatakang nakatingin sa akin ngayon pero ang taong na sa na nagsasalita ay hindi tumigil.

Napapahiyang napayuko na lamang ako dahil sa aking kagagawan, pati ang mga magulang ko ay nagtatakang nakatingin na din sa akin.

“Pagpa umanhin niyo ang aking ginawa nagulat lamang ako dahil biglang may naramdaman akong sumagi sa aking paa kaya bigla po ang napatayo, pasensya na po.” Magalang na paumanhin ko sa kanila.

Dahil wala na akong  maisip na ibang palusot ayon na lamang ang sinabi ko.

Alin-langan akong ngumiti sa lahat at dahan-dahan umupo. Ng maka upo na ako ay malalim akong napabuntong hininga dahil sa kahihiyan na ginawa ko.

“Ayus ka lang ba anak?” Tumango ako sa taong ng aking ina at matamis na ngumiti sa kaniya para hindi na siya magtanong pang muli at mag alala.

Napa baling ang aming atensyon ni ina sa unahan ng sumigaw ng napakalakas ang taong magsasalita sa unahan. “Ipinapakilala ko ang ating debutante ngayong gabi.”

Lumabas ang isang na pa ka gandang babae suot ang kaniyang magandang gown. Ang kaniyang suot ay bagay na bagay sa kaniya. Ang mala angel nitong mukha ay nakakabighani.

Ngumiti ito ng mahinhin na siyang ikinaganda nito lalo, napaka inosente ng kaniyang mukha. Nagsitayoan kaming lahat at sabay-sabay na nagsipalak pakan.

Tinignan ko ng maigi ang kaniyang mukha, sandali parang nakita ko na ‘to somewhere. Napailing-iling na lang ako baka guni-guni ko lang ‘yun.

Kinalabit ko ang aking ina at nagtanong, “Ina, sino po siya? Hindi po kasi binanggit ang kaniyang pangalan kaya hindi ko kilala.” Napanguso na lamang ako, totoo naman kasi na hindi binanggit ang pangalan kanina.

“Siya si Celestia Maureen Dawson, anak. Ang ganda niya diba?” Tumango na lang ako sa sinabi ni ina. Oo hindi ko ikakaila na ang ganda nga talaga niya ni Celestia.

Binalingan ko ulit ang mukha ni Celestia, pinagkakatitigan ko ang bawat anggulo ng kaniyang mukha, kinikilatis kumbaga.

Napalaki na lamang bigla ang aking mata ng mapagtanto kong siya ‘yung babae sa hardin na kausap ng lalaki na kaniyang kasintahan at bigla din pumasok sa isip ko na meron mangyayaring hindi magandang kaganapan ngayon din. Ipinag sawalang bahala kona lang ‘yun at manonood na lang sa mangyayari.

Ni hindi ko na malayan na tapos na palang magsalita ang mga nas unahan dahil sa sobrang pag iisip ko ng mga ilang sandali pa ay bigla na lang umakyat ang isang matipunong lalaki na wari ko ay ama ni Celestia dahil magkahawig ang kanilang mukha.

Mukha dito na nga magsisimula ang kaganapan ngayon. “Meron lamang akong sasabihin sa inyong lahat. Ang aking anak na si Celestia ay ikakasal na kay Prince Brake.” Ang mga tao ay bigla nagsitahimik maya-maya niyan ay tumayo sila Itinaas ang kanilang hawak baso na may laman na alak at masayang nag toast, masasayang sumisigaw sila.

Binalingan ko ng tingin si Celestia. Makikita mo sa kaniyang mukha ang pagkagulat niya sa sinabi ng kaniyang ama.

Bibilang ako ng tatlo paniguradong hindi papayag ang kaniyang lihim na kasintahan na maikasal ang kaniyang mahal sa iba.

Isa,

inilibot ko ang aking paningin sa paligid, hinahanap ang taong tutol.

Dalawa,


Tatlo,

pagkatapos kung bigkasin ang mga katagang iyun sa aking isip ay may bigla na lamang sumigaw na siyang ikinatingin ng lahat sa taong sumigaw.

“Hindi, hindi ako papayag.” Ang mga taong nagsasaya ay biglang nagsitahimikan at bumaling ang paningin sa taong sumigaw.


Napailing na lamang ako dahil inaasahan kona itong mangyayari. Mabuti na lamang na ako ang sumulat nitong kwento at may kunting alam ako dito sa mga nangyayari kung wala akong alam ay parati siguro akong magugulat sa lahat ng mga mangyayari.


“Hindi ako papayag na mangyari ang gusto niyo mahal na hari.” Matapang na saad nito sa hari na siyang ikinagulat ng nakakarami.

“At bakit naman? Sino ka para tumutol sa desisyon ko?” Galit na saad ng hari sa lalaking naka yuko na ngayon sa kaniyang harapan.


“Dakpin siya at ikulong, patawan ng kamatayan dahil kalapastangan ang iyang ginawa.” Ang mga kawal ay nagsilapit sa lalaki na ngayon ay nakatulalang nakatingin sa hari.


Ng makabawi sa pagkatulala ay agad itong nagpumipiglas sa hawak ng mga kawal at sumisigaw. Napatigil na lamang ang lahat ng biglang tumakbo ang Prinsesa Celestia sa kinaroonan ng lalaki na siyang ikinagulat ng mga lahat.

“Hindi pwede, hindi.” Mahigpit nitong niyakap ang lalaki habang umiiyak. Mas lalong nagulat ang lahat sa sinabi ng prinsesa sa hari.

“Hindi ako papayag patayin niyo ang aking mahal, ama.” Umiiyak na sambit nito habang nakatingin sa kaniyang ama.

Nagsimula ng mag bulong-bulongan ang mga taong nakasaksi sa pangyayari. Naalala ko ang kaniyang lalaking yakap-yakap ay siya din ‘yung kasama ni Celestia sa hardin.

“Hindi siya isang prinsipe at siya ay isang mababang uri lamang. Alam mo naman nasa batas ang bawal umibig sa mga commoners.” Napayuko na lamang ang prinsesa sa sinabi ng hari.

Oo sinulat ko sa libro na bawal umibig ang isang prinsesa sa mahirap na tao.

“Isang malaking pagkakamali ang inyung ginawa kaya nararapat lang na parusahan ng kamatayan ang lalaking iyan.” At inilagay ko din sa libro na kamatayan ang kapalit kapag umibig ang isang prinsesa sa isang mababang uri.

Ang lalaki ang mananagot, siya ang papatawan ng parusa.

“Dalhin iyan sa kulungan ngayon din.” Utos muli ng hari na siyang sinunod ng mga kawal. Kinuha ng mga kawal ang lalaki sa bisig ng prinsesa, sapilitan nila itong kinukuha dahil ayaw bitawan ng prinsesa.

“Hawakan niyo ang Prinsesa at ilayo.” Inilayo ang dalawa sa isat isa, nagwawala at sumisigaw ang prinsesa.

Walang nagawa ang Prinsesang Celestia ng kaladkarin ang kaniyang kasintahan paalis. Ang tanging nagawa niya na lamang ay umiyak habang tinitignan papalayo ang kaniyang kasintahan na malungkot na nakatingin sa kaniya.

Nakita ko pang mapait itong ngumiti sa prinsesa.

Naawa ko silang tinitignan, napa buntong hininga nagpapahiwatig lamang ako at frustrated na napasabunot sa aking buhok. Bakit ko kasi nilagay ‘yun na batas? Ang unfair pala ng ginawa ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

REINCARNATION: THE STORY OF EVERGREEN Where stories live. Discover now