CHAPTER 4: ENCOUNTER WITH A STRANGER

12 0 0
                                    

Nang matapos ang pag-uusap namin ng mahal na hari ay agad akong nagtungo sa aking silid. Napagpasyahan ko muna na dito na lamang tumambay dahil sa inaalala ko kung saang parte na ba ako ng nobelang sinulat ko na hindi ko naman tinuloy.

Malalim akong napabuntong hininga dahil ilang oras ko ng pinipiga ang utak ko na baka sakaling maalala ko ay hanggang ngayon ay wala pa rin.

Kahit anong gawin ko ay wala pa rin akong maalala. Bakit naman kasi dito pa ako napunta? Kung saan na wala akong alam dito sa kwento. Ito sa lahat ng kwentong sinulat ko ang hindi ko nagugustohan.

Lumabas ako ng kwarto at tinigil ang pag iisip dahil baka tuluyan na ako masiraan ng ulo. Napag pasyahan kong lumabas muna sa bayan para maglibot-libot at bumili ng regalo para bukas.

Napatigil ako sa paglalakad ng may makasaubong akong kasambahay. Yumuko ito ng makita ako bago nag salita.

“Mahal na prinsesa saan po kayo pupunta?” Magalang na saad ng matanda.

Sa pagkaka-alala ko siya ang taong unang na bungaran ko ng magising ako dito.

Ngumiti muna ako sa kaniya bago nagsalit. “Lalabas sana ako ng palasyo dahil may bibilhin lamang ako para may ihandog akong munting regalo sa nag iisang anak ng Dawson dahil bukas na ang kaniyang kaarawan.”

“Ay naku po mahal na prinsesa bawal po kayo lumabas ng palasyo na walang kasama.” Tarantang saad ng matanda sa akin.

Napangot noong nakatingin ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.

Napa sapo na lamang ako sa aking noo ng biglang sumagi sa aking isip na isa nga pala akong prinsesa sa kwentong ‘to. 

“Mahal na prinsesa nagpaalam po kayo sa mahal na hari at mahal na reynan na kayo ay lalaba?” Muling tanong nito na siyang ikina iling ko na nagpapahiwatig na hindi pa ako nakapag paalam.

Paano ako makakapag palaam kung hindi ko alam kung na saan ang hari at ang reyna?

“Magpapa alam pa lang ako, na saan nga pala ang mahal na hari at reyna?”

“Halika mahal na prinsesa samahan ko po kayo papunta kung na saan naroroon ang iyung mga magulang.” Tumango na lamang ako sa kaniya at hindi na umimik pa.

Nadatnan ko ang dalawa nag uusap dito tea room. Napatingin ang dalawa sa akin ng nagtatakang nakatingin.

Yumuko muna ako bago nagsalita “Pagbati mahal na hari at reyna. Nais ko po sanang magpaalam sainyo na ako’y lalabas ng palasyo dahil mamimili ako ng regalo para bukas at maglilibot na rin.”

“Sino ang iyung kasama sa paglabas?” Mahinhin na tanong ng reyna sa akin na siyang ikinataas ng aking ulo.

Umiling ako sa kaniyang sinabi nagpapahiwatig na wala akong kasamang lumabas ng palasyo.

“Halika rito anak na miss ka ng iyung ina.” Lumapit ako sa kaniyang tabi, ng makalapit ako ay agad ako nitong sinunghaban ng mahigpit na yakap.

Niyakap ko din ito pabalik bago nagsalita. “Na miss ka rin po ni Evergreen ina.”

“Wala ang iyung personal na Dama baka bukas pa iyun dadating dahil umuwi muna siya sa kanilang tahanan.” Biglang saad ni ama na siyang ikinatango ko.

Naalala ko na may personal na Dama pala si Evergreen dito na aking isinulat sa libro, sa pagkakatanda ko ay siya si Heart.

Sa pagkaka describe ko kay Heart sa libro ay lagi silang magkasama at sunod-sunoran siya. Hindi naman pinapagmalupitan ni Evergreen si Heart, magka ibigan silang dalawa.

“Gayon pa man magsama ka ng ilang kawal.” Dagdag na saad ni Ama. Tumango ako ng maharan sa kaniyang sinabi.

Nandito ako mag isang naglilibot-libot sa Bayan ng mga Penivous dahil kanina ay tinakasan ko ang mga taga bantay ko dahil hindi ako sanay na mag bumubontot sa akin.

Napa baling ako sa aking likuran ng may tumawag sa aking pangalan,

“Prinsesa Evergreen,” ang mga kawal pala, kaya naman ang ginawa ko ay tumakbo ako ng mabilis para hindi nila ako maabutan.

Ang mga mamayanan ng mga Penivous nandito ay napapatingin sa amin at nag bubulong-bulongan pero wala akong pakialam sa kanila.

Napadaing ng biglang akong bumagsak. Sapo-sapo ko ang aking noo dahil sa sakit na nararamdaman.

“Aray ko po, sino ba kasing asungot haharang-harang sa aking dinadaanan.” Mahinang saad ko habang hinimas-himas ko ang aking noo.

“Anong ginawa mo dito?” Napatigil ako sa ganda ng boses na iyon ngunit gayon pa man ay para kang hinahalukay sa kailaliman sa lamig ng kaniyang boses.

Napalunok ako at dahan-dahang itiningala ang aking ulo.

Halos bigla akong natulala ng masilayan ko ang mukha ng taong kaharap ko ngayon. Para siyang isang diyosang bumaba sa langit, ang kaniyang mukha ay napaka perpekto kung tignan.

Seryuso itong nakatingin sa akin at mababakasan doon ang kawalan ng emosyon sa kaniyang uri ng pagtitig.

Ang kaniyang mga mata ay kay gandang pagmasdan parang isang karagatan na kulay asul, nakakabighani at nakakamangha dahil ngayon lamang ako nakakita ng ganiyang uri ng kulay ng mata.

Napatigil lamang ang pagtitigan ko sa kaniya ng biglang may sumulpot.

“Mahal na prinsesa ano po ginagawa niyo diyan sa lapag, baka po kayo ay marumihan.” Tinulungan ng mga kawal na tumayo, na nginginig ang dalawang tuhod ko na siyang dahilan ng pagkawala ko ng balanse, hindi sinasadyang bigla akong napahawak sa kaniyang braso na siyang ikinabitaw ko bigla dahil sa naramdaman na kuryenteng dumadaloy bigla.

“Prinsesa? Anong ginagawa ng isang prinsesa dito ng walang bantay at tumatakbo pa?” Seryuso pa rin ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.

“Hindi mo ba alam na delikadong mag lakad ng mag isa ang kagaya mong prinsesa dito? At nagawa mo pang tumakbo na siyang hindi gawain ng isang prinsesa.” Ang kaniyang tinig na pagkabigkas ay may halong pang iinsulto  na siyang dahilan na ikinayuko ko at palihim na kinuyom ko ang dalawang kamao.

Sino ba siya para pagsabihan ako ng ganiyan? Ano ba pakialam niya? Umirap na lamang ako sa kawalan dahil naiirita ako sa pinagsasabi sa akin ng taong ‘to

“Ang mahal na prinsesa ay bigla na lang po kaming tinakasan, pasensya na po mahal na-” Nagtaka ako ng hindi na tinapos ang sasabihin ng isang kawal na kasama ko.

“Huwag niyong hahayaan na takasan kayo ng isang pasaway na prinsesang puslit, tayo na kawal at umalis.”

Aba’t ang bastos na ‘yun at ano daw tawag niya sa akin puslit? Huh! Nanggigil akong nag angat ng tingin at pinandilatan ang kaniyang bulto na ngayon ay medyo malayo na sa aming kinatatayuan.

Nagpadyak-padyak ako sa sobrang inis. “Sino ba ang bastos na lalaking iyun?” Tanong ko ngunit walang sumagot.

“Tara na po mahal na prinsesa at kayo’y bibili pa ng regalo para bukas.” Bumuntong hininga ako at tumango. Magkikita pa tayo bastos na lalaki at sisiguraduhin kong babawi ako sa’yo.

REINCARNATION: THE STORY OF EVERGREEN Where stories live. Discover now