Chapter 12

33 4 0
                                    

*****

AS DAY PASS BY, naging maayos na 'rin ang lahat. Well si Jibrelle, hindi ko alam kung bakit pero hindi na siya nagbanta pang aalis. Ewan ko 'rin kung anong nangyari pero pinabayaan ko.

Well, maybe he love to stay in our custody. Nagsusulat ako ng homeworks ko habang siya ay nakaupo sa hindi kalayuan sa 'kin at pinagmasdan ako.

Hindi ko kasi pinayagan na umalis ng bahay kaya nakatunganga siya sa harap ko at kanina pa nagmamakaawang payagan ko siya.

“Senyorita naman oh. Babalik naman ako bago lumubog ang araw.” he said but I answered him a sigh.

Pinag-aralan ko ng mabuti ang mathematics dahil sa lahat ng subjects and mathematics at english ang weakness ko.

“Senyorita,” pagmamakaawa nito pero patuloy ko lang siyang inignora.

“Negative ten 'X' squared plus five 'X' plus six equals zero,” pabulong-bulong kong sabi habang nagsosolve at sinadyang hindi siya pansinin.

“Ako na 'lang kaya sasagot niya'n, basta makakalabas ako ngayon,” wika nito. Saglit naman akong napasulyap sa gawi niya. Seryoso? Siya talaga ang gagawa ng assignment ko? Parang imposible naman 'yun 'ah.

Tinaasan ko naman siya ng kilay at marahan na napatawa.

“Ikaw? Nahihirapan na nga ako nito 'eh. Ikaw pa kaya?” I mocked.

“Ano? Deal na 'ba?” napabuga na lamang ako ng hangin sa naging sagot niya. Deal agad?

“Paano kung hindi mo masagutan?”

“Anong hindi? Masasagutan ko 'yan... ang tanong lang kung tama ba.” nakangisi nitong wika kaya napabuga na lamang ako ng hangin at muling itinuon ang tingin ko sa sinusulat ko. Useless lang pala kung siya ang sasagot. Mabuti pa kong ako na lang mag-isa. May fifty percent pa akong tsyansang tama ang sagot ko.

“Promise, kaya ko 'yang sagutan.” hindi ko pa 'rin siya pinapansin bagkus ay nagpatuloy na ako sa aking sinusulat.

“Substitute the nine.” bulong ko habang nagsusulat.

“Wait, mali.” biglang wika nito sabay turo sa number kaya natabig niya ang kamay ko at nahulog ang ballpen ko.

“Oh my gosh, G-Tec pa naman ang ballpen ko.” reklamo ko habang nakatingin sa sahig.

“Pasensya na,” wika nito. Aakma ko sanang kukunin ang ballpen kaso siya na ang naunang kumuha. Bigla siyang tumayo at hindi namalayang nasa likod niya pala ako ay natamaan niya ang mukha ko.

Agad akong napahawak sa ulong. Pvtcha, ang sakit. Minamalas yata ako kapag kasama ko palagi ang lalaking 'to.

“Senyorita, sorry.” paumanhin nito habang hinahawakan ang kamay kong nakapalibot sa sa ilong at bibig ko.

Hindi ko siya pinansin at inalis ang kamay kong nakahawak sa ilong at bibig ko. Pagkatapos, ay itinuon muli ang tingin sa sinusulat ko.

Nang yumuko ako ay siya na lamang ang pagkagulat ko ng may tumulong dugo kaya napaangat ako ng tingin. Kita ko agad ang pagkagulat sa mukha ni Mj at parang natataranta.

“S-Senyorita, d-dumudugo 'yung ilong mo.” nauutal niyang wika habang nakaturo sa ilong ko. Pasimple ko namang hinawakan ang ilong ko at pagtingin ko sa kamay ko ay may dugo nga.

Nanginig ang kamay ko habang nakatingin sa dugo pero isinawalang bahala ko na lamang 'yun. Ngunit hindi patuloy pa 'rin sa pag-agos ang dugo sa ilong ko na parang sipon.

“A-Anatayin mo ako diya'n Senyorita. Kukuha lang ako ng first aid kit.” taranta nitong turan at tumakbo na paalis.

Pvtcha talaga ang lalaking 'to. May balak talaga siyang p4tayin ako. Siguro inis na inis na siya sa 'kin kaya gusto niya akong p4tayin.

SenyoritaWhere stories live. Discover now