1

6.3K 86 10
                                    

"You got that James Dean, day dream look in your eyes. And I got that red lip classic thing that you like. And when we go crashing down we come back everytime. We never go out of style, we never go out of style."

Super saya ko talaga kapag nag peperform ako sa stage. Lalo na kapag nakikisabay 'yung mga tao kumanta. It feels magical talaga at sobrang naeenjoy ko ang bawat segundo kapag nakanta ako.

"You got that long haired slicked back white t-shirt, and I got that good girl faith and a tight little skirt. And when we go crashing down we come back everytimes. We never go out of style, we never go out of style."

***

After ng gig namin sa isang fiesta dito sa barangay na ito. Nagpaalam na ako sa mga bandmates ko na uuwi na ako, inaantok na ako e. Gusto ko na matulog.

Habang nag lalakad ako, hindi ko namalayan na may grupo pala ng mga kalalakihan ang nag s-skate dito sa dadaanan ko. Bago pa ako makaiwas, nakita ko na ang rumaragasang skate board na papunta sa gawi ko.

"Teh, Alis!" sabi nung nakasakay doon. Hindi ko na magawang umiwas kaya pumikit nalang ako. Hanggang sa naramdaman kong may yumakap saakin at muntik na kami matumba. Buti nalang yakap n'ya ako kung hindi, matutumba kami sa sahig.

"Hala teh, okay ka lang?!" tanong nung lalaking naka yakap saakin. Unti unting bumakas ang mata ko at nagulat ako sa nakita ko.

Pink haired guy na may mapupungay na mata ang tumambad saakin. Kung hindi ako nagkakamali s'ya si..

"Sae?!" tawag ko sa kan'ya. Binitawan n'ya ako tapos nagtataka s'yang tumingin saakin.

"Kilala mo ako teh?" tanong n'ya.

"Oo, magkaklase tayo sa NSTP." isa sa mga subj namin 'yan ngayong 1st year college. Magkaiba kami ng course pero magkaklase kami sa klaseng 'yan.

"Sorry teh wala akong kakilala sa mga kaklase ko." sabi n'ya. Tapos kumuha s'ya ng yosi sa bulsa n'ya tapos sinindihan n'ya tapos hinipak n'ya. Agoi red flag nag yoyosi.

"Ganon?" sagot ko nalang. Napatingin ako sa mga kasama n'ya. Not to be judgemental or what pero 'yung mga kasama n'ya mukhang adik. Si Sae lang mukhang matino e.

"Sige teh ingat ka nalang." tapos umalis na sila. Grabe naman sila mag skate gabing gabi. Lakas naman ng trip nila.

***

Pumasok akong puyat today, hindi ako nakatulog ng ayos kaya 3 hours lang tulog ko. Malapit na Midterm exam namin wala pa ako narereview. Pag ako bumagsak yari ako sa nanay ko! Ni hindi ko pa tapos bayaran tuition ko e.

Sabado naman ngayon tapos isa lang subject namin, 4 hours nga lang. NSTP sub namin ngayon kaya nag punta na ako sa room ko.

Iba ibang course ang kaklase ko dito sa NSTP. CWTS kasi kinuha ko ayoko ng ROTC nakakapagod daw. Pinag sama sama lahat ng 1st year CWTS kaya iba iba kami ng course.

Pag pasok ko andoon na si Sae. Oh 'diba kaklase ko nga s'ya. Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa likuran n'ya.

"Aba oo nga teh kaklase kita sa NSTP." lumingon s'ya saakin. Tumango ako.

"Sabi sa'yo e." sambit ko tapos binaba ko na 'yung bag ko.

"Anong course ka teh?" nababother ako sa pagtawag n'ya saakin ng teh. May pangalan naman ako.

"Aira name ko hehe." sabi ko tapos nag offer s'ya ng shake hands.

"Sae Itoshi nga pala." sabi n'ya. 'Yung way n'ya ng pagsasalita parang 'yung mga tambay saamin hahaha.

"Anong course ka?" tanong n'ya uli.

"Finance ako, ikaw?" tanong ko.

"Architecture." wow archi!

"Angas ng course mo." sabi ko.

"Nye, ayoko nga ng Architecture e. Dapat nag crim ako kaso ayoko makalbo kaya nag archi ako." anong klaseng rason 'yan.

Mag dadaldalan pa sana kami ng dumating na Prof namin. Nakakaantok itong CWTS sa totoo lang.

***

2 hours straight na kaming nag kaklase at pilit kong nilalabanan ang antok ko. Grabe gusto ko na umuwi at matulog.

"Magandang gawin 'yan pag may business ka. Class, isip nga kayo kung anong magandang pagkakitaan or kung anong magandang ibenta." tanong ng Prof. Since walang nasagot matatawag nalang daw s'ya.

Ano ba naman 'yan bibigay lang example e.

"Sae Itoshi. Ano sa tingin mo magandang ibenta?" tanong ni Prof. Tumayo naman kaagad si Sae.

"Droga Ma'am." sagot n'ya tapos nag tawanan mga kaklase ko. Kahit ako natawa hahahaha LT amp.

"Huy anong droga? Bawal 'yan hahaha." kahit si Prof natatawa. Unang pumasok sa isip n'ya droga? Hahahah tf. Nawala antok ko e!

***

Sa wakas dismissal na. Ewan ko pero sinabayan ako ni Sae palabas ng classroom. Habang nag lalakad kami may random question na pumasok sa isip ko.

"Sae, adik kaba?" tanong ko.

"Hindi ah. Paano mo naman nasabi? Grabe ka naman." hala na misunderstood n'ya 'ata.

"Eh kasi nag yoyosi ka, tapos 'yung example mo kanina droga. Tapos ang hilig mo sumama sa mga mukhang adik." sabi ko.

"Grabe din pagka straight forward mo noh?" tanong n'ya. "Hindi naman ako nag shashabu or chochongke, pulis tatay ko edi nayari ako d'un. 'Yung yosi naman bisyo ko lang kasi nakakarelax pag nag yoyosi ako." sabi n'ya. Oh kaya pala~ "Adik ako oo, pero sa kiss hehe." grabe naman 'yang adik sa kiss.

"Ay may girlfriend ka?" tanong ko.

"Luh wala ah. Porke adik sa kiss kailangan may girlfriend?" tanong n'ya.

"Paano mo na develop 'yang pagka adik mo sa kiss?" tanong ko.

"One night stand." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya.

"Sa edad mong 'yan?!" gulat na tanong ko.

"Bakit? Hindi naman ako minor ah?" well tama naman s'ya. Kasi 1st year college, 19 years old palang kami. Hindi ba't medyo bata pa ang gan'yang age para sa mga gan'yang bagay? Well buhay naman n'ya 'yan e.

"Sabagay." sagot ko.

"Don't tell me mga nakaka one night stand mo mga mas bata sa'yo?" tanong ko.

"Nyi grabe talaga saakin. Karamihan sa kanila mga ka edad ko lang. Minsan may sophomores pero madalas freshmen." sabi n'ya. Bakit parang ang casual ng pag-uusap namin about sa one night stand?

Hindi ko namalayan na nasa labas na pala kami ng gate.

"Una na ako, Sae." sabi ko.

"Sige, ingat. Nice to meet you, Aira. Simula ngayon aports na tayo." sabi n'ya. Natawa lang ako tapos nakipag fist bump ako sa kan'ya.

"Sige, ingats!" tapos umalis na kami.

Sae is not that bad..

---

Started: September 24, 2023
Ended: September 29, 2023

---

Brief explanation about the character for those who don't watch the anime.

Itoshi Sae (from Blue Lock) is a prodigy football player who is regarded as the best player in Japan and is the older brother of Rin Itoshi. Sae is also a member of the Men's World 11 and is a member of the Real Madrid Youth team, regarded as one of the best youth players in the world.

For more information, visit: https://myanimelist.net/character/178721/Sae_Itoshi

Fall | Itoshi Sae - Blue Lock (Tagalog)Where stories live. Discover now