4

881 9 0
                                    

Katatapos lang ng last day ng exam namin. After kong mag exam umuwi kaagad ako kasi mag hahanda pa ako. Nung umuwi ako inihanda ko na ang susuotin ko tapos nag dala narin ako ng pang-ayos. Nung maayos ko na lahat ng gamit ko, nag paalam na ako kila Mama na aalis na ako. Pupunta na ako sa Kapitolyo.

Ewan ko pero excited ako.

Pag punta ko doon, medyo madami bg tao. Hindi naman kami ang main guest dito, sa pag kakaalam ko may artista na dadating sa dulo. Pero pag tapos naming kumanta uuwi na agad ako hehe.

Pag dating ko sa dressing room, andoon na 'yung iba kong ka banda.

"Musta exam?" tanong nung Drummer namin. Binaba ko ang gamit ko.

"Ayos naman. Nasagutan ko ng ayos lahat." sabi ko.

"Mag bihis kana muna, lalabas muna kami." sabi ng guitarist namin then lumabas na sila. Iisa lang gamit naming dressing room e kaya ganon.

Mas matatanda sila saakin ng ilang taon at ako ang pinaka bata sa kanila. Pero isang taon ko na silang kasama kaya close na kami sa isa't isa.

After ko mag bihis pinapasok ko na sila. Nag vovocalization ako habang bag me-make up.

"Nag putol kaba ng kuko mo?" naririnig ko silang nag uusap sa likod ko.

"Oo naman. Masakit kaya madali sa stringa pag mahaba kuko."

"Namamasa kamay ko. Penge nga polbo baka mabitawan ko ang stick."

Bale sa banda namin may vocalist, dalawang guitarist, at drummer lang. Naitataguyod naman namin ng maayos kahit halos dalawang instrument lang gamit namin. Minsan pag need mag piano, ako ang gumagawa kasi marunong naman ako mag piano.

"3 songs pala ang kakantahin natin, Aira." sabi nung isang guitarist namin then may binigay s'ya saaking papel na tinanggap ko naman.

"Sheeesh daming tao." — Drummer.

"Pang ilan ba tayo?" — Guitarist 1.

"Pangatlo yata." — Guitarist 2.

"Ano plano n'yo after?" — Guitarist 1.

"Tara kain tayo sa labas." — Drummer.

"Sorry hindi ako makakasama sa in'yo after. Balak ko na kasi matulog e." sabi ko. Katatapos lang ng exam parang deserve ko yata ng pahinga after nito.

"Ay oo nga pala." — Drummer.

After an hour nag simula na ang event. At tapos na kami mag ayos. Habang nasa dressing room ako tinawagan ako ni Sae, hinahanap n'ya ako. Kaya itunuro ko sa kan'ya ang location ng dressing room namin tapos lumabas ako para kitain s'ya.

"Musta? Kabado ka?" tanong n'ya. Umiling ako.

"Hindi ah. Tagal ko na 'tong ginagawa hindi na ako kinakabahan." sabi ko.

Naalala ko, 'yung kikitain ko pala dito idadagdag ko sa ipon ko para makapag bayan na ako ng 1st sem. Malapit na mag second sem e tapos hindi ko pa kompleto bayad ko.

"Oh bigla kang sumimangot?" tanong n'ya. Hindi ko namalayan napatungo pala ako. "May problema ba?" tanong n'ya.

"Wala. Naalala ko lang tuition ko hehe." ang hirap mag college grabe!

"Hmm?" hala hindi n'ya nga pala alam.

"Tsk! Bayaran mo nga tuition ko!" biro ko sa kan'ya.

"Sige." nagulat ako sa sagot n'ya. Tapos seryoso pa 'yung mukha niya.

"Hala nag bibiro lang ako." tapos hinampas ko s'ya sa braso. "Sige na enjoy!" sabi ko. Nag wave s'ya saakin.

"Good luck, Aira!" nakangiting sabi n'ya.

Fall | Itoshi Sae - Blue Lock (Tagalog)Where stories live. Discover now