🔰 Czech :17 🔰🔞

0 0 0
                                    


Lovimairre's pov.......

Isang linggo na ang lumipas at sa isang linggong iyon ay walang zech na umowi, walang texts or calls. Wala ring kahit na anong pasabi na aabot ng ganto katagal iyong pananatili nya roon, ayoko mag isip ng negative kasi baka maka apekto kay baby. Hanggat maari ay tinatatak ko sa utak ko na baka may emergency lang doon kaya nag extend ng stay si czech. Pinaramdam nya saking importante ako sakanya at sinabe nya ring mahal nya ko kaya kakapit ako sa mga sinabe nya, alam kong babalikan ako ni czech. Babalikan nya kami ng baby namin.

Nalaman ko rin na one month and one weeks na pala akong buntis, ibig sabihin ito yung unang beses na may ngyare samin ni zech. Doon ako nabuntis sa ano ospital.

Para mawala pansamantala sa isipan ko ang pag aalal kay zech ay nilibang ko ang sarili ko sa pag Linis ng bahay nya, nakakahiya naman kasi na pabuhay-buhay reyna lang akodito nooh. Mamaya nga ay pupunta akong mall para mamili ng Sangkap sa gagawin kong Fruit salad at buko salad. Iyon kasi ang gustong gusto kong kainin eh, ang gusto ko si czech ang gagawa pero dahil wala sya ay ako nalang. Ayoko ng gawa ng iba, baka kasi mawalan ako ng gana at tyaka ito yung gusto ng baby ko.

Punas dito, punas jan. Walis dito Mop don. Gupit dito, tapon don. Medjo natagalan ako at ng matapos nga ay malapit ng mag 3 ng hapon kaya naman nag pasya na akong maligo para maka punta na sa mall, dadaan muna kasi ako sa Framing center sa may plaza para kunin iyong Pina frame kong Baby namin ni czech. Dipa naman si baby buo, ano para palang syang sobrang liit na beans sa loob ko ganun.

"Bag po ma'am" binuksan ko naman ang bag ko at pina check iyon sa lady guard. Nag mamadali kasi akong makapasok sa mall kaya nalimutan ko na kailanggan palang i-check muna. Ang init kasi sa labas,juskong pollution dagdag init pa

"Wow! Anong Tawag dito?" Manghang tanong ko sa saleslady na naka tayo sa may stall na malapit sakin

Hawak ko ang isang maliit na laruan na may mga patusok at ibat-ibang kulay, ang lambot lang din at stretchable ha. Meron ding mata iyong toys at bibig, may umiilaw sa loob non ng di sinasadya kong maalog ito. Ok, oo na sinadya kong alogin.

" Puffletup po ang tawag namin jan ma'am, yan rin po ang best seller dito sa kids section. Pang 3- pataas po iyang laruan nayan ma'am " medjo nalungkot ako kasi dipa ito malalaro ni babay kasi aantayin pang mag 3 sya. Pero ok lang, excited parin akong bumili nito

"Ok salamat " saad ko at nag lakad pa para makita ang iba pang mga laruan at gamit pang baby

Nililista ko lang iyong mga gusto ko, i mean yung mga kailanggan ng baby ko para a future. Like cribs, stroller, socks, nappies, Diaper, Pacifier, mat, etc.. basta maraming marami yon. Gusto ko bibili ako ng mga ito kapag kasama kona si czech, kaya nililista ko muna.

Pero syempre bumili na ako ng isa noong laruang puffletup. Natutuwa talaga ako sa bagay nayon.

"Thank you for coming ma'am, Come again!" Masayang bati ng guard. Grabe ang babait ng mga staff ng Mall ngayon ah

Pagka labas ko ng mall ay diretcho akong Mang inasal para kumain, natakam kasi ako bigla sa inihaw na manok.

Ng makapasok ay masaya akong nag order, nagpaka busog ako hanggang sa matapos ay naglakad lakad muna ako patunggo sa parking ng UMA residences kung saan ko iniwan yung sasakyan kanina. Oo, may sasakayan akong dala at tinuruan ako ni czech.

Pero habang papalapit ako sa Parking ay nakita ko ang isang tao na mahigit isang linggo kunang hindi nakikita, i lost count na. Tatawagin kuna sana ito at malaki pa iyong ngiti ko pero naunahan na'ko ng isang seksi, matangkad, malaki ang ano dibdib at maputing babae na may mahabang blonde na buhok. Pokpok naman ng itchura nito, ay sorry po lord.

Czech ( GVS#1 ) Under EditingWhere stories live. Discover now