Chap. 5

1.8K 93 3
                                    

Parehong natuwa ang dalawa nang malaman nilang magkatulad ang kanilang nararamdamdaman sa isa't isa.

"Charles, akala ko manatiling lihim na lamang ang lahat sa akin. Akala ko, patuloy na lamang akong magtatanong sa aking sarili kung kelan mo ako mapapansin." Isiniksik ni Denise ang ulo n'ya sa leeg ni Charles habang yakap ito.

"Ako rin naman. Matagal na akong naghihintay. Denise, wala akong maipapangako sa iyo; kasi wala naman akong yaman. Pero mahal kita. 'Yon lang ang pwede kong maipagmalaki."

"Charles, h'wag mong hayaang mawala ang lahat sa atin. Ayaw kong mawalay sa 'yo. Basta, kahit anong mangyari..H'WAG TAYONG BIBITAW SA ISA'T ISA."

Hinaplos ni Charles ang buhok ni Denise. Hinagkan ang ulo ng dalagita.

"Mahal kita..tandaan mo 'yan." Bulong ni Charles.

-----------------

Agad namang ibinalita ni Denise ang relasyon nila ni Charles kay Agnes. Ikinatuwa naman ni Agnes nang malaman ito.

Nagpasya ang dalawa na ilihim nila ang kanilang relasyon. Lalo na't nakapagdesisyon ang ama ni Denise na manatili muna sila sa Pilipinas; habang hinihintay ang pagtatapos ni Denise sa High School.

Samantala, patuloy na dinadalaw ni Luigi ang dalagita subalit tinataguan ni Denise. Lihim naman na sinusubaybayan ni Rodrigo ang kinikilos ng kanyang anak; lalo na't madalas rin dumadalaw si Charles sa bahay ng mga Gustavien.

Minsan...

"Charles, naparito ka. Bakit?" nagtataka si Aling Clara nang dumating si Charles sa bahay nina Denise.

"Nay, gusto ko kasing ibalik ang aklat na hiniram ko." Ipinakita ni Charles ang isang aklat sa kanyang kamay.

"Ako nalang ang magbibigay ka kanya. Akin na." Hinawakan ni Aling Clara ang aklat ngunit hindi ibinigay ni Charles.

"Nay meron po kasi akong sasabihin sa kanya, eh."

"Ano? Gusto mo ako nalang ang magsabi sa kanya."

"Naku, h'wag na ho. Ahmmm...hindi n'yo rin maiintindihan."

Napaisip naman si Aling Clara.

"O sige, pero bilisan mo. Alam mo namang binabantayan ni Señor Rodrigo si Denise. Gayung ang balita ko merong umaali aligid kay Denise . Alam mo namang naipagkasundo na si Denise sa anak ng Mayor. Kaya hinihigpitan na ang pagbabantay sa kanya. Ayaw kasing masira ni Rodrigo ang pinag-usapan nila ni Mayor."

"Nay, bakit kailangan pang gawin ni Señor Rodrigo ang ganun kay Denise?"

"Alam mo, ganun talaga ang mayayaman. Ayaw nilang mawala ang kanilang yaman. Kaya ipagkakasundo nila sa kapwa mayaman ang kanilang mga anak. Mahalin man o sa hindi ang mapapangasawa..basta't ligtas ang kanilang kayamanan at di basta bastang mawawala."

Napabuntong hininga si Charles.

"O sige na..pumunta kana sa Library. Nandoon si Denise nag-aaral."

Dali daling pumunta si Charles sa Library.

TOK TOK TOK

"Tuloy." Sagot ni Denise.

Pinihit ni Charles ang door knob at pumasok. Nakita n'yang nakatalikod si Denise at tila may hinahanap na aklat. Inilagay ni Charles ang aklat sa isang sulok dahan dahan s'yang lumapit sa dalagita at...

"Huli ka.." Agad kinulong ni Charles si Denise ng yakap.

"God! Nagulat ako." Nabigla si Denise sa ginawa ni Charles. Kaya humarap ito sa binata at ginawaran ng halik.

♡ @ 30 Sec.Where stories live. Discover now