Chap. 13

1.7K 91 1
                                    

Sa loob ng ilang taon; hindi na nagawang bumalik ni Denise sa Pilipinas. Pilit n'yang kinalimutan ang lahat tungkol kay Charles..

Samantala, ginamit ni Charles ang salapi upang baguhin ang buhay nilang mag-ama. Bagamat bulag si Mang Gusme; sa tulong ng kanyang mga anak umahon parin sila sa kahirapan. Nakapagtapos si Charles at Lilian sa kanilang pag-aaral. Nagdesisyong pumunta si Charles sa ibang bansa. Isa rin sa dahilang isinantabi n'ya ang nakaraan. Binago n'ya rin ang kanyang sarili at katayuan sa buhay.

Ginamit nilang magkapatid ang pera at pinalago ng husto.

Minsan, naisipan ni Charles na bumalik sa syudad ng Guatavala; napag-isipan n'yang magpatayo ng sariling pagawaan ng paghahabi ng sinamay at pinya.  Sapat na ang pera na naipon n'ya galing abroad; kung kaya minabuti n'yang maglagay ng sariling negosyo. Dahil narin sa tulong ng kanyang dating amo napadali kay Charles ang makakuha ng mga kliyente.  Habang si Lilian naman ay abala sa negosyong naisip. Nagpatayo si Lilian ng maliit ng panaderya at lumago  ito.

Hindi na muling naisipan ni Charles ang pumunta ng ibang bansa dahil lumalaki narin ang kanyang pagawaan at si Lilian ay ganun din. Hanggang nakapag-asawa si Lilian. Magkatuwang silang magkapatid na tumitingin sa kanilang ama.

Bagama't bulag si Mang Gusme; pinadama parin ng mga anak ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kanya. Hindi man n'ya nakikita ang mga pagbabago ng kanyang mga anak; sapat na malaman n'yang nasa maayos sila.

"Charles, kelan ka ba mag-aasawa? Tumataas na ang edad mo." Sambit ni Mang Gusme.

"Tay, darating din tayo d'yan."

"Anak, tama na ang paglingon mo sa akin. Sapat na ang lahat."

"Tay, saka na lang..h'wag kayong mag-alala, magkakapamilya din ako."

Agad iniiwas ni Charles ang ganung usapin.

Tuwing dumadating si Lilian sa bahay nila at dinadalaw ang kanilang ama, kasama nito ang apat na anak. Nagkakaroon ng ingay ang malaking bahay na pinatayo ni Charles.

Kinalimutan narin ng mga kapitbahay ang nangyari sa kanila ni Denise. Ngunit batid parin ni Charles na muling mauungkat ang lahat; at maikukwento ang mga pangyayari ng paulit ulit.

Tuwing umaga maagang gumigising si Charles upang gawan ng pandesal ang mag-asawang Jose at Mariana. Itinuro ni Lilian ang tamang panlasa na gustong gusto ng mag-asawa. Hindi man tinatanggap ni Charles ang bayad; ngunit sapat na sa kanya ang makarinig man lang ng balita tungkol kay Denise. Pero ni minsan wala silang naikwento sa kanya. Malimit iniiwasan ng dalawang matanda na pag-usapan pa si Denise.

Hindi na nagtataka si Charles. Gayun pa man, alam na ni Charles ang nangyari sa buhay ni Denise. At batid n'ya na mas lalong malayo ang narating ng dalaga. PILITIN MAN N'YANG ABUTIN HINDI NA N'YA MAGAWA. SINO S'YA UPANG MULING BABABA SI DENISE SA KANYA? HANGGANG TANAW NA LAMANG S'YA SA NAPAKATAAS NA LIPAD NG DATING NOBYA.

Sa loob ng kanyang silid. Makikita ang iilang poster ni Denise bilang modelo ng mga kilalang  Beauty products; pabango; kasuotan at kung anu ano pa. Pero mas higit na nakaramdam si Charles ng pag-aalinlangan  sa sarili n'ya ; nang makita n'ya  sa mga magazine na kinikilala si Denise ng mga kilalang tao at mga sikat na artista sa ibang bansa..dahil sa mga kasuotang gawa nito.

--------------------------------------------------------------------------------------------

PRESENT TIME...

"Sa bawat ang araw ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag

Lalong tumatamis; tumitingkad

Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon

Nadaig ng bawat bukas.."

"Good Morning, Denise." Napatigil si Denise nang makita ang mag-asawa.

♡ @ 30 Sec.Where stories live. Discover now