Chap. 10

1.5K 84 2
                                    

AN : Bibilisan ko na ang pangyayari..



Mabilis dinala sa hospital ang mga biktima ng pagsabog ng bus. Agaw buhay ang karamihan. Mabilis naman kumalat ang balita sa tv at radyo.

"Tay...Nay.." Mangiyak ngiyak si Lilian sa loob ng hospital habang hinihintay ang kanyang mga magulang sa loob ng Operating room. Kasama naman ni Lilian ang ilan sa mga kamag-anak. Nakarating din ang balita sa mga Gustavien. Kung kaya agad pumunta si Don Alfonso kasama si Jose.

"Ano bang nangyari at naisipan nilang pumunta doon?" tanong ni Don Alfonso sa anak habang lulan sila ng kanilang sasakyan.

"Ewan ko Papa. Wala akong alam."

"Kinakabahan ako sa mag-asawa. Balita ko nasa panganib ang kalagayan nila. Paano na lang ang mga anak ni Gusme kung anong mangyari sa kanila ni Clara." Nag-alala ang matanda.

Nang marating nila ang hospital, inabutan nilang parang naupos na kandila sa isang sulok si Lilian at halos walang magawa kundi ang umiyak ng umiyak.

"Lilian.." Lumapit si Don Alfonso sa dalaga.

"Don Alfonso.." Napaiyak ng husto si Lilian.

Napayakap ang matanda sa dalaga.

"Natatakot po ako kina Tatay at Nanay.." Hagulgol ni Lilian.

"H'wag kang mag-alala maliligtas sila..tutulungan ka namin." Sabi ng matandang Gustavien.

Matagal ang paghintay nina Lilian sa labas ng Operating room. Hanggang..

"Sino po ang pamilya ni Clara Fabrigal?" Tanong doktor.

"Ako po..anak po n'ya ako." Agad na lumapit si Lilian. Pinapasok ng doktor si lilian sa loob.

Gimbal si Lilian nang makita ang kalagayan ng kanyang ina.

"Nanay..." Halos madurog ang puso ni Lilian nang makitang puno ng apparatus ang kanyang ina. Tila lantang gulay ang kalagayan ng kanyang ina at masasabing nasa binggit ng kamatayan. Nilingon ni Lilian ang doktor; puno ng luha ang kanyang mga mata at nababalutan ng takot.

"Doc, makakaligtas po ba si Nanay?"

"Magdasal na lamang tayo...Lubhang napinsala ang ilang parte ng kanyang katawan lalong lalo na ang kanyang ulo. Maraming dugo ang lumabas mula sa kanyang sugat sa ulo. "

"Nanay.." Napayakap si Lilian sa walang malay na ina.

Awang awa si Don Alfonso.

Sa kabilang silid naman..pinuntahan ng ilang kamag-anak si Mang Gusme kasama si Jose.

"Doc, ano pong kalagayan ngayon ng kapatid ko?" Tanong ng kapatid ni Mang Gusme na si Artemio.

"Napinsala po ng husto ang kanyang mga mata. Maraming bubog ang tumama sa kanyang mata. At higit pa doon..nabagok ng husto ang kanyang ulo. Kailangan maoperahan s'ya sa madaling panahon."

"Mahabanging langit!" Nasambit ni Artemio.

Hindi alam ni Lilian at ng mga kamag-anak kung anong gagawin sa mag-asawa.

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Dalawang araw ang lumipas.. Day-off nina Charles at Denise.

"Mahal, saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Denise.

"Sekret." Sagot ni Charles na tila may saya sa kanyang mga mata.

"Charles, bakit tila masaya ka yata."

"Syempre, masaya ako dahil..tinaasan na ang sahod ko ng boss natin."

♡ @ 30 Sec.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon