14

798 16 1
                                    

Ready your heart readers sa chaoter na ito at sa mga susunod pa dahil maguumpisa na ang roller coaster emotion ng mga bida.

--------
Chapter 14 -Sunshine's grave.
-------


HE is closing the gap na kina atras ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang aking likod sa pader.

" V- Valerious." Utal ko habang nakatingin sa mga titig niyang malamig.

Hindi siya nagsalita at nilapit lamang ang kaniyang mukha sa akin. I tried to push him pero hindi man lang ito natinag. Hanggang ilang pulgada na lamang ang aming pagitan. All I have to do is to close my eyes at hintayin ang susunod niyang gagawin pero nagtaka ako nang wala akong maramdaman ng kahit ano.

"Magbihis ka." naguguluhan ako sa sinabi niya habang tiningnan ko siyang lumalayo sa akin.

Hindi pa rin ako kumikilos dahil naguguluhan ako. I saw how he drink my coffee na kinalunok ko. Nagustuhan kaya niya yung lasa?

Nang malagay niya ulit sa mesa ay nagsalubong ang kaniyang kilay nang mapunta ang kaniyang tingin sa akin.

"What are you waiting for? Don't make me repeat myself,  Ms.Tachibana."

Mabilis akong naka alis sa kusina, sapo sapo ang dibdib ko. Hindi parin kasi ako maka get over sa lapit ng mukha niya kanina. I shake me head to vanish all ny thoughts at dumiretso sa kwarto.

May mga damit na nakahanger na pambabae sa closet at halatang bagong bili pa ito dahil may mga tag pa itong nakalagay. I wore simple dress dahil hindi ko naman alam kung bakit ako pinagbibihis ni Valerious.

I have my hopes up na lalabas kami dahil namimiss ko rin ang hangin sa labas ng bahay.

Nang makalabas ako ay nasa baba na rin pala si Valerious. Napalunok ako sa pormal niyang suot. Hindi rin naman kasi maipagkakaila na gwapo ito kaso bagsak sa ugali.

Bumaba ako ng hagdan at lumapit sa paruruunan niya. Nakatalikod ito sa akin kaya kailangan ko pang kunin ang atensiyon niya.

"Puwede bang malaman kung saan tayo pupunta?" Napahinto ito saglit at liningon ako. I saw how he gaze my apperance back in my face but immediately turned cold.

" None of your business. Just follow me." Hindi nalang rin ako sumagot at hinintay siyang makatapos. One of the maids holding a medium basket and a boquet of flowers.

May liligawan ba siya? Impossible 'yun.

After a few minutes, lumabas kami ng bahay. Ang hindi ko lang nagets ay dalawa lang kami sa loob ng kotse. Wala man lang siyang isinamang tauhan. I even looked for Matt but he was nowhere to found. Babalik pa kaya yun?

"Don't try to run away from me, Ms.Tachibana. I can still find you wherever place you'll go." Biglang saad nito na kinakaba ko.

Huminto kami sa isang maliit na burol. Kinabahan ako dahil baka dito na ako papatayin. Kaya ba wala siyang tauhan dahil papatayin niya ako mag isa? Nabundol ako ng takot dahil sa mga pinag iisip ko.

Kung dito niya ako papatayin, walang makakita sa katawan ko kahit isa dahil wala man lang katao tao ang lugar. My fear starting to envelope my system.

" What are you waiting for? Baba." Kahit nanginginig ay bumaba na lamang ako ng kotse. Sumusunod ako sa kaniya at naglakad kami hanggang sa makarating kami sa isang maliit na parang bahay pero puros glass wall. May mga candle rin at bulaklak sa loob.

Tiningnan ko ang detalye ng lugar hanggang sa mapadako ang aking tingin sa pangalan na nakapaskil at pamilyar na mukha sa picture frame.

'Sunshine Salvatore'

Kusang tumakbo ang aking mga paa papalapit roon. Hanggang sa maaninag ko ang nakangiting mukha ng aking kaibigan.

" S-sunshine." My tears blurred my vision. Kusang tumulo iyon hanggang sa mapaluhod ako sa aking kinatatayuan.

" K-kumusta kana? Miss na miss kita."  Hikbi kong saad at tiningnan lamang ang picture nitong nakatingin sa akin. I remember how we met at kung paano niya ako nililigtas kapag may umaaway sa akin.

She was my first friend back then at siya lang rin ang nakakaintindi sa akin. I remember kung ilang beses na siyang napapa away dahil sa mga bully na lagi akong sinasaktan. Naging masaya kami pero bakit ganun?

Ang nag iisang kaibigan ko ay kinuha rin sa akin at ang kapatid ko pa ang may sala.

"P-please forgive me. Alam kong may kasalanan rin ako. Kung sana nalaman ko agad ang plano ng kapatid ko. Hindi ka sana mamamatay. Patawarin mo ako Sunshine.." hikbi kong saad habang tinatanaw ang kaniyang puntod.

" Tsk.. I did not bring you here to cry" kahit malabo na ang aking paningin, inangat ko parin ang aking tingin kay Valerious na ngayon ay nakatayo na sa aking gilid.

" Valerious sorr-" naputol ang aking sasabihin nang mabilis niya akong hinila at nakita ko na lamang ang aking sariling nakayakag sa mga bisig niya.

Gulat na gulat ako sa ginawa niya. Akala ko kasi ay sasaktan niya ulit ako. Napansin ko rin na natuod siya sa ginawa niya kaya agad niya akong tinulak at tumalikod ng tuluyan.

" Y-you-- ahem!" putol nitong saad habang nakatalikod parin sa akin.

" Stop crying and clean this place!" Hindi ako makasagot at tiningnan lamang ang likod niya.

Nagpatiuna na siya at lumapit sa nakasiradong pinto. He put the key on it at binuksan ang lugar. Liningon niya ako at tinaasan ng kilay.

" What the hell are you standing there?!' napaigtad ako sa sigaw niya kaya wala na akong magawa at sinunod ang gusto niya.



TO BE CONTINUED . . .

Beneath His Cruelty (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now