18

722 17 1
                                    

Chapter 18- SORRY

Hikari Pov

NAGISING ako sa pagbuhos sakin ng malamig na tubig nang ilang kalalakihang tauhan ni valerious, para akong mabibingi sa pagkabiglang buhos ng tubig saakin dahil napunta rin iyon sa tenga ko, ang katawan ko naman ay naninigas na sa lamig ng tubig.

Hindi pa nga sila nakuntento at binuhusan ako uli ng ilang beses pa. Namamaga at nangangalay na ang mga pulsohan ko sa pag kakadena sakin, nahihirapan na talaga ako. Wala nakong alam sabihin sa sarili ko kundi nahihirapan na ako, hindi kona kaya, suko nako, suko nakong mamuhay ng ganito.

"Valerious!!! Alam kong nakikita mo ako! Ano?! Masaya kana ba hah? na nahihirapan ako ng ganito? na nakikita mokong umaaray sa sakit? tumatawa ka ba ngayon ha? Hayop ka!! Bakit ka pa nabubuhay sa mundong ito wala kang puso at mas lalong hindi ka tao! dahil Isa kang HALIMAW!" ramdam sa boses niya ang sakit at hirap nito. Nagpapaospaos pa habang sinisigaw ito at nagwawala.

Nagtatawanan lang ang limang kalalakihang naroon sa ginawa ni hikari. May kung ano silang narinig sa tenga nila dahilan para sundin ito. Tinanggal nila sa pagkakadena si hikari na hinang hina na saka inakay papunta sa loob ng mansyon. Ibinilin ang dalaga sa mga katulong na gamutin ito at linisan. Halos maawa silang lahat sa dalaga sa itsura nito

Ang itsura nito ay namumutla na at ang mga braso't pulsuhan nito ay may mga pasa at may mga kagat din ng lamok ang hita.

Pagkatapos nilang gamutin ang dalaga ay  tinulongan nila itong akayin maglakad dahil paika ika na ito. Dinala nila ito sa kabilang kwarto malapit kay valerious. 'isang guest room.

Doon pinahiga ang dalaga na laging iniinda ang sakit ng katawan at walang tigil ng hikbi yakap yakap ang katawan. Kinumutan naman siya ng isang manang doon na talagang naawa ito bago siya umalis.

Biglang naalala ni hikari ang papel na ibinigay sakaniya ni matt siguradong basa na iyon dahil sa pagbuhos sa kaniya ng tubig kanina pero nagbabakasakali parin siya na baka pwede pang mabasa ito kaya kahit na masakit ang katawan niya ay pinilit niyang tumayo at pupunta sana sa laundry room.

Nang malapit na siya sa pinto ay halos mapaitlag ito sa gulat dahil naroon si valerious, seryoso ang mukha nitong nakatingin sakaniya. Napansin din ni hikari ang baril sa tagiliran nito.

"Where do you think your going ms. Tachibana?" cold nitong sabi habang papasok sa loob at itinutulak ng marahan si hikari pabalik. Sa subrang inis ng dalaga sa pagmumukha ng kinamumuhian niyang tao ay nasampal niya ito ng pagkalakas lakas sa kanang pisngi nito dahilan para dumugo ang gilid ng labi ni valerious na pinunasan niya ng hinlalaki saka dinilaan ito. Sasampalin niya pa sana itong lalaking ito ng masangga ng binata ang kamay ni hikari.

"Gusto kitang mawala sa mundong ito alam mo ba 'yon hah?! Mamatay kana! Mamatay kana!" paghihisterikal ni hikari saka ubod lakas nitong sinusuntok ang dibdib nito.

Walang binibigay na emosyon si valerious, hinawakan niya ang dalawang kamay ni hikari sa pulsuhan at itinulak ito sa higaan. Pilit na tumatayo ang dalaga pero naunahan siya ni valerious na ngayon ay nakapatong na ito sakaniya. He pinned Hikari to the bed to prevent from moving.

"Bastos! Papatayin kita! Papatayin kita valerious tandaan mo 'yan!" pagbabanta nang dalaga habang humahagolhol ito sa iyak. She got terrified when Velarious sunddenly laughed at her face. She stunned.

"HAHAHA! You think you can kill me? Sa sitwasyon mong 'yan? Sa posisyon mong 'yan? Sa mahinang emosyon mong 'yan? HAHAHA!" He let out a heavy sigh. "No. You cant kill me, ako panigurado ay mapapatay kita ng isang kurap lang, Ms. Tachibana."

Nakakakilabot nitong saad. Nang hindi na naghihisterikal si hikari ay tinanggal na ni valerious ang pagkahawak sa kaniyang dalawang kamay at tumayo at sisindi sana ito ng sigarilyo nang biglang kinuha ng dalaga ang baril mula sa tagiliran niya, at itinutok sa sarili niyang sintido. Medyo nabahala at naguluhan ang nararamdaman ni Valerious sa ginawa nitong dalaga.

"Kaya ko rin patayin ang sarili ko! Mas gugustohin ko pang mamatay kaysa mabuhay ng ganito!" wika ni hikari na paatras ito ng paatras ng dahan dahan habang lumalapit si valerious sakaniya.

"Put that down hikari, sh*t! I said put that down!" sigaw na may inis ng binata.

"No! Huwag kang lalapit! Let me die! Valerious let me di--" pinindot ni hikari ang baril pero wang bala ang lumabas.

Doon na nagkaroon ng pagkakataon ang binata na kunin sakaniya ang baril  at ang dalawang natitirang bala ay binaril niya sa labas sa terrace. Kinukuha panga ito ng dalaga pero hindi ito nagtagumpay.

"Let me die valerious! Aghh! I said let me die!" hindi matigil tigil na pagiyak nito.

Niyakap siya ng binata mula sa kaniyang likuran ng mahigpit at hinalikan ang ulo ni hikari. Sigaw naman ng sigaw si hikari na pakawalan siya nito at paulit uli na sinasabing gusto niya ng mamatay.

"Sh*t, im sorry hikari! Sh, i-im sorry! I won't let you die forgive me. This will be the last time i will do this sh*t, forgive me hikari." pangungumbinsi niya rito. Dahan niya hinarap itong si hikari sakaniya at pinunasan ang mga luha nito at saka yinakap uli at hinihimas pa ang buhok niya na parang sabik na sabik siya.

"You can beat the sh*t out of me if you want to. Hindi ako aangal, kahit anong gawin mo sakin ayos lang kung yon ang ikakagaan ng pakiramdam mo" maamong boses nitong sabi kay hikari na nagpatahan unti unti sa dalaga. Habang inaayos ni valerious ang buhok ni hikari ay napansin niyang mainit ang noo nito at ang buong katawan.

"This is all my fault! Manang!" dumating naman agad ang katulong.

"Call my doctor now!"

"O-opo sir" dali dali siyang bumaba at tinawag sa telepono ang doctor ni valerious.

Inakay ni valerious  si hikari para makahiga ng maayos ang dalaga habang  naiinis si hikari sa mga paghawak nito sa kaniya at nandidiri ito pero hinang hina na siya para magreklamo pa kaya pinabayaan niya nalang ito. Kita sa mukha ni valerious ang pagaalala at taranta habang hinahalikan ni valerious ang kamay ni hikari na lantang lanta na.

To be continued. . . .

Beneath His Cruelty (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now