Simula

66 4 0
                                    

Simula


"ANO ITO, Patricia?" Matalim ang ibinigay na tingin ni mama sakin habang naka tingin sa card ko.


"Ahm... 89.03℅ po ang average ko sa first semester, mama" kahit natatakot pinilit kong ngumiti.


"Bakit natutuwa ka sa grades na ito?" Tumingin sya sa cards ko at bumaling ulit sakin.


"Ahm... K-kasi po mama m-mataas na po yan, hindi po ba kayo proud sakin?" yumuko ulit ako sa huling tanong ko.


"Proud? Did you heard what you just say now Patricia?" Matigas na tanong ni mama sakin. "Bakit yan lang ba ang kaya mong ibigay na grade, ha? Hindi mo ba kaya sumali sa top, Patricia? Bakit Hindi mo gayahin ang mga pinsan mo? Matalino, laging top sa school." Tumigil sya sandali sa pagsasalita at tinignan ako mula ulo hanggang paa parang sinosuri ang uri ng pananamit ko. "at tignan mo nga yan ayos mo"



Napatigil sya sa pagsasalita nagbumukas ang pinto at mula ro'n pumasok si papa kaka uwi lang sa trabaho, pawis na pawis pa.



"Oh, bakit ganyan ang mukha nyo Hindi ma ipinta?" Tanong ni papa ng tuloyan na s'yang makapasok.



Nandito kami sa sala, naka upo si mama sa kawayan na upoan habang ako na tayo sa harap nya. Pumasok muna si papa sa kusina at bumalik rin ulit.



"Itong anak mo proud na proud sa nakuha n'yang grades. " sagot ni mama Kay papa habang inaabot ang card ko at tinignan ni papa.



Nakita ko ang munting ngiti sa labi ni papa animo ay natutuwa sa nakuha kong marka.



"Abay mataas 'to ah!" Tumingin si papa sakin ng naka ngiti, Napa angat ng tingin si mama Kay papa dahil nakatayo rin sya gaya ko.


"Don't tell me you are proud to her grades like that?" Tanong ni mama Kay papa na naiinis na.


"Oo naman mataas na ito, at pinaghirapan ng anak natin, Isabel" tingin ni papa Kay mama.


Tumayo si mama at tumingin sa amin ni papa.


"Pwes ako Hindi, kaya laging ganyan lang ang grades ng anak mo Hindi maka sali sa top, kasi kahit anong makuha n'yang grades okey na sayo." parang sigaw ni mama Kay papa. Umalis si mama at pumunta sa kwarto nila ni papa.


"Anak, okey na ang grades mo mataas na ito. Wag mo na lang pansinin ang mama mo" akbay sakin ni papa habang naka tingin sa pinto ng silid nila.



"Pero papa, sa tuwing lumalabas ang result ng grades namin at Hindi ako kasali sa top laging galit si mama sakin" sagot ko Kay papa.



"Anak, ginawa mo naman ang best mo para maka pasok sa top, Hindi ba?" Tanong ni papa sakin at tumango ako. "Oh yun naman pala eh pero ito lang ang kinaya mo, kaya wag mong pilitin pumunta sa itaas kong Hindi naman kaya doon ka lang sa gaya mong akyatin. Kuha mo" tumingin si papa sakin at ginulo ang buhok ko. "Oh, card mo pumunta kana sa kwarto mo para maka pagbihis ka."


Pumasok na ako sa kwarto ko, binaba ang bag ko sa tabi nag table ko. Pero Hindi ako agad ng bihis at umupo muna at tinignan ang cards ko.


Tuluyan ng tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan habang naka tingin sa card ko at iniisip ang sinabi ni mama kanina.


I did my best naman eh, pero hanggang dito lang ang kaya ko. Pero Hindi pa rin sya proud sakin magiging proud lang daw sya pag kaya ko nagsabayan ang mga pinsan ko.



Sa totoo lang ang mga pinsan ko kay papa, Hindi naman sila subrang katalinohan pero proud sa kanila sina Tito at tita.



Pero sa pinsan ko kay mama yung iba matatalino, laging top students, maayos manamit. Kaya gusto ni mama gayahin ko sila, pero sa ayaw ko du'n lang ako sa gusto at kaya kong gawin. Hindi ako nag-aral para makipag compete sa kanila.


THE LOVE AT FIRST SIGHTWhere stories live. Discover now