Kabanata 5

14 3 0
                                    

Kabanata 5

NANDITO Ako sa school ngayon nakatulala. Naka upo sa upuan ko, 'yung katabi ko kasi wala pa rito. Bakit ba hindi magawa ni ningning na pumasok ng maaga?

Nang makauwi kami ng araw na'yun sa mansion 2pm na. Hindi rin ako makapaniwala sa nasa Ateneo De Manila university nag-aaral sina Denise. Kaya pala gustong-gusto ni mama na gayahin ko sila. Matapos kong mag-ayos ng gamit ko inantay ko si mama maka uwi galing sa lakad niya, kahapon.

Nang makarating si mama kasama niya si lolo, nagpaalam ako na uuwu na ako. Sabi rin ni mama ay ngayong hapon siya uuwi rito.

Naka tingin ako sa labas ng campus pinagmamasdan ang mga studyante na lumalakad-lakad pa kasama ang kaibigan nila. Meron din 'yung  nag-iisang lumalakad, siguro ay hindi pa dumadating ang kaibigan nila gaya ko. Nagbibiruan sa daan, kapag may dumadaan naman sa labas ng room namin sa tapat ko sa bintana at nakakasalubong ang mga tingin namin nginingitian nila ako kaya I smiled back to them.

At hindi rin makakaligtas ang one in only crush ko na si Riven Carpio galing sa GAS 12. Na walang ginawa kong hindi magbarkada hindi pumapasok sa klase nila—minsan lang.

𝘖𝘰... 𝘔𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘵𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘤𝘭𝘢𝘴𝘴𝘳𝘰𝘰𝘮 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪 𝘑𝘢𝘯𝘦. Inistalk ko rin siya sa Facebook at rito sa campus. Tapos nakasama pa siya sa class officer nila kasama pa 'yong kaibigan niyang lalaki na si Khalifa. Sabagay, pano sila hindi makakasama, eh. Sa gwapo nilang 'yun sinong hindi bobuto tapos dami pang kaibigan na lalaki at babae kaya misan nagseselos ako sa mga ka close n'yang babae.

At iwan ko rin ba sa sarili ko, sa dinami-dami ng matatalino at gwapo sa GAS 12 ay sa isang walang pake pa sa acads ako nagkagusto.

Marami rin naman nirireto sakin si ning na gwapo pero parang tingin ko na sa kanila wala lang. Wala na akong makitang lalaking gwapo maliban kay riven, sya lang ang nakikita kong gwapo rito sa campus.

Naka tingin ako sa labas nang biglang may tumulak sa akin para matangal ang kamay kong nakatukon sa pisnge ko. Maiinis na sana ako sa gumawa no'n pero palingon ko si ningning pala.

"Ang layo ng tingin natin, ah. " binaba niya ang kanyang bag sa desk at umupo pero paharap sakin.

"Ang tagal mo kasi eh." Simangot ko sa kanya.

"Ay! Pasinsya na po mahal na prinsesa at ipinagantay kita. Marami pa kasing inutos si mama s bahay kay paikot-ikot pa ako sa bahay namin." Niyuko pa niya ang kanyang ulo.

"Iwan ko sayo." Sinimulan ko ng inilabas ang notebook ko at ballpen.

Tumawa lang siya sa inasta ko. Sakto rin naman na pumasok na ang teacher namin.

"Good morning, class!" Bati sa amin ng teacher namin.

"Good morning too, teacher!" Sabay-sabay naming bati.

Imbis na mag lecture si ma'am santos sa amin kaagad ay nagkwento muna ito. At itong mga kaklase ko naman ay panay tanong kay ma'am about sa life nya at tango. Ano bayan? Hindi sa hindi ko gusto ang ginagawa nila kaso kababalik lang namin sa school tapos first in morning kwentuhan sila. Kita mo aabutan na naman 'to ng time recess.

"Oh, bakit ka naka simangot diyan?" Pabulong ni ningning sakin.

"Pano ba naman kasi eh masasayang na naman time ni ma'am kaka kwento." Pabulong ko sa kanya pa balik.

"Ay sus, gusto mo na lang naman mag-aral ng mabuti dahil sa mama mo." Tingin nya sakin.

Inirapan ko na lang siya. Hindi niya ako masisi kong ganito ako palagi. Minsan napapa isip na lang ako kong 'yung ibang classmates ko rin ba ay prini-pressure rin ng mga parents nila. Kasi ako, oo. Lalo na si mama gustong gusto niya talaga ako makapasok sa top, kaya susubukan kong maka pasok this second semester. Para naman maging proud siya sakin at Hindi na ako ikompara sa mga pinsan ko. Kasi nakakarindi na baka 'di ko na mapigilan ang sarili ko at masagot ko sya, never ko pa kasi silang nasagot ni papa.

THE LOVE AT FIRST SIGHTWhere stories live. Discover now