💋Hit and Run💋

654 6 0
                                    

Chapter One

Pagkarinig ng unang ring ng kanyang alarm ay mabilis pa sa alas kwatrong bumangon sya sa kanyang hinihigaang hapag, tinupi ang kumot at ipinatong sa unan at pagkatapos ay agad na nilukot ang hinihigaang banig tsaka inilagay sa gilid ng kanyang malaking closet. Alam nyang sobrang aga pero sinadya nya talaga bumangon ng ganito kaaga sa planong gusto nyang gawin. Pagtingin sa phone nya ay napangiti sya. May oras pa, may oras pa syang mambuso sa crush nya ngayon.

oppss..ayeee!!,.sana naman maging successful ang operation HIT and RUN ko ngayon!

Dahil sa naisip ay hindi nya maiwasang kiligin at parang baliwng sawna naman. Sobra ang tama nya sa mukong na iyon! Kahit panga na napakasungit ng binata sa kanya sa tuwing magkaharap sila wala syang pakialam, it's because for her it's a work in progress narin, Ikaw ba naman ang kakausapin nito ng harap-harapan ay hindi kaba naman hihimatayin sa sobrang kilig. She doesn't care if dahil lang sa inaaway sya nito, for it's a baby step to something else.

Sabi nga nila, the more you hate, the more you love! Kaya bahala nang hate sya nito ngayon, basta ba bukas ay pinaka-love na sya nito.!

"kaya sige lang ng sige Toni! para sa ekonomiya!, huwag tumigil!" parang tanga nyang sabi sa harap ng salamin."suyuin pa ng suyuin ang prinsipe mong pinakamasungit!"

Nagpasya syang lumabas na ng kwarto nya at nang macheck kung gising naba ang lola nyang pinakamabait na school principal ng St. Katalina Academy!

"Mamita...good morning po!"yinakap nya ito mula sa likod."mwahh..mwahh" pinugpog agad nya ito ng halik.

"tss! naku huwag ako Antonia! alam ko na kung bakit ka maaga ngayon" pilit na kumakawala na sabi ng lola nya."ikaw!" akma sya nitong kinurot pero naka ilag sya.

"Wow! sobra naman talagang swerte ko!" bumalik sya sa pagkakayakap dito. "principal nanga mamita ko aba at manghuhula pa! mmmmm!" pang-uuto pa nya dito."alam mo agad anong balak kong gawin eh"

"inu-uto mo nanaman ako ano?, well this time hindi mo na ako madadala!" umalis ito sa harapan nya at kumuha ng itlog sa may maliit na basket.

"totoo naman mamita ah!" sabi pa nya sabay sulyap sa malaking bintana nila sa may sala.

"alam ko kung sino ang hinihintay mo diyan, kala mo, si Allen Daniel nanaman ba?maawa ka naman sa kababata mo pambubully na yan" umiiling na sabi nito sabay lagay ng tea bag sa isang tasa.

"hindi naman mamita ah, pagmamahal nga ang tawag nito---

"ewan ko sayo! nong kapanahunan namin ng lolo mo, abay yon ang nanunuyo sakin, hindi yong ganitong--" inis na sabi nitong. "millennials ng pagmumukha niyo!"

"Oh huwag mag-sungit! nakakapangit!" natatawa niyang biro pa sa lola nya.

"huwag kanang mahiya, sige na hintayin muna sa labas ng kural! Diyos ko nimong bataa ka!."

Natatawa syang marinig na hindi naiwasang nakapagsalita ng bisaya ang lola nya. Oo bisaya naman talaga ang origin nila. Nagmula sila sa Cagayan de Oro City kung saan doon din sya ipinanganak ng Mama nya at iniwan nalang basta-basta sa pangangalaga sa lola at lolo nya noon. Nag-asawa na ito ng amerikano at nanirahan kasama ng asawa sa ibang bansa. Habang sya ay nag-iisang binunbuhay ng kanyang lola at lolo. Napadpad sila sa mga Lorenzo at dito nanga sya lumaki sa Sta. Katalina.

"basta ayaw ug uli dinhi ug masakitan ka niya ha!" pahabol pa nito.

"hindi ako sasaktan non, promise!"

HIM Loving so Bad- CS #3 B1Where stories live. Discover now