💋Put it on💋

71 3 0
                                    

Chapter Eleven

Ilang araw ding walang klase dahil sa bagyo. Sa bahay na nya tinapos ang gamutan dahil sa pagkakadisgrasya nya noong nakaraang araw. Kung sya ang papipiliin, bukol lang naman ang tinamo nya hindi na dapat pang patagalin ng isang linggo ang gamutan. Isa pang kinaiinisan nya ay halos oras-oras tumatawag ang kaibigang si Gregory. Ang bading parang inahing putak ng putak, kesyo complete bed rest daw kailangan nya.

Kaya heto sumasakit na ang likod nya sa kakahiga sa complete bed rest na sinasabi ng kaibigan nya. Buti nalang may kakaiba sa umaga nyang ito ngayon. Napagalaman nya kasi sa socmed ni Allen, na babalik na ito sa pagtakbo, Ilang weeks din kaya itong tumigil, kaya heto maaga syang gumising at excited na nagbihis.

"pag-ibig ko! heheheheh! makikita na naman kita ulit!" walang paglagyan ang tuwa nya.

Gumising talaga sya ng maaga dahil alam nyang mag-jojoging ngayon ang pag-ibig nya. Ilang days nang hindi tumatakbo si Allen baby nya, kaya ilang days nading hindi ang mukha nitong pagkagwapo naman talaga ang unang nasisilayan nya sa umaga.

Hanggang sa ngayon pala ay masakit parin ang ibang bahagi ng katawan nya dahil sa nangyari nong nakaraang araw. Ang totoo inis na inis padin sya hanggang sa ngayon dahil sa CPR na iyon. Dahil sa alaalang iyon ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya

"relax Toni, ki aga-aga nega agad!" kinausap nya ang sarili sa salamin bago lumabas ng silid nya."isipin mo nalang na, panaginip pang lahat iyo"

Hindi pa pala alam ng lola nya na may nangyari sa kanya. Isa ito sa pinoproblema nya. Noong araw kasing yon, ayaw nya namang biglang bumyahi pabalik ang lola nya kahit kasagsagan ng bagyo. Syempre safety first ng mamita nya ang uunahin nya at tsaka na sya magpapaliwanag dito kapag nakabalik na ito.

Bago lumabas ay cheneck nya pa ulit ang sarili sa malaking salamin sa may sala nila. She like what she saw, she's look cute on her terno sweat pants and sweater. Pagkatapos mai-ponytail ang buhok ay agad syang nagmartsa palabas ng bahay nila. She instantly greeted by the cold air outside kaya napayakap sya sa sarili. Kaya para mawala ang ginaw sinimulan na nyang mag stretching habang hinihintay si Allen. Hindi nga nagtagal ay nakikita na nya sa malayo ang bulto ng katawan nito na tumatakbo patungo sa deriksyon kung saan naroon sya.

Hindi paman ay kinikilig na syang talaga.

"Allen! oH! ikaw pala!" kunyari ay nagulat sya, kahit alam nyang hindi ito maniniwala sa kanya."akala ko di kana mag-jojoging!.hehehe" she stretched her waist and wiggled her bum comically.

Hindi sya pinakinggan ng binata at akma lang sana syang lalampasan nito, but she's fast enough para maharang ang ngayo'y naiinis nang si Allen.

"what do you want?!" nagsuntukan agad ang dalawang maitim nitong kilay at minsan pa'y dumako ang mga mata nito sa puting bandage na nasa noo parin nya.

"ah, ito?" tinuro nya ang bahaging may bukol sa noo nya. " nothing to worry about, wala lang 'to, bukol lang" paliwanag nya pa.

"who's asking?" sarkastiko nitong sabi at nakapamewang pa."now tell me what do you want? cause you're waisting my time here" dagdag pa nito.

"alam mo naman ang sagot e!" biro pa nya at pabirong tinusok ang tagiliran ng binata.

"don't you have something to do?" inis na tinanggal nito ang earpiece mula sa tenga nito."Merda! (shit!) this girl is annoying!" napatingala ito at napabuga hangin habang nakapamewang.

"asos! annoying ka dyan! sabihin mo, this girl is beautiful! ganon!" mas lumapit pa sya dito kaya napa-atras ang binata."annoyingly so beautiful!" itinaas nya ang dalawang kamay."at swerte kapanga at ako ang unang nakita mo sa umagang ito! ehhh!" kinikilig na dagdag pa nya.

HIM Loving so Bad- CS #3 B1Where stories live. Discover now