💋 Assuming 💋

72 3 0
                                    

Chapter Eight

Galit na tinawag ni Maam Luciano ang atensyon ng kaibigang si Gregory. Panay kasi ang chika nito sa kaklase nilang nakaupo sa may likuran mismo ng kaibigan.

"Hoy! makinig kana!" kinurot niya ito sa may tagiliran.

"what the...! inis itong humarap sa kanya.

"No cussing in this room, Soriano!
Gusto nyang matawa dahil sa naging realsyon nito.

"bakla" she rolled her eyes to him at agad na umupo ng tuwid.

"sasabunutan kita" banta nito sa kanya at nagmukha pang manok na panabong.

Sinuklian nya ito ng napakatamis na ngiti, na syang mas kinainis nito sa kanya. Pinigilan nya ang tawa dahil mukhang kakainin na sya ng buhay ni Gregory. Pero wala din naman itong nagawa dahil nakatingin na sa kanila si Miss Esparcia, ang prof nila.

"makinig ka kasi, tss!" natatawa sya sa reaksyon nito at umiwas ng tingin.

"e bat ka nangungurot?! ha?!" hindi parin maka-move ang damuho.

Minsan hindi nya alam kung sinong isip bata sa kanilang dalawa, sya ba o anh kaibigan? Napapailing sya dahil sa naisip.

"ganon ha! parang wala lang ha!" hindi parin ito matigil tigil sa kaka daldal.

"shhhhh!" she tried to silence him.

"Gregory Soriano! Antonia Royales! do you mind?!" nasali na sya ngayon sa tinawag ng prof nila.

"sorry po!"

Agad syang humingi ng dispensa at tinubuan ng hiya sa mga kaklaseng nakatingin na ngayon sa gawi nila.

"all eyes in here! ang daming marites!" galit na sabi ng kanilang prof."what I'm trying to discuss awhile ago is that, for this project gusto kung ipareha kayo sa mga seniors ninyo and then learn through their experience."

"what's this project got to do with our subject Prof?" naguguluhang tanong ng classmate nila.

Tulad nito ay nagtataka din sya kung anong konek nito sa subject nilang Journalism.

"Good question!" ganadong sabi ni prof Esparcia sa kaklase."this is to know about their story and document it. So in order for you to know, you've got to be with them everyday"

Kinabahan sya at nagsimulang ma-excite. Nagsimula kasing lumipad ang isip nya sa isang partikular na senior niya. Kaya tinaas nya ang isang kamay at nagtanong.

"do we got to choose our senior partner in this project Miss?"

"no" tugon ni Miss Esparcia.

Agad syang nadismaya.

"Hahahahahha" tinawanan sya ng katabi."i know who's running in that crazy mind already" he cracked up all the more.

"kainis kana!" she tried to pinch him for the second time pero agad itong nakaiwas.

"silence!" nagsisigaw na naman ang guro nila. "what is wrong with you!" umiiling ito dahil sa inis."Royales! do not think for a second na hindi kita ipapadala sa principal dahil lang principal ang lola mo. That's not how it works in my class, you know that!"

"sorry Miss--

"now listen! lahat kayo ay magiging kapareha ng section na katabi ng inyong mga pangalan. Naipost ko na ito sa GC natin." itinaas nito ang phone."now, what you'll need to do is to check on it at nang malaman nyo kung sino ang mga magiging kapareha nyo at ng masimulan na ninyo ang project na THE OTHER STORY"

HIM Loving so Bad- CS #3 B1Where stories live. Discover now