💋Twin eyes💋

25 2 0
                                    

Chapter Eighteen

Hindi siya dinalaw ng antok nang gabing iyon. Hindi mawala-wala sa isip niya ang mga sinabi ng kanyang lola.

She have twin! Good Lord she have a twin! At isang lalaki. She couldn't believe it, at naniniwala siya sa sinabi ng lola niya, dahil wala namang dahilan para gumawa ito ng kwento. She wanted to meet him, ang kakambal niya. She wanted to meet her father too, habang may hininga pa siya. Sa isipang ito ay hindi niya mapigilan ang malungkot. Kung kailan nagkaroon siya ng karamdaman ay tsaka naman nalaman niya ang lahat ng katutuhanan. Life so cruel for her, hindi nanga siya mahal ng pag-ibig niya, mamatay pa siyang puso parin ang problema.

Kaya kailangang malaman na niya kung saan na ngayon ang Papa at kambal niya. Wala na siyang masyadong oras. She needs to be with them at kahit paano ay maramdaman niyang may ama at kapatid siya. Ngunit ilang araw na ang lumipas ay hindi parin tinuloy ng mamita niya ang kwento nito. May kung anong papel itong binabasa gabi-gabi. Kapag nasa ganoong mode ang mamita ay siya na ang umiiwas na ma-istorbo ito. But she's getting more impatient as the day pass by. Unti-unti na siyang pinanghihinaan ng loob. Lalo pa at hindi parin tumatawag ang ospital kung may donor naba siya.

Sa school habang nasa may bench siya at hinihintay si Gregory na matapos sa practice nito ay lumipad na naman ang isip niya sa kakambal niya. Marami siyang gustong malaman tungkol dito. Tulad nang kung sobra ba talaga silang magkamukha, magkatulad ba sila ng gusto, mga ganong bagay sana. Nasa malalim siyang pag-iisip nang bigla nalang may sumigaw. Napapikit siya at hinintay ang impact ng tama ng bola sa kanya. Ngunit wala siyang naramdaman. She opened her one eye and found herself on someone else's back.

Toni naman eh! Suki kana yata ng bola eh!

"Merda!"

Sa boses palang ay alam na niya kung sino na naman ang nasa harap niya. Naka-nganga siyang hinintay itong humarap sa kanya, pero hindi nangyari ito.

"Pull yourself together bro!" Inis na sabi nitoa sa lalaking patakbong lumapit sa gawi nila."the hell man!" Pahabol pa nito.

Tama bang isipin niyang naiinis ito dahil muntik na naman siyang masaktan? Ang isipin ito ay sobrang kinilig na siya ng isang milyong beses!
Tumakbo papalapit sa kanya ang isang hindi kilalang lalaki. Nagtaka siya dahil mukhang bago ito sa team.

"I'm sorry" Hinging paumanhin pa nito at ilang sandali lang ay mukhang natigilan."it's... It's you again!"

Nagtaka siya sa sinabi nito at napakunot ang noo. Titig na titig siya dito at hindi nagtagal ay bigla siyang napabulas sabay turo dito. Kaya hindi niya ito nakilala agad ay dahil mukhang nagpagupit na ito ng buhok. Mas lalo naging gwapo pa ito.

"i...I know you! Ikaw yong naghatid sa akin sa bahay!"

"Glad you remember me" Matamis na ngumiti ang lalaki sa kanya.

"Anong akala mo sa'kin matandang ulyanin?!" Umakto siyang naiinis dito.

Ngunit mas lumapad ang pagkakangiti nito at mas lumabas ang malalim na dimple nito sa magkabilang pisngi. Nakakahawa ang ngiti nito at sobrang nakakagaan ng dibdib. Ang mga pares na mata nito na sobrang pamilyar sa kanya ay mas lalong kumikinang dahil sa tuwa.

'This boy is a heart breaker'

"Muntik ko nang nailagan" biro pa niya dito.

"I saw that!" Hinihingal pang sabi nito at hindi mawala ang ngiti sa labi.

"Ornilla!"

Mukhang ito ang tinawag dahil agad nitong nilingon ang tumatawag dito.

"I'm Leon Ornilla by the way" inilahad nito ang kamay sa kanya.

"Antonia- Antonia Royales" tinanggap niya ang kamay nito at ramdam niya ang panginginig ng palad nito.

"Not so fast bro!" patakbong lumapit ang kaibigang si Gregory sa kanila at agad siyang hinila sa tabi nito.

"Oh I'm sorry! you two are a thing?... ---

" Nope!" Magkapanabay nilang sagot kay Leon.

"Good" Para itong nabunutan ng tinik.

"Toni si Leon pala, transferred student mula sa Cagayan de Oro" Pakilala ni Gregory sa lalaki. "My bestfriend, Antonia Royales"

Tama bang nakita niya? Kumikislap kasi ang mga mata ng bagong kakilala.

Pagkatapos ng practice ay nagsimula nang nagsilapitan ang team sa bench kung saan siya nakaupo. Agad na napako ang mga mata niya sa taong tinatangi niya. Kanina mukhang bago itong dating kaya ito ang nasapol ng bolang sa kanya sana tatama.

"Hi thank you kanina!" pilit na pinasigla niya ang boses. "Dahil doon libre kita ng snacks, ano gusto mo?!"

Nagsuntukan na naman ang mga kilay  ng nito pero kahit na ganon ay sobrang gwapo parin nito. Mukhang nag-isip pa ito sa offer niya.

"Tara na Royales" hinila na siya ng kaibigan bago pa man niya marinig ang sagot ni Allen.

"Aray! gutom na gutom?" Inis na sabi niya.

"Hello guys! Sama ako!" Patakbong sumabay sa amin si Leon.

Nakangiti na naman ito sa kanya at sobrang nakakagigil naman talaga ang mga dimples nito sa pisngi.

"Bro unahan na kita, kung balak mong pormahan itong si Toni, ngayong palang sinasabi ko sayo, wala ibang magugustuhan ito kundi ang mokong na iyon!"

Tinuro ni Gregory gamit ang nguso nito si Allen na noo'y nakatungong  naglakad kasunod nila kasama ang iba pang team.

"Ganon bah?" biglang kumunot ang noo nito. "Siya pala" Makahulugan nitong sabi. "Anyway gusto ko lang namang kumain kasama kayo, is there something wrong with that?"

"Nothing!" Nakangiti niyang sabi sabay angkla ng kanyang mga braso sa mga braso ng mga ito. "So come on let do it!"

"After you my princess"

Napahalakhak siya sa tawag nito sa kanya. Bago tuluyang nagmadali ay napatingin siya sa may likuran ngunit agad nanlumo nang makitang na may kausap na ito sa tabi, si Monika.

"Tara na" Pilit niyang itinago ang selos sa mga mata niya at agad na naglakad ng mabilis.

Lingid sa kaalaman niya may mga mata ding matalim na nakatitig kina Allen at Monika.

-

-

-

A/N

Mmm..🤔🤔🤔 maypagka mesteryoso din ang dating ng Leon Ornilla na ito ah? Ano kaya ang tunay na pagkatao ng bagong karakter sa buhay ni Toni at Allen.🤔🤔🤔🤔🤔🤔🤔🤔🤔

🥰🥰🥰Abangan.... 🥰🥰🥰🥰

🌺Authornim🌺

HIM Loving so Bad- CS #3 B1Where stories live. Discover now