💋Secret Twin💋

29 3 0
                                    

Chapter Seventeen

Parang sinilaban ng apoy ang puwit nya pagkatapos ng isang tawag na natanggap nya. Hindi sya makapaniwalang sa lahat ba naman ng oras ay ngayon pa ito tumawag. May nauna na kasing tumawag sa kanya at iyon ay ang kaibigan, at napag-alaman nya mula dito na may party na magaganap sa isang vacation house ng mga Cortez. At first she we ecstatic to go dahil maliban sa Hindi siya imbitado ay bawal na nga sa kanya ang mga ganitong event.

Ngunit hindi niya mapigilan ang hindi pumunta. Dahil alam niyang makikita niya doon si Allen. Ang buhay na puso at pag-ibig niya! Nagsimula na naman siyang kiligin. Ewan ba niya, nawawala ang mga agam-agam niya tungkol sa sakit nang malamang makikita na niya ang pag-ibig niya. Dalawang buwan ding hanggang picture lang nito na mula sa pinapadala ni Gregory kapag nag cha-chat sila ang nakikita niya.

"Your makita is going to kill me!" Reklamo ni Gregory.

"Soriano naman eh!" Inis siyang huminto sa paglakad at binalingan ito. "What if mamatay na ako bukas, at hindi ko man lang makikita ang pag-ibig ko?! Huh?! "

"Your talking as if it was nothing" Kunot noong sabi ni Gregory. "Busalan ko kaya yang maputik mong bibig!" banta nito.

"Heheheheh" Yinakap niya ang isang braso nito." Inis ka naman agad! Joke nga lang eh! Wag ka namang masyadong seryoso friend" Biro pa niya dito.

"Ang baho ng joke mo! Paano kapag nalaman ni mamita na umalis tayo ng bahay?! Huh? Ako naman ang malalagot nito eh!" Inis na sinabunutan nito ang sarili.

"Asos! Yan lang naman pala ang kinakatakot mo eh! Syempre wala kang alam dito."

"Anong yan lang, paano kung nabinat ka ha!" Nagpapadyak na parang bata na sabi pa  nito."at isa pa anong wala akong alam? Eh magkasama nga tayoooo! You are really crazy!"

"Basta tara na nga!" Hinila niya ito, papa-lapit sa bakuran kung saan nagaganap ang party.

Pagkapasok nila ay agad tumambad sa kanya ang sobrang dami ng mga naroon. Lahat ay pawang nag-eenjoy. May mga sumasayaw sa malaking sala at may mga nakaupo lang kahit saan. Red cups are everywhere too. Iba din ang party na ito. At aaminin niyang hindi man bago sa kanya ang mga parting ganito, nakakapanibago lang na pawang mga schoolmates at classmates ang naroon at walang pakialam na umiinom lang ng alak. Napalunok siya at mukhang nauuhaw pa yata dahil sa mga nasaksihan.

"Gusto mo ng maiinom?" Gregory asked.

"Yes please!" Excited njyang sabi.

"Okay maupo kalang doon oh" Turo nito sa may hagdanan. "huwag kang umalis okay!"

"Oo na nga!" Natatawa niyang sabi at iniwan ito.

Alam niyang natatakot lang ang kaibigan and she's grateful for that. Kaya lang nasa punto na siya ng buhay niya na magsaya at mag-ipon ng mga ala-alang babaunin niya sa kabilang buhay. Tanggap na niyang hanggang ilang buwan nalang ang nalalabi nito. Nabalot siya ng takot sa mga naisip kaya wala sa isip na mas umakyat pa siya sa itaas ng hagdanan hanggang sa marating ang second floor ng cabin. Maaliwalas ang sa itaas at walang katao-tao. Napagpasyahan niyang maglakad-lakad lang muna sa itaas at nang makita ang maliit na sala ay komportable siyang umupo sa may malambot na sofa. Simula nang makalabas siya ng ospital mabilis na siyang mahapo at ngayon ito ay isang patunay na hindi na talaga siya healthy tulad ng dati.

Hindi niya namalayang naka-idlip sa sofa at nagising lang nang may narinig na mga yapak patungo sa kinalalagyab niya, at mukhang nagtatalo pa ang mga ito.

"Lets talk this out! Please!"

Biglang umalerto ang lahat ng cells niya sa katawan nang marinig ang boses ng pag-ibig niya. Sobrang nami-miss na niya ito kaya naman agad siyang napabangon. Walang tao ngunit nakita niya ang nakabukas na pinto patungo sa veranda.

"I'm with Jared now, at for the record hindi kita pinaasa, it was just pure friendship"

"Why did I feel that you've known something I did not know" nagdududang sabi nito. "After your visit in our place, you've change, why? Just fucking tell me!" Hinawakan ni Allen ang magkabilang braso ni Monika, it was  desperate move.

She saw just how much he love the girl, kaya bumalot ang selos niya sa buo niyang pagkatao. Ang pagmamahal nito sa babae ay hinding-hindi niya mararanasan kailan man sa tanang buhay niya. Walang na siyang oras.

"Fuck!" Bigla nitong binitawan si Monika nang mapagtanto na nasasaktan na niya ito."forgive me" Yinakap nito ang babae.

Agad siyang umalis doon at bigong bumaba ng hagdanan.

'Fun memories Toni! Fun memories!'

Paalala niya sa sarili kaya biglang ding gumaan ang pakiramdaman niya. Sa baba ay nakita niya ang kaibigang naka-upo sa may hagdanan na may hawak na bottled juice. Nakunsensya siyang hindi ito sinunod.

"Bulaga!" Ginulat niya ito.

"Ha.ha.ha"inis na sabi nito. " alam mo kung hindi kalang rin lang makikinig sa akin then ayaw na kita kasama---

"I'm sorry, naghanap lang ako ng lugar kung saan hindi gaanong maraming tao, tama ka, hindi na pwede sa'kin ang event na ganito." Inunahan na niya ito.

"Still I'm so worried!" naiiyak na sabi ni Gregory. "Promise me na magsasabi ka kapag aalis ka, okay?"

Naawa siya sa kaibigan dahil sa huling sinabi nito. Paano kung wala na siyang oras na magsabi o mamaalam. Paano kaya yon? Nag-aalala tuloy siya sa mararamdaman nito.

"Everyday I will" Makahulugan niyang sabi.

"Ewan ko sayo, nagugutom kana siguro, tara nanga, labas na tayo dito at hindi ka pwede dito!"

Sa labas ay nakita na naman niya ang lalaking naghatid ka kanya pauwi nong isang araw na umuulan. Ngunit nang lingunin niya ulit ay wala na ito doon.

Kinagabihan nang bago siya matulog ay chikahan muna sila at nag-usap silang maglola. Simula noong nangyari ay ilang linggo na itong katabi niya natutulog.

"May sasabihin ako sayo"

"Ano po yon?" Kabado niyang tanong. May duda kasi siyang tungkol ito sa pag-party niya nang hindi nito alam.

"Palagay ko dapat mo ring malaman ito." Tumagilid ang mamita niya at hinarap siya."tungkol ito sa ama mo"

Nabunutan siya ng tinik, ngunit nagtaka din.

"Ama? Hindi ko alam na may tatay pala ako." Dinaan niya sa ngiti ang tunay na nararamdaman."so ano naman ang tungkol sa kanya?"

"Hindi kasalan ng papa mo ang umalis, sadya lang talagang hindi na niya kinaya ang ugali ng ina mo" Bumuntong-hininga ang mamita niya."I'm sorry hindi ka dapat ma stress sa mga bagay na nangyari noon---

"Okay lang ako mamita" nakuha ng lola niya ang atensyon niya.

"Matulog kana apo, at baka maka-apekto pa sayo ang magpuyat" Pag-iwas pa nito.

"Mamita naman eh, binibitin mo naman ako eh, lalo akong mapuyat sa kakaisip niyan."

"Ang totoo kasama ng ama mong umalis ay ang kaisa-isa mong kapatid, at kakambal mong lalaki"

"What?!"

-

-

-

A/N

OMG! 😯😯😯 twin? Kakambal? Paano nangyari yon? Sino kaya ito?

Salamat sa patuloy na pagbabasa🥰🥰🥰🥰🥰🥰

Hanggang sa susunod na kabanata.

🌺🌺🌺Authornim🌺🌺🌺🌺

HIM Loving so Bad- CS #3 B1Where stories live. Discover now