Tadhanang Kay Daya

75 0 1
                                    

Tadhanang Kay Daya

Anim na taon na ang nakalipas nang makilala kita, at apat na taon ko nang sinusubukang kalimutan ka.

Sa ilang taong pagtitiis, natututunan ko nang bumitaw sa iyong presensya. At natatanggap ko nang hindi tayo ang para sa isa't isa.

Bumibilis ang takbo ng paglimot ko sa iyo sa tuwing hindi kita nakikita. At sa isang sandali, ang puso ko'y nakapagpahinga sa walang tigil na pagluha sa ilang taong pangungulila.

Masaya na ako. Unti-unti ko nang nakakalimutan na mayroong ikaw. Malayo na tayo sa isa't isa at naghihilom na ang sugat sa puso ko.

Akala ko magpapatuloy na ito, ngunit sa pagdating ng pandemya, ay siya rin palang simula ng muli kong pagdurusa magbuhat nang ika'y nagbalik.

Isang taon lamang kitang nakasama, ngunit umabot ng limang taon ang puso ko para subukan kang kalimutan. At ngayo'y nagbabalik ka nang hindi manlang tuluyang nabura sa aking isipan.

Dumating ka, at kahit anong pagpigil ng damdamin ko'y sa'yo pa rin ito bumabalik balik.

Hindi ko alam kung bakit sa ilang taon na pag-iwan mo, ay lalapit pa rin ang puso ko na animo'y hindi ito nasaktan.

Kaya't nais kong malaman ang kasagutan kung bakit kahit ilang taon kang nawala, ay sabik na sabik pa rin ang puso ko sa iyong pagbabalik.

At hindi ko alam kung bakit kahit may mahal kang iba ay ikaw pa rin ang sinisigaw ng aking damdamin.

Tunay ngang nakakatanga ang pag-ibig. Walang makakapigil sa pusong nagmamahal.

Ngunit mas nananaig ang pagpapaubaya sa aking isip, kaya ngayo'y tutuluyan na kitang kalimutan nang makita ko kung gaano ka kasaya sa piling niya.

Kahit masakit at napakadaya ng tadhana dahil ilang taon akong naghintay sa'yong pagbabalik, ibabaon ko nalang sa limot ang lahat pagkat ngayo'y may nagmamay-ari na ng iyong puso. 

- ernxx

Malayang Salita Where stories live. Discover now