06

472 16 0
                                    

06: Shot

Nakakahiya ang ginawa ko. Mas nakakahiya dahil na-reject pa ako. Ano ba ang pumasok sa isipan ko na ginawa ko 'yon. Hindi pa ako nga ako ligtas sa ginawa ko nong isang gabi, baka isipin niya talagang masama o baliw akong tao.

"Ano iniisip mo diyan? Natapos mo na plates mo?" Nagising lang ako katulala nang magtanong bigla si Daphne sa tabi ko. 

"Tinatapos ko pa," sagot ko at may mga tatapusin pa pala akong mga assignments sa ibang subjects. May practice rin kami mamaya para sa awit sayaw. 

Parang gusto ko nalang hatiin ang katawan ko. May gala pa ako mamayang gabi with my friends, kailangan kong uminom.

 It will help me  stop overthinking. 

"Alam mo ba nag-chat ako kay Saydie," sabi niya habang nakatuon ang pansin sa cellphone niya. Nandito kami sa library para sana mag-aral. 

"Nag-reply ba?" Tanong ko, curious tuloy ako.

"Seen lang," sabi niya na parang batang nalugi o inagawan ng laruan.

"Okay lang 'yan," sagot ko. Hindi ko siya masiyadong sineseryoso kasi baka mamaya iba na crush niya. Ganon naman palagi, pinagkaiba lang ay hindi ko siya sinusuportahan ngayon.

"Pero hindi ako titigil," sabi niya. 

Tumango lang ako bilang sagot. Hindi ko pa naman siya crush diba? Pero bakit ko naman ginawa 'yon? Hindi ko siya kayang harapin.

After class ay dumiretcho na ako sa Party fun kung saan maraming tambay na estudyante, may mga lamesa at upuan at isang malaking counter kung saan ka bibili. Maganda rin dito ay ang nga aesthetic designs sa paligid, may makikita ka ring naglalaro ng billiards at kung ano pang laro.

 Pagkarating ko ay nakabili na sila ng inumin at pulutan.

"Nandito na si Izzy!"

Nakita ko sila agad Gaile at Josh, may kasama rin silang iba. 

"Nag-umpisa na kayo?" Tanong ko.

"Oo, oh, shot na!" Inabutan agad ako ng maliit na basi ni Bryan, Josh's boyfriend. 

Nauhaw agad ako. Gusto kong malasing ngayon, tipong mahihirapan akong umuwi. Kaso may mga tatapusin akong gawain sa school.

Nakalimutan ko yata ang kursong kinuha ko. 

"Kinukulit ka sa akin ni Ezekiel," sabi ni Henry one of our classmates before, kaibigan ng ex ko. Inirapan ko lang siya. Binatukan naman siya ni Josh.

"Ikaw lang inimbita namin ah, baka pinapunta mo dito si Ez!"

"Hindi ah! Sinasabi ko lang!"

Napailing-iling lang ako at bigla akong napalingon sa likuran and I saw Saydie? Pumikit pa ako ng mariin dahil baka namamalikmata lang ako. 

But it's her. She's wearing a hoodie jacket which makes her even more handsome. I mean. Umiling ako at umiwas ng tingin. Marami siyang kasamang lalaki na parang kasing tangkad lang niya.

"Are you okay girl?" Lumingon ako kay Gaile at agad na tumango bilang sagot. 

I just got distracted. 

Kaya nga ako nandito para uminom tapos nandito naman siya. Hindi ko siya maharap ngayon. Para naman akong nanigas na parang yelo nong pumwesto sila sa katabi naming bakanteng mesa at upuan.

"Oh! Gusto ko 'tong kantang 'to!" Sigaw bigla ni Gaile tapos sumabay pa sa kanta. It's a hip hop song tipo na mapapasayaw ka rin. 

Pero baka makita ako ni Saydie, nahihiya ako.

Rhythm and Beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon