21

430 14 4
                                    

21: Following

Pagkagising ko ay wala na siya. Ang sakit ng ulo ko. Pero kailangan kong bumangon dahil may pasok pa ako. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. I checked my phone and I halted when I saw Saydie was already following me!

I quickly followed her back. 

Mas dumami ang followers niya ngayon ah, ang swerte ko lang talaga na kapitbahay ko siya. Schoolmate ko pa. She has so many new uploaded pictures. Ang daming comments.

Marami rin ang shared videos of her dancing tapos naka-tag siya. Hindi million but marami. She's popular.

Pero bigla akong natigilan nang maalala ko ang mga sinabi ko sa kanya kagabi.

"Will you be my girlfriend?"

"Gusto kita Saydie."

Ginulo ko ang buhok ko. Siguro kung lasing pa rin ako o nakainom okay lang. Kasi ngayon parang nakakaramdam na ako ng hiya. Ayoko na namang magpakita sa kanya.

Naghanda na ako para pumasok at lumabas na agad ako. Nang maisara ko ang pinto ay biglang may humila sa bag ko kaya napahinto ako.

"Where are you going?" 

It's Saydie! Shit! Kill me!

"Ah ano–papasok," sagot ko. 

"But it's sunday," sabi niya at napaisip ako. Akala ko monday ngayon. Akala ko rin talaga wala na kaming pahinga. 

"Ah haha! Oo nga pala!"

Nakakahiya nakasuot pa ako ng uniform! Pero kahit naman sunday ngayon may kailangan pa akong tapusing projects, assignments at mga plates.

"Nakalimutan ko." Halos pabulong kong sabi.

"Are you free?" Napaangat ang tingin ko sa kanya. Hindi ko manlang na pansin na nasa tapat pala siya ng pinto ko kakaisip ko sa kanya.

"Medyo," sagot ko.

"Pwede mo akong samahan?" 

"Saan?"

"Sa moon." Tapos bigla siyang tumawa. Natigilan naman ako dahil hindi ko siya nakuha.

"I'm sorry. Basta. Kung gusto mo lang sumama," sabi niya.

"Sige pero magpapalit muna ako," sabi ko tapos agad na bumlik sa room ko. Ni-lock ko naman agad ang pinto at napasapo sa dibdib ko. Grabe.

I just wore a simple pink crop top and jeans tapos lumabas na.

"Tara?" Sabi ko pagkalabas ko, naghintay lang pala siya.

She's wearing a loose shirt with long sleeves and baggy pants. Nakatali rin ang buhok niya ngayon at may cap siyang suot.

"Let's go," sabi niya. 

"Let's have breakfast first," sabi niya at pumunta muna kami ng convenience store para kumain. Pagkatapos ay sumakay kami ng bus. Hindi na ako nagtanong kung saan ba talaga kami pupunta. 

Basta sumusunod lang ako sa kanya.

Huminto ang bus at bumaba kami. Nagtanong na ako dahil akala ko nakarating na kami kung saan talaga kami pupunta pero naglakad pa kami.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Dance studio," sagot niya. Ha? Dance studio?

Hinawakan niya ang kamay ko at napasabay akong tumakbo sa kanya. Pumasok kami sa isang building at gumamit ng elevator. Hanggang sa makarating kami sa sinasabi niyang studio.

Rhythm and Beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon