Chapter 26

168K 2K 60
                                    

Natasha's POV


*Toot toot*




Napapitlag ako nang biglang tumunog ang intercom sa tabi ko. Hindi ko agad pinansin iyon dahil sa totoo lang nagtatampo ako ngayon sa boss ko-- kay Drake. Ehh paano ba naman buong maghapon lang siyang nasa loob ng office niya, mula dumating hanggang ngayong hapon na hindi pa rin siya lumalabas. hindi ba niya naisip man lang na may girlfriend siyang nandito sa labas na naghihintay ng hi or hello man lang mula sa kanya. So manhid talaga. Aaarrgghh! Kainis!




Patuloy lang ang pagtunog ng intercom pero hindi ko pa rin pinapansin. Ba! Anong gusto niya? Siya ang may kailangan, siya ang lumapit. Akala niya. Hindi por que mahal ko siya.....mahal ko siya. Haaaay!




Napagod siguro siya kakapindot kaya tumigil nalang. Pagkaraan ng ilang segundo ay bumukas ing pinto at lumabas siyang nakakunot ang noo.




"What are you doing, Natasha. I've been calling you for minutes and you're not coming in. Why aren't you answering? Come inside." May naninag akong inis sa boses niya. Aba! Bakit siya pa ang galit? Diba dapat ako? Atsaka, Natasha? Walang Babe? Ahhh namumuro na talga ito sa akin ehh. Sumunod ako sa loob pero dahil sa inis, pabagsak kong sinara ang pinto na nakagawa ng ingay. Humarap ako at nakitang nakatayo lang din siya sa harap ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko.




"Babe what is the problem? Why aren't you answering the intercom? Babe, please talk to me. Please look at me." Tanging irap lang ang natanggap niya mula sa akin. Naisipan kong panindigan ang hindi ko pagpansin sa kanya. Ganyan din ginawa niya kanina ehh. Gnatihan lang 'yan. Yumuko ako para sana hindi o siya matignan pero inangat ni Drake ang kamay niya sa baba ko at tinaas ito para magtama ang tingin namin.




Dahan-dahang bumaba ang ulo niya at sinakop ng labi niya ang mga labi ko. My hands automatically circled around his neck while his are on my waist caressing it sexily. Hindi na ako nag-atubiling gantihan siya ng halik dahil alam ko namang gusto ko rin ang nangyayari ngayon. Palalim na nang palalim ang halik nang biglang pumasok sa utak ko kung bakit kami nasa loob ng office niya ngayon.




Parang napasong napabitaw ako sa kanya agad at tumalikod para ayusin ang medyo nagulo kong damit. Napasinghap pa ako nang makitang nakabukas na ang 2 butones ng blouse. Sa sobrang enjoyment hindi ko na namalayang nabuksan na pala niya ito. Humarap ako sa kanya pagkatapos at nanlaki ang mata ko nang mapansing ang dami niyang lipstick sa mukha. Ganyan ba kami kawild kanina? 




Matatawa na sana ako nang napansin kong may pagkalito at pagkagulat sa mga mata niya. Marahil ay nagtataka kung bakit ako bumitaw kanina. Kaagad niya akong niyakap nang mahigpit at pagkuwa'y kumalas siya at hinawakan niya ang mukha ko. Kitang-kita ang pagkabalisa at nerbyos sa mukha niya habang nakatingin sa akin.




"Babe? Babe, do we have a problem? What is it? Please tell me. I am really nervous right now. Please don't get mad at me. Babawi ako kahit anong gusto mo, gagawin ko basta 'wag ka lang magalit sa akin. Please talk to me, babe." Mahina akong natawa sa mga sinabi niya. Akala niya siguro sobrang laki nang nagawa niyang kasalanan. Pinatawad ko na siya ehhh, ang cute niya kasi kanina pero syempre papakipot muna ako.




"May nagawa kang kasalanan? Wala naman. Nakalimutan mo lang namang may girlfriend ka sa labas na naghihintay na tawagin mo. Hindi ka lumabas ng office mula kanina. Hinitay kita para maglunch pero wala. Tapos kaninang lumabas ka, sinigawan mo na ako, tinawag mo pa akong 'Natasha'. So may kasalanan ka ba? Wala naman." Punong-puno ng sarcasm ang pagkakasabi ko. Para madagdagan ang effect, kumalas ako sa hawak niya at tumalikod sa kanya na para bang talagang nagtatampo ako.




"Babe, please stop the sarcasm. I don't like it. Yung about sa hindi ko paglabas, sorry babe. Nagkaproblema kasi bigla yung Davao branch kaya naging busy ako. Yung sa pagsigaw ko, nafrustrate lang ako kasi I've been calling for how many minutes and you are not answering, so when I went out and I saw you doing nothing but ignoring my calls, I got pissed. I'm really sorry, babe. Don't worry, promise babawi ako. Tomorrow, we will have a date, so you better watch out for it, okay? So, okay na tayo? Hindi ka na galit sa akin?" Tumango ako bilang tugon sa tanong niya at ginantihan naman niya ito ng isang maaliwalas na ngiti.




"Kanina pa naman kita napatawad ehh nacutan kasi ako kaninang ninenerbyos ka. Trip ko lang magpakipot kaya ganun. HAHAHAHA!" Pagpapacute ko sa kanya. Syempre hindi lang siya ang may karapatang magpacute diba?




"Ahhh so ganun? Pinagtitripan mo nalang pala ako ngayon hah." Lumawak ng sobra ang ngisi niya at hindi ko na napaghandaan nang bigla niya akong hinaltak at kiniliti sa bewang. Waaaah! Ang lakas pa naman ng kiliti ko d'yan! Para kaming bata na nagtatakbuhan sa loob ng office niya habang ako ay patuloy na tumitili at umiiwas sa kanya. Napuno ng tawanan ang buong office niya. Wala naman papasok dito kasi ako ang secretary at nakalock ang pinto.



**********



Kakauwi lang namin ni Drake galing sa 'date' namin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget-over sa mga nangyari kanina. Hindi pa rin nagsisink-in sa akin ang mga pinaggagawa ni Drake para lang makabawi sa akin. Sa sobrang kilig kanina, sobrang pagod na ako. Bukas ko nalang ikukwento ang mga nangyari kanina. Abangan niyo nalang sa next chapter.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 26 is now available. You can read it now.


VOTE-COMMENT-BE A FAN!!!


My Seductive SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon