Chapter 1.1

153K 1.8K 84
                                    

Natasha's POV

Hi everyone! Did you miss me? 7 years din ang nagdaan bago ako bumalik ng Pilipinas. Actually, hindi naman ako dapat uuwi ng Pilipinas kung hindi lang ako pinilit ng Babes ko. May investor kasi yung company namin na gusto dito pa sa Pilipinas makipagtransact. Ehh dahil sobrang laking investment nito, kailangan talaga may umuwi sa aming dalawa. Siya ang mas may alam sa kalakaran ng company sa New York kaya no choice na ako ang dapat umuwi. Sana lang agad niyang isign yung proposal namin para makauwi na agad ako ng New York.



Kalalabas ko lang ng banyo galing sa pagligo. 11:00 a.m. na kasi and may lunch meeting kami ng CEO ng company na gustong mag-invest sa amin. Pagkatapos magbihis ay chineck ko sa salamin kung okay na ang suot ko. Syempre magpopropose ako dapat presentable ako tignan. Sinara ko na ang pinto ng dati namang bahay at sumakay na sa kotse ko.



Pagkaalis ko ng airport ay agad akong umuwi sa bahay ng mga magulang ko at sinalubong nila ako ng mahigpit at minit na yakap. I felt so welcomed and at home. Nakita ko rin ang dati kong kotse sa may garahe namin. Umakyat ako sa kwarto ko at napansing halos wala man pagkakaiba ang kwarto ko sa kung paano ko ito iniwan 7 years ago. Nakakatuwa lang na meron pa palang mga bagay sa buhay ko ang hindi nagbabago. Akala ko kasi buong buhay ko nagbago mula nang pinili kong umalis ng Pilipinas.



Nandito ako ngayon sa harap ng Golden Blossoms, isang fine dining restaurant. Pumasok ako sa loob at sinalubong ako ng isang waitress at iginiya papunta sa isang VIP Room. Inikot ko ang aking paningin at nakita kong ang restaurant ay talagang akma para sa isang business meeting. Nang nasa loob na ako ng VIP Room, inabutan ako ng waitress ng menu pero pinili kong maghintay nalang muna. 11:45 a.m. pa lang naman, may 15 minutes pa siya para makarating.



Tumingin ako sa relo ko at nakitang 12:45 p.m. na! Isang oras na akong naghihitay! Tatayo na sana ako paalis nang biglang bumukas ang pinto at pumasok mula roon ang isang matangkad na lalaking nakasuit na pang-CEO. Napanga-nga na lamang ako nang mapagtanto kung sino ang taong nasa harap ko ngayon. Ang taong ayaw na ayaw kong makita ay nakatayo sa harap ko habang nakangisi sa akin.


"Drake?!" Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko ang taong pinakaayaw kong makita.


"We meet again, babe." Patuloy pa rin siya sa pagngisi sa akin na medyo nakapagpainis sa akin. So, ngayon porket nakamove-on na siya, ngingisi-ngisi nalang siya? Habang ako.....


(A/N: Ano? Anong habang ikaw? Hindi ka pa nakamove-on noh? Aminin mo na kasi sa sarili mo na after 7 years ay mahal mo pa rin ang taong nanakit sa'yo!)


Grabe ka naman Ms. Author! Sumasabat ka na naman! Akala ko pa naman, wala na ang isang kontrabida sa buhay ko. Akala ko pa naman namatay ka na!


(A/N: Ikaw ang grabe! Isipin mo, hindi ka nag-iisip. Kung patay na ako, edi sana wala ka na rin ngayon. Ayan. Isip-isip din 'pag may time hah. Hindi puro landi. Hindi ka mabubuhay diyan.)


"W-what are you doing here?!" Halos sampalin ko ang sarili ko nang marinig kong nagstammer ako. Sheeet! Bakit kinakabahan ako?


"Oh. Okay. Good afternoon, Ms. Aragon. I am Mr. Drake Joshua Monteverde, the CEO of Phoenix Enterprises." Inextend pa niya ang right hand niya sa akin, offering a hand shake. I can't believe this!


"What?! Ikaw ang CEO ng company na mag-iinvest sa amin?! Ikaw ang kameeting ko?!"


"Easy, babe. Ang taas ng boses mo. And yes, ako ang kameeting mo, the one and only."


-------------------------------------------------------------------------------------

Hi Guys! As promised!

Kulang pa po ito, may part 2 pa. Bukas ko nalang po ipopost, I cut it para mahabol ko kahit first part lang sa promise ko.

Please continue to support this story!


VOTE-COMMENT-BE A FAN!!!

My Seductive SecretaryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang