Chapter 1

628 14 0
                                    


Chapter 1

Daryll

"Daryll, halika na at nauna na ang ibang mga nakiramay pauwi sa bahay." ang saad ni Ate Emma bago ako inalalayan para makatayo.

Nandito kami ngayon sa sementeryo dahil kalilibing lang sa lola ko. Ang totoo ay hindi ko talaga kaano-ano si lola pero mahal na mahal ko siya dahil siya na ang nagpalaki sa akin, nagpakain, nagbihis, at nagbigay ng masisilungan. Kaya labis-labis ang pagdadalamhati at pighati na nararamdaman ko ngayong wala na si lola. Wala na ang nag-iisang tao na itinuring ako bilang isang pamilya. Ang natatanging tao na naging kakampi ko sa marahas na mundo na ito.

Napabuntong-hininga pa muna ako bago tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa sahig at inayos ang sarili ko. Pinunasan ko ang ilan pang mga luha na tumakas mula sa mga mata ko. Tumingin ako sa huling pagkakaataon sa puntod ni lola bago tumalikod at sumunod kay Ate Emma papunta sa sasakyan.

Nagsimula ang lahat nang mawala ako sa plaza noong bata pa ako. Natatandaan kong kasama ko noon ang mama ko nang bigla akong makabitaw mula sa pagkakahawak niya sa akin at mawala sa plazang punong-puno ng tao. Iyak ako nang iyak noon sa tabi ng simbahan nang lapitan ako ng isang babae na nagpakilalang si Lola Rita. Sinubukan naming hanapin si mama noon sa buong plaza at mga kalapit na lugar pero nabigo kami hanggang sa lumalim nang lumalim ang gabi kaya napagpasyahan ni Lola Rita na isama ako sa bahay niya para magpalipas ng gabi. Patuloy naming hinanap ang mga magulang ko at nang ilang linggo na ang lumilipas at hindi pa rin namin nahahanap ang pamilya ko ay napagpasyahan ni Lola Rita na isama ako pauwi sa probinsya niya nang maibenta ang bahay na tinutuluyan niya doon sa Maynila.

Ngayong halos walong taon na ang lumipas, labing-walong taong gulang na ako, ay nakatira pa rin ako sa bahay ni lola dito sa probinsya. Masasabi kong naging maginhawa ang buhay ni Lola Rita at maging ang buhay ko na rin nang manatili kami rito. Nakapagpatayo si lola ng isang maliit na paupahan na may dalawang palapag. Anim na kwarto na siyang naging pangunahing pinagkukunan namin ng pang-araw-araw na pang-gastos namin. Nangyari ito sa tulong na rin ng mga anak ni lola na nagtatrabaho sa ibang bansa. Naninirahan at bumuo na ng pamilya ang mga anak ni lola sa ibang bansa kaya kaming dalawa lang talaga ni lola ang magkasama simula't sapul.

"Andito na tayo, anak. Halina't bumaba ka na." bigkas ni Ate Emma bago kami bumaba sa sasakyan. Anak ang naging tawag sa akin ni Ate Emma simula nang makilala niya kami ni Lola Rita. Matandang dalaga si Ate Emma na madaling nakapalagayan ng loob ni lola. Naging magkaibigan sila hanggang sa naging katuwang at katulong ni lola sa pagpapatakbo sa maliit na paupahan.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay bumungad sa akin ang katamtamang laki ng sala ngunit sa kabila ng katamtamang lawak ay ramdam na ramdam ang lamig at lungkot sa bawat sulok at kanto ng bahay. Napabuntong-hininga ako bago naglakad at tumungo sa kusina. Naabutan ko si Tita Delia na umiinom ng tubig.

Si Tita Delia ang pangalawang anak ni lola na naninirahan sa America at nagtatrabaho bilang isang nurse.

"Daryll, may mga dapat tayong pag-usapan. Tatawagin ko lang si kuya nang makapag-usap na tayo sa sala." saad niya bago pumasok sa kwarto namin ni lola na pansamantala nilang tinutulugan. May dalawang kwarto dito sa bahay pero ginawa ni lola na bodega ang kwarto sa taas at pinaglalagyan ng mga kagamitan na malimit na magamit. Dahil doon ay sa sofa ako natutulog dahil sa sila Tita nga ang gumagamit sa kwarto namin ni lola.

Maya-maya ay lumabas din agad si Tita Delia kasunod si Tito Eric mula sa kwarto.

Si Tito Eric naman ang panganay na anak ni lola. Sa America na rin naninirahan si Tito Eric matapos makapangasawa ng isang american national at maging negosyante doon.

Naupo kaming tatlo na magkaharap bago sila nagsimulang magsalita.

"As we all know, marami-rami rin ang ari-arian na naiwan ni Mama ngayon." panimula ni Tito Eric sa pag-uusapan namin. "Pero hindi na kami makikialam pa sa mga ari-arian ni Mama dahil na rin sa pakiusap at habilin niya na iwan na sa iyo ang lahat ng ito. Alam naman naming naging mabuting tao o apo ka kay Mama kaya wala kaming problema sa gustong mangyari ni Mama. Ang hiling lang namin ay ingatan at alagaan mo ang mga ito. Umaasa din kami na gagamitin mo ito para sa ikabubuti mo."

Bugso ng Damdamin (M2M)Where stories live. Discover now