Chapter 2

435 12 1
                                    


Chapter 2

Pagpasok ko sa loob ay nakita kong nakatayo lang si Tito Warren sa tabi ng pinto. Bahagya pa itong nangangatog na siguradong dahil sa lamig kaya dali-dali akong kumuha ng tuwalyang maipapagamit sa kanya. Agad siyang nagpunas ng katawan partikular na sa braso at ulo niya. Nanatili lang akong nakamasid sa kanya sa 'di kalayuan para agad makalapit sa kanya kung may kakailanganin pa siya. Nakita kong inilapag niya sa tabi ang hawak niyang bag bago hinubad ang suot na damit.

Nahubad niya ang t-shirt na suot gamit lamang ang isang kamay habang nakatingin sa akin. Napa-iwas naman ako ng tingin at bahagyang nanginginig ang mga tuhod na lumapit sa sofa para maupo.

Napalunok ako bago dumaplis sa isip ko ang imahe ni Tito Warren kanina. Ang tindig niya habang pinupunasan ang basang katawan. Ang makisig niyang katawan at ang matipuno niyang mga braso, samahan pa ng tattoo sa kanang braso nito hanggang sa may parteng dibdib. May kakaibang epekto ang matikas na pangangatawan ni Tito Warren sa akin. Bukod pa rito ay halatang naalagaan ang pangangatawan ni Tito Warren dahil sa pisikal nitong pagkakaperpekto.

Alam ko namang hindi ako tunay na lalaki dahil nga sa nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki, ngunit hindi ko rin itinuturing na bakla ang sarili ko dahil bilang lang naman ang mga lalaking nakakapukaw sa atensyon ko. Hindi ko na lang ito masyadong iniisip. Hindi ko rin ine-entertain ang ideya na 'yon. Nasabi ko rin naman ito kay Lola Rita noon pero ang sabi lang niya ay huwag ko na lang daw masyadong problemahin ang bagay na 'yon dahil marami pa raw akong pagdadaanan at makikilala na maaaring magpatunay kung ano ba talaga ako. Maaaring naguguluhan lang ako sa sekswalidad ko at baka nag-eexplore lang daw ako.

"May damit ka bang kakasya sa akin d'yan?" tanong ni Tito Warren na siyang nagpagising sa diwa ko.

"T-titignan ko po." ang nauutal kong sagot. Napa-iling muna ako para alisin ang mga naglalarong ideya sa isip ko.

Agad akong tumingin ng damit na malaki sa akin sa cabinet ko. Alam ko namang walang kakasya kay Tito Warren sa mga damit ko dahil sa laki ng katawan nito pero sumubok pa rin ako. Nakita ko ang isang sando na ibinigay ni Tito Eric noong nakaraang araw lamang. Malaki ito para sa akin pero hindi ko lang sigurado kung magkakasya na ba ito kay Tito Warren. Kumuha na rin ako ng shorts at boxers para kay Tito Warren.

Iniabot ko kaagad ang sando kay Tito Warren at nakita kong napakunot ang noo nito nang makita ang sandong iyon.

"Parang hindi yata magkakasya sa akin 'to." saad ni Tito Warren bago ibinalik sa akin ang sando.

"Iyan na po ang pinakamalaki kong damit." sagot ko.

"Hindi na lang ako magdadamit." biglang sabi ni Tito na siyang nagpalunok sa akin. Napatingin ako sa kanya habang parang nahihirapan akong makahinga dahil sa tensyon na nararamdaman ko.

Nanginginig ang kamay ko na inabot mula sa kanya ang shorts at boxers na kinuha ko kanina. "Gamitin niyo po muna ito, Tito."

Tinanggap naman niya ang iniabot ko at akmang huhubarin ang suot na pantalon dito mismo. Sa tabi ng nakabukas na pinto at dito mismo sa harapan ko.

"Doon po ang banyo." natataranta kong sabi sabay turo ng banyo kay Tito Warren.

Nakita kong napatingin siya sa akin bago tumingin sa pinto ng banyo na itinuturo ko. "Okay." sagot nito bago tumango at nagsimulang maglakad.

Nang makapasok sa loob ng banyo si Tito Warren ay ang siyang pagtiklop ng mga tuhod ko. Napaupo ako sa sahig bago napabuntong-hininga. Pinunasan ko pa ang ilang butil ng pawis sa noo ko dahil sa kaba at tensyon na nararamdaman ko kanina.

Mabilis kong inayos ang sarili ko nang muling bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa si Tito Warren. Nakasuot na lamang siya ng shorts na ibinigay ko kanina at marahil ay pati na rin ang boxers sa loob nito. Wala siyang damit na pang-itaas kaya mas lalo kong napagmasdan ang matipuno niyang katawan. May tattoo siya sa kanan niyang braso na lalong nagpadagdag sa angking kakisigan nito. Malapad din ang dibdib nito at may mga umbok na nagmimistulang pandesal sa tiyan niya. Lihim akong napalunok habang pinagmamasdan ang parteng iyon ng katawan niya. Parang natatakam ako na hindi ko maintindihan. Tila nangangati din ang mga kamay ko at ninanais ng isip ko na mahawakan ang katawan ni Tito Warren.

Bugso ng Damdamin (M2M)Where stories live. Discover now