Chapter 3

346 5 0
                                    


Chapter 3

Labis-labis ang gulat na nararamdaman ko ngayong biglang hinawakan ni Tito Warren ang kamay kong humahaplos sa katawan niya. Kinakabahan akong napatingin sa mukha niya pero nakitang mahimbing pa rin itong natutulog. Napahinga ako nang maluwag dahil doon bago dahan-dahang inalis ang kamay niya at tumayo. Minabuti kong pumasok sa banyo para mag-shower at mawala sa sistema ko ang init na kanina ko pa nararamdaman lalo na kapag nakikita ko ang makisig niyang pangangatawan.

Nagtagal ako ng halos kalahating oras sa loob ng banyo at nagpakasasa sa malamig na tubig. Pilit kong winawaksi ang pagnanasang nararamdaman ko. Alam kong walang patutunguhan 'to dahil tito ko siya. Hindi man kami magkadugo ay alam kong hindi niya gugustuhin kung sakaling magkaroon ng pagtingin o pagnanasa ang pamangkin niya sa kanya. Isa pa ay pareho kaming lalaki at marahil ay straight siya dahil na rin sa angking kakisigan nito at kamachohan kaya alam kong hindi ito papatol sa akin.

Lumabas na ako ng banyo at nagpalit ng damit. Nakasuot lang ako ng shorts at manipis na t-shirt na normal kong ayos kapag matutulog na. Lumapit na ako sa kama at nakitang halos wala na akong pupwestuhan dahil nasa bandang gitna nakahiga si Tito Warren at dahil na rin sa laki niya. Imbis na bumaba at sa sofa matulog ay nahiga pa rin ako sa kama dahil na rin sa sinabi ni Tito Warren na dito ako matutulog kung hindi ay siya ang matutulog sa sofa. Halos nasa pinakagilid na ako ng kama para lamang hindi mapadikit kay Tito Warren. Pinilit ko ang sarili ko na makatulog at makapagpahinga na rin dahil sa dami ng nangyari ngayong araw.








MALALAKAS NA KULOG AT kidlat ang gumising sa akin. Mabilis akong napalingon sa orasan na nakasabit sa pader at nakitang halos alas siete na ng umaga. Imbis na sinag ng araw ang bumungad sa akin na siyang karaniwang nangyayari ay taliwas ito sa nakikita ko ngayon. Dulot na rin siguro ng patuloy pa ring pag-ulan ay naging madilim ang kalangitan. Ramdam din ang malamig na ihip ng hangin na halos tumagos na sa buto ko.

Dala na rin ng ginaw na nararamdaman ko ay wala sa sarili akong napayakap sa bagay na nakayapos sa bewang ko hanggang sa may parteng tiyan ko. Iginala ko ang paningin ko hanggang sa dumako ito kay Tito Warren at sa kamay niya na nakayakap sa akin. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko sa kalagayan namin ngayon.

Mahimbing na natutulog si Tito Warren habang malaya at magaan naman na nakayakap ang isang braso niya sa akin. Unti-unti kong iginalaw ang kamay ko at hinaplos ang braso niya. Ramdam ko ang tigas ng mga muscles niya lalo na sa parteng biceps nito. Pakiramdam ko ay ligtas ako habang yakap-yakap ako ni Tito Warren. Magaan sa pakiramdam.

Nagtagal pa ako sa posisyong iyon at sinusulit ang pagkakataong masasakop ako ng braso ni Tito Warren. Pinipilit ko rin ang sarili ko na huwag gumawa ng kahit na anong ingay o miski ang gumalaw para hindi maistorbo sa pagtulog ang bruskong katabi ko ngayon. Sa tingin ko ay umabot ng isang oras ang pagtamasa ko sa yakap niya bago ko napagpasyahang tumayo na.

Pumasok ako sa loob ng banyo para magsipilyo at maghilammos. Minabuti ko na rin na maligo na kahit na sobrang lamig ngayon. Matapos lamang ang halos kalahating oras ay lumabas na ako sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya. Kampante naman kasi akong tulog pa rin si Tito Warren lalo pa't nakainom ito kagabi. Agad akong dumiretso sa harap ng cabinet ko at naghanap ng maisusuot.

Plano kasi namin ngayon ni Ate Emma na pumunta sa sementeryo para ayusin ang mga kailangan para sa puntod ni Lola Rita. Kasama na rin doon ang pag-aayos ng mga papeles sa lupang kinatitirikan ng puntod. Pero dahil sa sobrang lakas ng ulan ay hindi ko na nasisiguro kung tutuloy pa ba kami. Mas makabubuti siguro kung ipagpapaliban na lang muna namin at baka mahirapan lang si Ate Emma dahil sa sama ng panahon. May edad na rin kasi ito kaya dapat ko ring ipagsaalang-alang ang bagay na 'yon.

Inalis ko na mula sa pagkakatapis ang tuwalyang nakabalot sa katawan ko at hinayaan itong malaglag. Mabilis ang kilos ko at sinuot ang underwear na hawak ko bago ang maiksing shorts at isang t-shirt. Inayos ko muna ang pagkakalapat ng damit sa katawan ko bago isinara ang kabinet ko at humarap na sa kwarto.

Bugso ng Damdamin (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon