Unexplainable Feelings

99 6 0
                                    

Mabilis na naglalakad si Sunghoon habang sinusundan si Sunoo. Binilisan niya pa ang paglalakad, hanggang sa maabutan niya na ito.

"Sunoo-ssi," saad ni Sunghoon at saka na hinawakan ang braso nito.

Napatigil si Sunoo sa paglalakad at saka na napalingon kay Sunghoon.

"Pwede bang bagalan mong maglakad? Napapagod ako sa 'yo e," reklamo ni Sunghoon.

"Ahhh, mianhaeyo," sagot ni Sunoo. Tinalikuran niya muli si Sunghoon at saka na naglakad.

Napakrus naman ang mga kilay ni Sunghoon. Muli niyang hinabol si Sunoo at hinawakan itong muli sa braso.

"Sabihin mo nga sa 'kin, galit ka ba dahil sa ginawa ko sa 'yo no'ng nakaraan?" pagharap ni Sunghoon kay Sunoo.

Ramdam na ramdam kasi niya na ayaw nitong kasama siya ngayon.

"Aniyo," mabilis na sagot ni Sunoo. "Naiintindihan ko iyong naging reaksiyon mo no'n. And besides, nakalimutan ko na iyon," paglilinaw niya.

Natigilan naman si Sunghoon. Hindi siya makapaniwalang nakalimutan na ni Sunoo ang nangyari, habang siya ay hindi makalimutan ang araw na iyon.

He felt something tingling in his heart, but he could not understand it. All he knows is that he doesn't want it.

"Then... I still want to apologize for what happened," saad ni Sunghoon.

"Apologize then."

Napalunok si Sunghoon habang nakatingin sa mga malalamig na mata ni Sunoo. Why does this guy still manage to look handsome with those cold eyes? That's what he thought.

And the thought made him stutter. "I-I'm sorry... for what happened."

"Apology accepted," sagot ni Sunoo at saka muling tinalikuran si Sunghoon. Muli itong naglakad palayo.

Napakurap si Sunghoon at saka na napabuka ang bibig niya. He felt annoyed. Pero hindi niya alam kung bakit siya naiinis. Hindi ba dapat matuwa na lang siya na tinanggap ni Sunoo ang paghingi niya ng tawad? Pero imbis na matuwa siya ay naiinis siya lalo.

Wala na lamang siyang nagawa kung hindi sundan si Sunoo, na malapit na siyang maiwan.

"Hi, Vice Pres!"

"Annyeong, Sunoo-ya!"

"Vice Pres!"

"Kim Sun!"

"Oppa!!!"

Hindi na mabilang ni Sunghoon kung ilang beses silang huminto sa paglalakad. Sa bawat silid kasi na madaraanan nila ay may sumasalubong kay Sunoo. Ngayon niya lang napagtanto na sikat ito sa eskwelahan. Hindi naman siya nagtataka rito. Lalo na ngayon na nakikita niya ang malalawak na pag-ngiti na binibigay ni Sunoo sa tuwing sasalubungin siya ng mga estudyante.

Sunoo's smile radiates a positive energy. Hindi nga niya namamalayan na nakangiti na rin siya habang tinitignan ito. Sa sobra ngang pagmamasid niya kay Sunoo ay hindi na pumapasok sa utak niya ang tinuturo nito. Napapatango na lamang siya na tila naiintindihan niya ang naririnig niya.

"Lastly, ito naman ang soccer field," saad ni Sunoo at saka na huminto sa gilid ng malawak na kulay berdeng batawan.

Nilingon niya si Sunghoon at natigilan siya. Kanina niya pa kasi talaga napapansin na tahimik lang ito habang nililibot niya ito sa buong eskwelahan. Hindi naman din lingid sa kaalaman niya na kanina pa ito nakatingin sa kanya.

Napakunot ang noo ni Sunoo. "Nakikinig ka ba talaga sa 'kin? Kanina ko pa napapa—"

"Watch out!"

Let Me In (SunSun AU)Where stories live. Discover now