Special Chapter

58 2 0
                                    


WARNING

- Rated 18+ ahead -
- Read at your own risk -



- Rated 18+ ahead -- Read at your own risk -

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Woah..." Ibinaba ni Sunoo ang bitbit niyang bag sa higaan at saka na tinanaw ang buong paligid. "Talagang titira na tayong dalawa rito?" tanong niya.

Napangisi si Sunghoon, habang ibinababa niya ang kahong bitbit niya sa sahig na naglalaman ng mga ipinamili nilang gamit kanina.

"Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin makapaniwala?" tanong niya at saka na napatingin kay Sunoo.

"Hmm," huni ni Sunoo at saka niya nilingon si Sunghoon. "Kahit na sabay tayong nagpaalam sa mga magulang natin, hindi pa rin ako makapaniwala. Paano kung nananaginip lang talaga ako? Paano kung naiwan ka talaga sa Suwon?"

Ngumiti si Sunghoon at saka na lumapit kay Sunoo. "Then... Let me show you that this is real," aniya at saka na tinulak niya si Sunoo sa higaan.

Bago pa man makapag-react si Sunoo ay pumaibabaw na sa kanya si Sunghoon. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at saka na diniin ang mga ito sa kama.

"Is this your idea of showing me?" usisa ni Sunoo.

"Hmm," pagsang-ayon ni Sunghoon. "Isn't this effective?"

Umiling si Sunoo. "No. If you're not going to do something beyond pushing me to bed, Park Sunghoon-ssi."

Natigilan si Sunghoon sa narinig. His eyes glinted with excitement. Hindi siya makapaniwalang maririnig niya ito mula kay Sunoo. Tama talaga ang desisyon niyang tumira sa Seoul kasama nito.

Ngumiti siya at saka na binitawan ang mga kamay ni Sunoo. Aalisin niya na sana ang suot niyang coat nang mapahinto siya dahil sa tunog na nagmumula sa pintuan.

Ngumisi si Sunoo at saka na napabangon mula sa higaan. "Nandiyan na yata sila," aniya.

Napakurap nang ilang beses si Sunghoon at saka na napalingon kay Sunoo. "Ha? Sinong sila?"

"Sina Jungwon at Ni-Ki," sagot ni Sunoo at saka na napabungisngis dahil sa ekspresyon ng mukha ni Sunghoon. "Inimbita ko sila."

"N-Ngayon talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Sunghoon.

"Oo," patay-malisyang sagot ni Sunoo. "Para may tumulong sa ating magligpit ng mga gamit," pagdadahilan pa nito.

Napatingin si Sunghoon sa dalawang kahon na nasa sahig. Sigurado siyang hindi kailangan ng apat na tao para ligpitin ang mga ito. Nang makita niya sina Jungwon at Ni-Ki mula sa may pintuan ay roon lamang niya napagtanto na pinag-trip-an lang siya ni Sunoo.

Napaimpis ang mga labi niya at saka na huminga nang malalim. Did he just get a boner for nothing?

Bumaba siya mula sa higaan at saka na ngumiting aso kina Jungwon at Ni-Ki. "Hindi ko alam na darating kayo," aniya.

Let Me In (SunSun AU)Where stories live. Discover now