Caught

76 5 6
                                    

Napakunot ang noo ni Sunghoon habang pinagmamasdan ang naglalakad sa harapan niya. Kapit na kapit ang braso ni Yeji sa braso ni Sunoo habang naglalakad ang mga ito. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit seryoso siya. Mula kasi no'ng lumabas sila sa Hwasan Indoor ice rink ay hindi na siya kinibo ni Sunoo. Nakakain na nga sila sa restaurant pero tila hindi siya nag-e-exist. Wala kasing ibang kinausap si Sunoo kung hindi si Yeji.

Hindi niya alam kung may nagawa ba siyang mali rito. Gusto man niyang tanungin ay hindi niya magawa dahil parang tuko kung kumapit ang kapatid niya kay Sunoo.

"Oppa, should we go to an amusement park?" pag-aaya ni Yeji.

Malapit na kasi sila sa kalye patungo sa tinitirahan nila ng kuya niya, kaya naman gumagawa na siya ngayon ng paraan upang makasama nang mas matagal si Sunoo.

Napailing naman nang bahagya si Sunoo. "Sorry, Yeji. May gagawin pa kasi ako e at saka hapon na. Siguro sa susunod na lang," pagtanggi niya.

Gustuhin man ni Sunoo ay gusto na niyang umuwi. Bukod kasi sa nagiging kulay kahel na ang kalangitan dahil sa nagbabadyang paglubog ng araw ay hindi niya na rin kayang matagalan na hindi imikin si Sunghoon.

Hindi niya rin maintindihan kung bakit nawala ang mood niya kanina. Gusto na sana niyang kausapin si Sunghoon, kaya lang ay masyado nang matagal na hindi niya ito kinikibo. Hindi niya na tuloy alam kung paano ito sisimulang kausapin.

"Bakit ba kasi ako umaktong gano'n?" aniya ni Sunoo sa sarili.

Napanguso naman si Yeji at saka na napasimangot. "Gano'n ba? Sayang naman," aniya.

Ngumiti lamang si Sunoo at saka na napahinto sa paglalakad. Napalingon siya kay Sunghoon. "See you in school," paalam niya.

May gusto mang sabihin si Sunghoon ay hinayaan na lamang niya ito. Hindi rin naman niya alam kung anong sasabihin niya.

"See you." Ito na lamang ang lumabas sa bibig niya.

Nagkatinginan pa sila nang ilang segundo bago nagpasya si Sunoo na putulin ang matagal nilang pagtititigan. Tinalikuran niya si Sunghoon at saka na iniwan ang dalawa.

Naglakad naman pabalik sina Sunghoon at Yeji pabalik sa apartment nila.

"May nangyari ba kanina bago kayo dumating sa training ko?" usisa ni Sunghoon kay Yeji habang naglalakad sila paakyat sa pangalawang palapag ng gusali.

"Hmmm... Wala naman, kuya. Bakit?"

"Pansin ko kasi parang may iba kay Sunoo," sagot ni Sunghoon.

Napaisip naman si Yeji. While she had thought there was something quite off with Sunoo, she decided to set aside the thought. Ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang magkasama at magkausap sila maghapon.

"Well, medyo nag-iba nga ang mood niya. Okay naman kami bago kami dumating sa training mo, kuya. Nag-start lang siyang maging gano'n no'ng lumapit kayo sa 'min ni Eunsoo eonnie," sagot ni Yeji at saka na binuksan ang pintuan ng apartment nila.

Natigilan naman si Sunghoon sa kinatatayuan niya. "Seolma..." bulong niya.

Nagtataka naman si Yeji sa reaksiyon ng kuya niya. "Bakit, kuya?"

Napatingin si Sunghoon kay Yeji. "Mauna ka nang pumasok, Yeji. May pupuntahan lang ako saglit," aniya at saka na tumakbo.

"Kuya!" sigaw ni Yeji pero hindi na siya pinansin ni Sunghoon.

Kumaripas nang takbo si Sunghoon upang habulin si Sunoo. His heart was racing so fast. Tama nga ba ang hinala niya? Kaya nagkakagano'n si Sunoo dahil nagseselos ito? He couldn't help but to smile while running so fast.

Let Me In (SunSun AU)Where stories live. Discover now