Wattpad Original
Mayroong 16 pang mga libreng parte

PROLOGUE

496K 15.2K 4K
                                    

PROLOGUE

DIS-ORAS nang gabi, humahagibis na sumalpok ang isang sasakyan na may sakay na apat katao— isang nasa katamtamang-gulang na lalaki na siyang nagmamaneho, isang kasing edad nitong babae na nasa passenger seat ng sasakyan at nasa backseat naman ang isang dalaga at isang binatilyo—sa harap mismo ng isang pribadong ospital. Sa sobrang lakas ng pagbangga niyon ay nayupi ang harap ng sasakyan at nabasag ang windshield.

The entire emergency room immediately went into action after the medical staff saw the situation outside. After the hospital's security checked the car, the four unconscious patients in the car were immediately taken inside the emergency room.

The two of the four patients—the driver and the one on the passenger seat—were pronounced dead on arrival. It was a miracle to the medical staff how the driver could drive in such a condition and arrived at the hospital just right before he died.

However, unlike the driver, the woman in the passenger seat died in the car while on the way to the hospital.

As for the two surviving patients, one was in the surgery while the other one was at the death door in the ICU. No one knew if they would survive, and the doctors could only do their very best to help the two patients.

"Doctor Bren?"

Doctor Bren, the Chief of Hospital, who was standing in front of the ICU, turned his head to the side to look at who called him. It was a Police Officer in uniform.

"Kayo ho ba si Doctor Bren?"

Tumango ang doktor. "Yes. That's me. Anong kailangan nila?"

Lumapit ang pulis kay Doctor Bren at nagpakilala. "I'm SPO4 Immanuel Dulce. Nandito ako para magtanong tungkol sa apat na pasyente na dumating dito sa hospital niyo kagabi. Dito ako tinuro ng nurse sa information desk."

Hindi kaagad umu-o o nagbigay ng impormasyon ang doktor. "Tungkol saan ang tanong niyo, SPO4 Dulce?"

Kaagad na nagpaliwanag si SPO4 Dulce. "Kagabi, nakatanggap kami ng tawag. Pinasok daw ang bahay nila ng isang magnanakaw. Ibinigay niya samin ang address niya at sinabi niyang papunta siya sa hospital kasama ang buong pamilya niya. Kaso, bago pa niya masabi kung saang ospital, naputol na ang tawag. Pinuntahan namin ang address na binigay niya at doon namin napagtanto kung ano talaga ang nangyari. Kaya naman kaagad naming hinanap kung saang hospital pumunta ang buong pamilya. 'Yon ang rason kaya nandito ako ngayon."

Pinakinggan at inintindi muna ni Doctor Bren ang paliwanag ni SPO4. Nang makitang wala namang problema at dahil pinakita nito ang I.D. nito na magpapatunay na pulis nga ito, sinabi niya ang impormasyong alam niya.

"Kung isang pamilya nga sila... dead on arrival ang mag-asawa na nasa unahan ng sasakyan. Kalalabas lang sa surgery ng babae nilang anak at nasa ICU siya kasama ang nakababata niyang kapatid na lalaki." Tinuro ng doktor ang ICU na hindi kalayuan sa kinatatayuan nila. "Base sa sugat na natamo ng apat, halatang hinding simpleng pagnanakaw ang nangyari."

"Kaya kailangan naming mag-imbestiga." Tumingin si SPO4 sa ICU. "Kapag may nagising sa magkapatid, pakitawagan ako kaagad, doc." Binigay ni SPO4 ang numero niya. "Kailangan kong makausap ang magkapatid para malaman ang nangyari."

Tumango si Doctor Bren saka napabuntong-hininga ng makaalis ang pulis.

Nasa kritikal na kondisyon ang magkapatid. The daughter was stabbed, and the son was nearly beaten to death. Pinagdarasal ni Doctor Bren na sana magising ang dalawa pagkatapos nilang gawin ang lahat ng makakaya sa mga ito.

But unfortunately, Doctor Bren's prayer was unanswered. The siblings didn't wake up.

At tulad ng mga nakaraang araw, bumisita na naman si SPO4 Dulce sa labas ng ICU. Habang nakatingin sa pintuan ng ICU, may tinawagan ito sa cellphone.

POSSESSIVE 26: Terron DashwoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon