Wattpad Original
Mayroong 15 pang mga libreng parte

CHAPTER 1

401K 16K 8.4K
                                    

CHAPTER 1

BORED na bored na nagbabantay si Eva sa tindahan nila habang binibilang kung ilang mamahaling sasakyan na ang dumaan sa harapan nila. Mula ng magbukas sila ng tindahan kaninang umaga, mga sampu na siguro ang dumaan. Napabuntong-hininga nalang si Eva saka bumulong sa sarili. "Mayayaman nga ang hilig naman mangutang at ang iingay pa."

Pinagdarasal niya na sana wala na namang tumambay dito mamayang gabi. Oo nga't ubos palagi ang paninda nila, pero sa sobrang ingay ng mga ito, mas gusto na lang niyang hindi maubos ang paninda nila.

Hindi talaga niya maintindihan kung anong utak mayroon ang magkakaibang 'yon. Kaya tumigil na siya sa pag-intindi. Matino kasi ang utak niya. Hinding-hindi niya talaga maiintindihan ang isip ng mga baliw.

Napatango-tango si Eva sa sariling naisip saka napatayo sa plastik na upuan ng may marinig siyang pamilyar na cute na boses.

Nang makita niya ang dalawang guwapong nilalang sa harapan ng tindahan—immune na siya sa kaguwapuhan kaya wala siyang ano mang reaksiyon—kaagad na bumaba ang tingin niya sa dalawang bulilit na nakatingala sa kaniya. 'Yong pinakamalusog ay titig na titig sa lollipop na tinda nila.

"Hi, Miss Eva! It's me. The chubbiest KN."

Hindi mapigilan ni Eva na mapangiti. "Hi, KN. Lollipop?" Tanong niya kapagkuwan.

Mas nagningning ang mga mata ni KN. "One, please."

Kaagad namang kumuha si Eva ng isang lollipop saka inabot 'yon kay KN.

KN tilted his head to side as if to show his confusion. "I mean one whole pack, Miss Eva."

Tumango si NK. "Naubusan kami ng lollipop at hindi na makapaghintay si chubby KN."

Napatanga si Eva saka tumingin sa dalawang guwapong nilala na kasama ng dalawa—si Cloud at Jacques. "Isang pack talaga?"

Tumango si Jacques. "If you have more, I'll buy it."

"Okay." Kaagad na kinuha ni Eva ang natitira pa nilang dalawang pack ng lollipop. "Ito nalang ang lollipop namin."

Excited na tinanggap ni KN ang dalawang pack ng lollipop bago binigay ang isa kay NK. Samantala, bumaling naman si Eva kay Cloud at sinabi rito kung magkano ang babayaran.

Sanay na si Eva na kahit si Jacques ang bumili, si Cloud ang palaging nagbabayad.

Ngumiti si Cloud. "Keep the change."

Kaagad na malapad na ngumiti si Eva. "Hindi ako hihindi. Sana lahat ng nakatira sa village niyo katulad niyo."

"Should I ask them to come here and pay up?" Cloud asked while picking up KN.

"Yes. Please lang." Bakas ang pagod sa boses ni Eva. Parang sukong-suko na ito. "Pasabi na mahaba na ang lista ng mga cute nilang anak dito."

Mahinang natawa si Cloud. "Alright. Leave it to me."

Kumaway si Eva sa dalawang guwapong nilalang at sa dalawang cute na bulilit bago bumalik sa kinauupuan niya kanina. Kapagkuwan ay pinulot niya ang cellphone na nasa ibabaw ng lamesa at nagbasa ng balita.

Patayan. Nakawan. Panggagahasa. Terorismo. At kung ano-ano pang karumaldumal na krimen.

Napabuntong-hininga nalang si Eva pagkatapos mabasa ang bagong balita ngayong araw. Sa dami ng krimen, sobrang nakakatakot na ang mundo. Napakahirap magtiwala sa kahit na kanino.

Nawala sa isip ni Eva ang mga krimeng nabasa ng makarinig ng ingay sa harapan ng tindahan. Nang tingnan niya kung ano 'yon, napataas nalang ang kilay niya.

POSSESSIVE 26: Terron DashwoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon