𝐀 𝐌𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫

38 28 20
                                    


Ako si Tiffany, isang grade 11 student. Hindi kami magkasundo ng biological mother ko kaya mas pinili kong manirahan muna pansamantala sa tita ko ( Second cousin ng mama ko ). Layas na talaga ako simula nung magpapalit- palit nang karelasyon si mama, hindi ko masikmura ang ginagawa niya kaya mas pinili kong umalis nang umalis at kina Tita mag stay.

Nasa isang subdivision ang bahay nila. Payapa lang ang lugar dito, maraming puno kaya presko at tahimik. Pero kahit gno'n ay hindi parin mawawala ang mga lamang lupa na hindi nila nakikita.

Oo, " Nila "

Dahil ako at nang pinsan ko ( anak ni tita ) ay sanay na sa mga ligaw na kaluluwa maliban kina tito at tita pati nang mga kapatid namin both side ay kaming dalawa talaga ang lapitin ng multo. Madalas kaming makakita o makaramdan nang mga ligaw na kaluluwa sa mismong bahay nila kaya balewala na lang ito sa'ming dalawa.


Gabi ng Oktobre, last year .Pagkatapos nang masayang hapunan at kwentohan kasama ang lola, ay may nagpakita sa'kin.

" Sa panaginip... "

Magkakasama kami sa iisang kwarto pero magkabukod ang higaan. Bago tuluyang humiga sa kama ay pinatay ko muna ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay maliban sa labas kaya kahit papa'no ay may naaaninag parin ako.

Pagkahiga ko ay saglit muna akong nag scroll sa social media para magpa-antok. Katabi ko ang kapatid ko noon at nakapuwesto ang ulohan namin sa bandang pintuan. Dahilan para makita ko ang direksyon ng kusina kapad tumatagilid ako.

Gumilid ako at humarap sa kapatid ko na mahimbing nang natutulog habang kaharap ang dingding. Pinipilit kong matulog pero ginigising parin ako nang diwa ko dahil pakiramdan ko ay may nakatayo sa likuran ko sa gilid nitong kama.

Naglakas loob akong bagohin ang pwesto ko at muling humarap sa direksyon ng pintuan. Agad na naagaw nang atensyon ko ang madilim na kusina sa di kalayuan. Kurtina lang ang nagsisilbi nitong pintuan dahilan para mapansin ko ang pares nang paa sa ibaba ng kurtina.

Tinitigan ko lang ito hanggang sa mawala. Matapos nun ay nakatulog na ako. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas pero muli na namang nagising ang diwa ko dahil sa pagkati ng isa kong hita.

Agad akong nagmulat upang kamutin ito.

Isang bagay na sana ay hindi ko na lang ginawa...

Nanlamig ako at hindi makagalaw matapos kong makita ang isang puting bistida sa harapan ko. Dahan- dahan kong inangat ang tingin papunta sa ulohan nito.

Naka tagilid ito sa'kin at diretsyo ang tayo. May suot itong puting bistida, may kalakihan din ang katawan at ang maiksi at kulot niyang buhok ay aabot lang hanggang balikat. Hindi ko nagawang makita ang mukha nito matapos niyang maglakad nang marahan papuna sa paanan ko na ani mo'y nakalutang lang sa hangin.

Butil- butil na ang mga pawis na namomuo sa noo ko dahil sa sobrang takot at kaba.

Gusto kong gumalaw at ipikit ang mga mata ko upang hindi makita ang mukha nito na ngayon ay unti- unti nang humaharap sa direksyon ko.

kaunti na lang at makikita ko na ang mukha niya, pero bago pa man mangyari iyon ay napapikit na ako.

Sa pagpikit kong iyon ay saka naman ako nagising...

" Tama... hindi talaga ako nagising at tulog parin... "

Habol- Habol ko ang paghinga dahil sa panaginip kong iyon. Bahagya kong nilingon ang kapatid ko na nasa likuran bago ako napabuntong hininga at umayos sa pagkakahiga habang nakatagilid parin ang pwesto.

𝐋𝐨𝐬𝐭 𝐒𝐨𝐮𝐥𝐬 ( COMPLETED)Where stories live. Discover now