𝐋𝐞𝐟𝐭 𝐟𝐨𝐨𝐭 𝐩𝐫𝐢𝐧𝐭𝐬

11 13 4
                                    

Nightshifts...


Isa sa mga gusto kong takasan pagdating sa schedule ng trabaho, dahil kapag nasa nightshift schedule ka, ikaw sasalo nang mga naiwang kalat nang customer...

Magkahalong pagod at puyat ang kalaban mo dito, pero no choice ako dahil na sa'kin na nakatira ang kapatid ko, kaya kaylangang kumayod sa pagtatrabaho...

Ako nga pala si Diane. Nagtatrabaho ako bilang isang sales clerk dito sa isa sa mga branches ng Divimart. Malapit lang ito sa'min kaya pinasukan ko na kahit maliit lang ang sweldo at kayod kalabaw ang trabaho.

Ok lang naman ang nightshift schedule para sa'kin dahil hindi kona kailangang gumising pa ng maaga upang pumasok.

Ang ayaw ko lang ay iyong nagiging tagasunod kami nang mga kalat ng iba naming co- workers lalong - lalo na ng mga customers.

Isa sa mga kinaiinisan ko at ng iba ko pang workmates ay ang mag map nang dumi sa sahig.

Dahil hindi lang pangkaraniwang dumi sa sahig ang nai- encounter namin...

Kundi isang marka ng dumi na ani mo'y putik na nanggaling sa isang paa ng bata...

Ilang buwan na rin ang lumipas simula nong makita ko ito sa unang pagkakataon.

Pang gabi kami no'n ng mga katrabaho ko. Tatlo kaming pang nightshift, ako , 'yong sales boy at Team Leader namin.

Kapag nag a-announce na ang store sa pagsasara ay kanya - kanya na kami ng pwesto kung saan kami magsisimula sa paglilinis.

Ako ay palaging pinupwesto ng TL sa ikalawang phase ng area namin, which is sa pinaka likod kung saan nauunang e- off ng mga ilaw ng pa unti- unti.

Hindi naman gaanong madilim dahil kita ko pa naman ang winawalisan ko.

Lalong- lalo na ang mga bakas ng paa ng isang bata na ani mo'y kakatakbo lang doon...

Normal lang kung iisipin dahil hindi naman talaga ito maiiwasan lalo na't may mga dalang bata ang ibang customers.

Pero kung ikaw mismo ang makakakita nito ay titindig talaga ang balahibo mo...

Lalo na't kaliwang marka lang ng paa ang makikita mo sa sahig...

Dahil sa kuryosidad ay sinundan ko ito...
Hanggang sa mapahinto ako nang dirediretsyo ito papunta sa bodega namin...

Doon na 'ko mas lalong kinilabutan habang nakatingin sa pulang kurtina na nagsisilbing takip sa hallway papunta ng bodega.

Naisip kung bumalik sa pwesto nang pinagwalisan ko at sundan naman kung saan ito nanggaling.

Habang ginagawa ko ito ay nakita ako ni TL at kaagad na nagtaka kung bakit pinagmamasdan ko ang sahig.

Agad niya akong sinuway na huwag ka na raw iyong sundan at tapusin na lang ang ginagawa ko para makauwi na kami.

Matatakotin ang TL namin kaya hindi niya ako magawang sabayan sa trip ko.

Nagpatuloy parin ako sa pagsunod nung mga marka ng paa hanggang sa makarating ako sa PLAY GROUND ng mga bata.

Doon napa- isip ako, totoo nga mga sinasabi nila tungkol sa kaliwang marka ng paa na 'yon.

Isang marka ng kaliwang paa na hindi lang galing sa isang anak ng customer.

Dahil ang mga marka ng paa na 'yon ay matagal nang naging usap- usapan ng dating mga workers ng Divimart.

At kabilang na doon ang TL ko na limang taon ng nagtatrabaho dito at palagi itong nakikita.

Isang taon akong nag trabaho sa Divimart at nakasanayan ko nang makarinig ng tungkol sa kaliwang paa na 'yon ng bata.

At madalas ko itong naririnig sa mga bagohan at kakapasok palang na SA at pang night shifts.

Na kung minsan ay papuntang banyo...
Pababa ng slide sa playground...
Pa-ikot-ikot sa bike area...
Pababa at akyat sa escalator...
At madalas ay sa toy section kung saan ako at ang team namin naka assign...

Magpahanggang ngayon ay nakikita parin ito ng mga workers sa Divimart o ng kahit sinong customers na umaabot ng closing time pero hindi ito pinagtutuonan ng pansin.





This story is based on true events...

𝐋𝐨𝐬𝐭 𝐒𝐨𝐮𝐥𝐬 ( COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu