first smile

45 3 0
                                    

Koa

Nag lalakad ako sa hallway ng makita ko si Yen na kinokulit ang president ng school kaya lumapit ako para tanongin kung anong nangyayare

"What are you doing Yen?" Tanong ko nang makalapit na ako

"Koa?! Nakakagulat ka naman, para kang multo?!"OA na sagot ni Yen na may pa hawak pusong effect pa.

"OA mo naman, by the way ano nga?"curious na tanong ko

"Eto kasi si pres, ayaw pumayag ehh" tinuro nya naman si pres na naiinis na sa kanya

"Ehh, ano ba yong gusto mong gawin ha?" Tanong ko

"Ehh, kasi malapit na ang intrams at gusto ko sana gumawa ng marriage booth pero sabi ni pres bawal daw"

"Bakit naman bawal pres?" Tanong ko at humarap kay pres

"Eh kasi may department na ang nag plano non, atsaka kayong dalawa kasama kaya sa basketball team kada taon. so.. sigurado ako na hindi rin kayo makakatulong sa mga ka block nyo" mahabang lintanya ni pres

Tama nga naman sya magiging busy na naman ang school dahil sa daming palaro and booths na magaganap. Magiging masaya na naman ang taon dahil pwede ang outsiders basta may tickets sila, syempre may bayad ang entrance para rin makalikom ang school ng pondo but don't get me wrong ha, hindi sa school mapupunta ang pondo kundi ibibigay sa centers and orphanage na mapipili ng school kaya lahat talaga sasaya naging masaya kana may na tulungan kapa san kapa dito na! oh diba pwede na ako mag endorse

"Pero pres kahit busy kami gusto pa rin naming tumulong" sagot naman ni Yen

"Naku, pres wag munang pansinin yan, may gusto lang yang pormahan kaya ganyan yan." Pang bubuking ko

'Huyy ano ba?!"hinampas naman ako ni Yen bago hinila papalayo kay pres na tumatawa

"Wala namang bukinggan, kala ko ba best friend muko?"

"Oo nga, pero ano kaba, mag lalaro ka ng basketball sa intrams pwede mong pormahan ang babae na gusto mo with your shooting skills" pang uuto ko sa kanya, bigla namang lumiwanag ang mata nya at inakbayan ako

"Oo nga no?! Ang talino mo talaga?!" Masayang sagot nito

"Sus, Di kalang nag iisip kaya ganon" pag jojoke ko

"H.A.H.A, nakakatawa ka talaga gusto mo libre kita?"

"Weeee, ikaw? himala." May pa takip bibig na sabi ko

"Bahala ka nga jan." Nag lakad na Ito at iniwan ako kaya sinundan ko sya

"Alam mo rin bang, wala pa tayong booth?" Tanong nya sakin ng makahabol ako

"Oo, kaya nga nag iisip na ako kong anong pwede nating gawin" sagot ko

"Kissing booth nalang kaya! Ano?!" Excited na tanong nito

"At sa tingin mo ba papayag ang mga kaklase mo?" Tanong ko

"Ay yun ang hindi ko alam, ang aarte pa naman nila, kala mo naman subrang yayaman ni ayaw nga mag pa hawak eh." Bagot na lintanya nito

"Totoo naman kasi na mayayaman sila, ikaw din pala" pag tatama ko

"Sus, yaman kajan, Oo ngat mayaman sila pero, grabe naman ang aarte talaga kala mo naman kagandahan at kagwapohan mga mukha namang tipaklong!" Panlalait nito

"Grabe ka naman beshei ko" sagot ko sabay tawa

"HAHAHA, baliw ka talaga noh? marami ka na talagang na tututunan sakin"

"Syempre ikaw na yan eh"

Habang nag tatawanan kami may bigla namang lumapit samin kaya tumingin kami rito na nag tataka

Purely Yours Where stories live. Discover now