Chapter 3: Crest

5 0 0
                                    

Kabanata 3

Akala ko nung una sa fairytale lang nangyayari yung ganito, hindi ko inaasahan na mangyayari din sakin ito. Totoo pala talaga sila. Para akong nasa mahimbing na pagkakatulog at nananaginip ng magagandang bagay, kagaya nito.

"Ang dilim naman dito sa gitna ng gubat! Ano nasaan na yung pagtitipon na sinasabi mo Salemn, baka pinagtitripan mo ako ha!" Asik ko.

Nasa gitna kami mg gubat, syempre kimii lang yang sinasabi ko. Andalim dilim dito sa gubat at nasa gitna pa talaga kami!

"Dahan dahan ate baka maunto—"

"Aray!" Nauntog ako sa isang barrier! Kinapa ko ito at para isa itong pader!

"Luh paano nangyari yon?" Ignorante kong tanong, ah gets ko na!

"Iyang harang na iyan ay pader, kung tutuusin pag nasa banda tayo doon ay akala natin ay kagubatan ang nakikita naten pero isa iyang harang patungo sa pupuntahan nating pagtitipon, pista ang tawag nila doon. Pista de Polaris."

Pista de Polaris?

"Tadah!" Ipinakita nya sakin ang dalawang badge, ang isa ay moon at ang isa ay star.

"Para saan yan Salemn?" Turo ko sa mga ito, inabot nya sakin ang isa at itinusok sa damit ko.

"Yan ang makakapagpapasok satin sa harang na yan, basta suot mo iyan lulusot ka sa harang na yan." Sabay turo nya sa pinag untugan ko kanina.

"Wow para namang sa movies to!"

"Mubis?" Kunot noo nitong tanong.

"Ah wala, sorry este paumanhin sa aking lenggwahe. Nakkalimutan ko lagi. Ah nga pala, saan mo nakuha nag mga ito?" Sabay turo ko sa mga badge namin.

"Taon taon may may sampung nananalo sa paligsahan na tinatawag na DOA o mas kilala sa tawag na Death or Alive. Ginaganap ito sa mundo ng mga Witch at Wizard. Pero huwag kang mag alala, aksidente ko iyang nakita sa gubat at nadiskubre ang lugar na ito. Pero kung royal blood ka naman o aristocrat pwede kang makabili nyan." Paliwanag nito.

Hala may world din pala na kanya nag witch dito!

"Paano naman tayo makakapunta sa mundo ng mga mangkukulam?" Excited na tanong ko.

"Huwag kang mangarap Ate Ali, kung pinanganak kang maswerte at sa royal blood ka pa talaga pinanganak ay malamang may susi ka sa bawat kabilang mundo. Meron din pala na ibang paraan, pag may kaibigan kang witch na royal blood pwede ka nilang dalhin sa mundo nila pero imposible yun. Ganoon din sa ibang imortal"

"Eh paano nakadating sila dito sa gubat na ito?"

"Ah eto ba? Ito ang ginawang lagusang ng mga curse vampire noong nakaraang sampung taon, ang totoo nyan ay curse vampire ang nagpapatakbo nito. Ang lagusang ito ay nabubuksan taon taon at ang bawat mundo ng bawat immortal ay nagbubukas at dito sila ay nagtitipon tipon." Ang daming alam nang batang ito! Si Salemn ba talaga ito?

Cursed Vampires?

"Ah teka, ang mundo ng mga tao nabubuksan din ba?" Nagbabakasakali lang.

"Hindi ko matukoy ang sinasabi mo ate, ang tao ay mortal. Kahit kailan ay hindi pa nabubuksan ang mundo nila para sa atin." Maikling saad nito at pumasok na sa barrier. Ganoon din ang ginawa ko.

"Ang unfair naman." Maktol ko pa.

"Anpeyr?"

Hindi ko lang sya pinansin at napaisip akala ko ba wala syang alam sa mga tao? i mean wala naman syang sinasabi noong una nila akong nakita kahit na lagi kong nasasabi sa kanila noon na isa akong tao.

Aokigahara Academy: School of the Fallen VampiresWhere stories live. Discover now