231

1.1K 30 8
                                    

DISCLAIMER:

THIS STORY IS JUST A WORK OF FICTION AND PURE IMAGINATION ONLY!!

_READ AT YOUR OWN RISK_


_______


"Oh nasaan na si beatriz umalis na?" Tanong ni papa pagdating nya sa bahay.

"Yes pa, may gagawin din kasi sila ni tito elmer ngayon kaya umalis din po agad"

"Sayang naman akala ko pa naman makakasama sya saatin ngayon"

"Nandito naman po ako eh, Ako parin naman po siguro yung unica hija nyo diba?"

Natawa naman si papa bago sumagot. "syempre naman anak. Nag seselos kaba sa girlfriend mo?"

"Eh kasi naman pa ako yung nandito tapos sya hinahanap nyo"

"Ikaw talagang bata ka, syempre namiss ko lang din yung batang iyon. Nasanay lang siguro ako na kapag umuuwi ka dito ay kasama mo sya.

"Kasama ko parin naman sya kanina pa, hindi lang sya nag tagal kasi may family bonding rin po sila ngayon"

"I understand, wag kana mag selos ha parehas ko naman kayong mahal dalawa" Sabi ni papa at niyakap ako.

"Weh? Parang mas mahal nyo na nga po sya kesa sakin eh"

Lalo naman syang natawa. "Eto talagang anak ko oh oh, kanino kaba nag mana? Hindi ako ganyan ka seloso ha?"

"Anong hindi billy? Eh kanino mag mamana yan saakin?" Singit naman ni mama kaya parehas kaming napatingin sakanya.

"Ah eh... wala naman akong sinabi ma hehe"

Ako naman natawa kay papa.

"Pa under armour parin po pala favorite nyong brand noh?" Natatawang tanong ko kay papa.

"Ha? Oo naman.. magaganda quality ng sapatos duon halos lahat ng items nila actully kaya nga paborito namin dalawa ni beatriz yon eh! Bakit?"

"Wala po hahahahaha"

"Halina kayong dalawa at nakapag hain na ako ng pagkain si juju bear kanina pa kumain doon"

"Tara na anak, baka maubos na ni juju yung kanin sa kaldero" Aya naman ni papa kaya sabay na kaming tumayo at pumunta sa dining area namin.

"Wow adobo!" Masayang sabi ko ng makita yung ulam na nasa lamesa.

"Yaan talaga ang niluto ko dahil alam kong uuwi ka anak" Sabi ni mama habang pinag sasandok kami ni papa ng kanin.

"Sayang wala ngayon si bea, favorite nya po ito eh"

"Eh nandito naman tayong dalawa eh, edi tayo nalang ang uubos diba ma?" Sabi naman ni papa.

Aba bumabawi si papa ha

"Aba oo naman, niluto ko talaga yan para sainyo. Oh kumain kayo ng madami ha"

Pagkasalin ni mama ng kanin at ulam sa plato ko, nag simula na din akong kumain.

"Anong oras po pala tayo aalis mamaya?"

"Pag dating ng kuya brian mo anak, may meeting pa daw kasi sya eh"

"Kaya nga yung pinareserve kong restaurant kanina pinamove ko yung oras eh, mamayang dinner nalang tayo doon kumain para kumpleto tayo"

Tumango tango naman ako at nag patuloy na ulit kumain.

FF.

Umalis na kami ng bahay para pumunta ng mall, duon nalang din kami kikitain nila kuya at hindi na daw sila dadaan sa bahay kasi anong oras na din daw.

MY DARLING Book 2 (Continuation)💖Where stories live. Discover now