354

506 17 0
                                    

DISCLAIMER:

THIS STORY IS JUST A WORK OF FICTION AND PURE IMAGINATION ONLY!!

_READ AT YOUR OWN RISK_


_______


At dahil panalo kami kahapon against petro gazz, hindi muna kami pinag training ni coach dante ngayon at mag rest day daw muna kami. 

"What's your plan for today hon?" tanong ko sakanya habang nag huhugas ako ng pinggan.

"Hmmm.. wala naman.. later dadating yung bagong equipment sa gym so i will go there to check it one by one" 

"Why? Ikaw may gusto ka bang puntahan or what?" 

"May schedule kasi ako sa optimum skin mamaya" 

"do you want me to accompany you?" 

"No no no.. It's ok hon, dalhin ko nalang si terri" 

"How? Eh diba nakay kalel si terri?" 

"Bawal ko ba hiramin yung car ko?" sabi ko naman at natawa kaya natawa din sya. 

"Ehhh baka may pasok sya today? Hatid nalang kita hon" 

"I'll ask him after this" 

Tumango naman sya at pinag patuloy na yung ginagawa nya kaya tinuloy ko na din ang pag huhugas ng pinggan. 

...

After kong maghugas ng pinggan tumabi na ako sakanya at kinuha yung phone ko para itext si kalel. 

To: Kalel Pogi (sya ang nag lagay nyan sa contact ko guys :)) )

-May work ka ngayon panget? 

Wala pang 5 mins. nag reply agad sya. 

"Ang pogi pogi ko tapos tawag mo sakin panget :) 
Nasa work ako now ate whysss???"

-Ano oras out mo? Samahan mo naman ako


"Saan ba? Libre mo ako? :D " 

-Wag na pala nag bago na isip ko.. Pangit mo

"HAHAHAHAHAHAHA pero saan nga?" 

-Sa optimum skin.. ipag drive mo ako

"San si bubu bear?" 

-May gagawin sya later eh.. Sasamahan mo ba ako?

"Hatid lang ba kita? Or sunduin rin? mabilis lang ba yon?" 

-Mga 1 hour lang ganun.. May lakad kaba?

"Pupunta pa ako mall eh, si carl nag papasama sakin. Nauna sya mag sabi kesa sayo" 

-Anong oras ba kayo mag kikita? saglit lang naman ako eh

"Sige sabihin ko muna sakanya. I will text you nalang ulit later" 

-Ok antayin ko text mo ha

"K" Reply nya kaya natawa ako at binaba ko na yung phone ko tapos sumilip na sa ginagawa ni bea ngayon. 

Tumabi ako sakanya at sumandal sa balikat nya. "Hon?" 

"Hmmm?"

"Pwede sayo muna si churro mamaya pag umalis ako?" 

"Oo naman, sama ko sya sa gym later"

"Thank you!" 

"Hatid na kita later?" Tanong nya, sasagot na sana ako pero nag vibrate bigla yung phone ko kaya chineck ko muna ito. 

1 new message from kalel pogi..

"Daanan kita later dyan te nani, 3pm"

-Ok 

Reply ko agad sakanya at binaba na ulit yung phone ko. 

"Hindi na hon, si kalel na daw mag hahatid sakin" sabi ko naman sakanya. 

"Are you sure? wala syang pasok?" 

"Meron pero out na nya mamayang 3pm" 

"Ok.. sya na din ang mag susundo sayo?" 

"Opo.." Sagot ko kaya tumango sya at pinag patuloy na nya ang pag tatype sa laptop nito kaya hinayaan ko muna sya sa ginagawa nya. 

....

"Tara na ba? O dadaan pa ako doon?" Tanong ni kalel pag pasok ko sa kotse.

"Wag na, masikip don sa loob madaming naka park eh" 

Hindi na kasi sya bumaba para bumati kay bea kaya ako nalang yung pumunta dito sa labas para diretso alis na agad kami. 

"Baka pagalitan ako ni bubu bear" 

"Hindi yan.. Alam naman nya yun" 

Aalis na dapat sya pero nakita naming umilaw yung phone nya kaya kinuha muna nya ito at binasa yung message. 

"Sino yan?" Tanong ko ng mababa na nya yung phone nya. 

"Si bubu bear nag text.. Ingat daw sa pag dadrive" 

Tumango namn ako at nag suot na ng seatbelt/

"Saan ba kayo pupunta ni carl?" Tanong ko habang nag dadrive sya. 

"Sa mall lang, nag papasama sya bumili eh" 

"Ng?"

"Gaming pc nya" 

"ay bibili na sya?" 

"Oo.. Uunahan nya daw si bubu bear at kuya mabs" Natatawang sabi nya. 

"Gawa na ba yung kotse nun?" 

"Hindi pa ata?? diba sabi nya 1 week pa" 

"Ay oo nga.." 

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang sa makarating kami sa optimum skin. 

"Bababa ka pa? O hintayin mo nalang ako dito?" 

"Matagal ba yun? Sabi mo 1 hour" 

"Mabilis lang yon, antayin mo nalang ako dyan" 

"sige sabihin mo bilisan ah" 

"Oo na" sabi ko at bumaba na ng sasakyan" 

...

Habang nasa loob naman ako at nakahiga naalala ko ulit yung sinabi ni kalel kanina kaya may naisip ako..

FF >>>

"Hatid na kita pauwi?" Tanong ni kalel pagpasok ko sa kotse. 

"Sama nalang ako sainyo sa mall" Sagot ko naman sakanya kaya nagulat sya. 

"Are you sure?" 

"Yes.. Plan ko rin isurprise si bea.. bibili ko sya ng gaming pc nya" 

"Ay sana all naman.. EHEM!" 

"Ehem ka dyan.. Meron kana diba?" 

"Oh umubo lang naman ako eh wala akong sinabi" 

"Kala ko nag paparinig ka eh" 

"Hindi naman.." Natatawang sabi nya at nag simula na mag drive. 

Pag dating namin sa mall pinuntahan agad namin si carl kung nasan sya. 

"Pwede po makiupo?" Tanong ni kalel, dito kasi sya nag antay sa food court. 

Pag angat naman ng tingin ni carl nagulat pa sya nung makita kaming dalawa. 

"Gagi ikaw pala yan.. Ate cait kasama ka?" 

"Ay hindi.. hindi ako to" Sagot ko naman sakanya.

Lumapit sya at bumeso sakin. "Where's ate bei?" Tanong nya at tumingin sa likod ko. 

"Wala.. di namin kasama" 

"Really?" 

"Yes.. busy sya sa physio eh kaya kay kalel muna ako nag pasama" 

"Oh i see" 

"Tara na carl bili na tayo ng pc mo" 

"Wait lang, kain muna tayo.. baka nagugutom si ate cait eh" 

"No no no.. I'm ok" Sagot ko naman sakanya. 

"Buti naisip mo yan.. tara kain muna tayo" Sabi naman ng pinsan ko. 

Carl: "Wag na pala.. ayaw ni ate cait eh" 

"Ay ganon? Tara na nga ate nani uwi na tayo" 

"Joke lang, tara kain muna tayo ate.." 

Wala na akong nagawa kaya sumunod nalng din ako sakanilang dalawa. 

Sumama ako eh.

After namin kumain ay pumunta na kami kung saan bibili ng pc si carl. 

"Nga pala bibili din si ate nani ng gaming pc" Bigla naman napatingin si carl samin. 

"Hindi para sakin, para kay bea" Natatawang sabi ko naman.

"Ay sana all" 

Kalel: "Sana all diba?" 

Carl: "Sana may mag bili din sakin ng gaming pc" 

"Hanap ka munang girlfriend carl" Natatawang sabi naman sakanya ni kalel kaya natawa din ako. 

"Ay ok lang kaya ko naman bumili para sa sarili ko" Sabi nya at pumasok na sa isang shop. 

...

"May specific brand or specs ka te cait?" Tanong ni carl sakin habang nag titiingin kami sa paligid. 

"Wala.. wala nga akong alam sa mga ganyan eh.." 

"Eh? Pano yon?" 

"Tutal pinsan mo naman yun at kayo lagi ang mag kausap.. Baka alam mo kung anong gusto nya" 

"Kung same nalang kaya ng kay carl" 

"Yeah basta mataas yung specs ok na yun.. same lang naman kami ng games na lalaruin and para din magamit nya hindi lang pang games" 

"Tama" 

"Osige same nalang nung sayo" 

"Ay wait, alam ko may pinakita sakin si ate bei eh kung ano want nyang system unit" sabi nya at may hinanap sa phone, nung nahanap nya pinakita nya ito sakin. 

"Saan makakabili nyan? Baka wala naman dito nyan" 

"Ask din natin dito kung meron" 

Tumango naman ako at nag pa assist na kami. 

Buti nalang meron sila dito pero mas mahal sya kesa sa price nung kay carl pero ok lang, para kay bea naman to eh kaya walang problema. 

Habang nag babayad ako narinig ko namang nag salita si kalel sa likod ko. 

"Ang ganda noh? Mag kano kaya to?" Tanong nya kay carl at tinuro yung parang keyboard na may iba ibang colors. 

Carl: "Aba ewan ko di naman ako nag tatrabaho dito"

"Gusto mo ba? Kunin mo na" Sabi ko sakanya kaya napatingin silang dalawa sakin. 

"Luh? Hindi te nani nag tatanong lang ako kay carl" 

"sus kunwari kapa.. sige na kunin mo na" 

"Weh di nga?" 

"Ay ayaw mo?" 

"Hindi.. kuya!" Tawag nya agad kaya natawa ako. 

"Yes sir?" 

"Pwede po patingin nito?" 

"This way sir, nandun po kasi yung sample nya naka display" Sabi namn ni kuya kaya sumunod kami. 

Iniwan ko muna sa counter yung mga binili ko pero nabayaran ko naman na lahat. 

After ma check ni kalel tinanong ko ulit sya. "Yan na want mo?" 

"Oo sana kaso ang mahal eh" Kamot ulo na sabi nya. 

"Tara na bayaran na natin" 

"hatian nalang kita te" Sabi nya habang nag lalakad kami papunta sa counter. 

"wag na.. bayad ko na sayo yan kasi sinamahan moko today"

"Baka may lakad kapa bukas te, ipag drive ulit kita" Sabi nya kaya natawa kaming dalawa ni carl at napailing naman ako. 

_________

DISCLAIMER:

THIS IS A WORK OF FICTION ONLY!!!

MY DARLING Book 2 (Continuation)💖Where stories live. Discover now