"Gusto mo maging Endyiner? Ako gusto ko maging titser."
"Ako gusto ko maging doktor."
"Gusto ko maging macho dancer."
"Ako gusto ko maging snatcher."
"Ako bold star."
"Ako blager"
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa mga pangarap ng mga kasamahan kong bata dito sa lansangan.
Endyiner, titser, doktor, snatcher, bold star, blager, ako kaya?
Libre lang naman mangarap sabi nila. Pinapili ko pa nga si Ate Chichay kung gusto nya ba maging abugado, doktor, nars, titser, stewardes o di kaya yung mga nagtatrabaho sa opisina. Pero ako pala mismo walang maisip na pangarap para sa sarili ko.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Mabuti pa nga itong mga batang kasama namin dito kahit papano may gusto silang marating sa buhay.
Ako kaya, kapag tumanda ako, ano kaya ang mangyayari sa akin? Minsan napapatanong din ako sa sarili ko. Habang buhay na bang ganito ang buhay ko? Dito na kaya ako tatanda at mamamatay sa lansangan? Magagaya kaya ako sa iba na itong lansangan na ang naging tahanan nila?
Si Mariposa at Milagring, may mga pangarap din kaya sila sa buhay? Pero kasi sila, may babalikan naman eh. Kapag dumating ang araw na maghihiwalay na kami ano kaya ang gagawin ko?
Si Ate Chichay alam ko darating ang araw mag-aasawa din sya. Hihiwalay din sya sa amin. Kapag ba dumating ang araw na yun magiging handa ako?
Magiging handa kaya akong mag-isa ulit?
Ang hirap pala ng ganitong buhay ano? Ang hirap na magkunwari na masaya. Nakikitawa at nakikisaya nga ako sa kanila pero sa totoo lang durog na durog na ang puso ko. Alam mo yung nakangiti ako sa harapan nila pero kapag nag-iisa ako hindi ko alam paano pakalmahin ang sarili ko. Madalas akong umiyak mag-isa. Nagtatago ako dahil ayakong ipakita sa kanila na malungkot at umiiyak ako. Ayoko nang dagdagan pa ang mga alalahanin nila.
Gaya nalang ngayon mas pinili kong sarilinin ang nararamdaman ko. Nagising ako kaninang umaga na mabigat ang pakiramadam. Wala naman akong sakit, wala lang, nagising lang ako na malungkot. Pero walang nakakaalam dahil buong araw akong nakikitawa sa kanila na parang wala lang.
"Buti ka pa. Hindi ka nalulungkot mag-isa." Mahina kong bulong habang nakatingin sa buwan.
Ako lang mag-isa. Tahimik na ang buong paligid. Natutulog na si Mariposa, Milagring at Ate Chichay sa barong-barong namin.
Hindi pa ako natutulog mula kanina. Gusto kong magpahinga dahil pagod ako buong maghapon pero hindi ko magawa. Hindi ako dinadalaw ng antok kaya pinili ko munang magpahangin dito sa labas.
Ilan kayang katulad ko ang nalunlungkot ngayon. Nagsusumbong din kaya sila sa buwan? Naririnig nya din kaya kami? Nararamdaman nya kaya na malungkot ako?
"Akala ko ayos lang. Akala ko katagalan masasanay din ako na wala si Mama pero hindi pala."
Nakakungkot mawalan ng taong akala mo hindi ka iiwan. Mga taong akala mo gagabay at mag-aaruga sayo hanggang sa kaya mo na alagaan ang sarili mo. Mga taong akala mo magpapahalaga sayo hanggang sa huli. Lalo na kung ang mga taong yun ay ang mga magulang mo.
Bakit kaya ako nagawang talikuran ni Mama? Bakit kaya hinayaan ni Papa na lumaki akong hindi sya nakikilala?
Hindi ba nila ako mahal? Nung ginawa ba nila ako, wala ba sa plano?
Masakit, sobrang sakit na hindi ko maipaliwanag. Kahit ilang taon na ang nagdaan, kahit anong pilit kong kalimutan, may mga pagkakataon talagang naiisip ko sila. Mga pagkakataon na napapatanong ako sa aking sarili kung anong kulang sa akin? Kung anong mali ang nagawa ko at bakit kailangan nila akong talikuran.

YOU ARE READING
Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sandoval
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Life has knocked her down so many times. Made her experience failures, sadness and frustrations. But one thing she always make sure, whatever those problems she may face, she will...