Chapter 44

10.8K 378 275
                                    

Weeks passed and the hacienda tour went very well. Araw-araw sagana sa kain ang monay ko. Plus may extra cleaning at massage pa with hot bath and dilig every after kainan. Talagang maganda ang pagkaka-bake sa monay. Sakto lang ang pag-alsa at paghalo.

Tinotoo ni Caleb ang sinabi nitong hindi niya ako titigalan at babawiin nya ang mga taong nagkalayo kaming dalawa. Umuuwi pa nga ito mula sa trabaho para lang kumain ng monay ko. Meryenda forda gow!

Araw-araw na din  kasi siyang kinukulit ni Wyatt tungkol sa mga kapatid niya. Kung bakit hanggang ngayon wala pa rin. The pressure is on for both of us. Naiinggit na ang anak namin sa mga pinsan niyang maraming kapatid. 

Si Kuya Gustavo at Ate Chichay may kambal na, si Hera at Athena, nasundan din agad ng isang lalaki si Brooks na apat na taong gulang na at kabuwanan na rin ni Ate Chichay ngayon sa kambal ulit. 

Si Kuya Gaston at Ate Camilla naman ay meron ng Castor at Pollux tapos buntis na naman ngayon si Ate Cam at kambal din. 

"Baka kasi naman luma na yung mesa Dada. Tsaka nasa mataas na parte ng burol ang kubo, mahangin. Malakas siguro ang hangin nung isang araw kaya umuuga na ang kubo." 

Agad akong nagkunwaring busy sa niluluto ko pagkarinig sa sinabi ni Ate Cam. Kausap nito si Kuya Gaston ngayon na nagpaalam kaninang pupunta sa cabana nila. 

Ngayon lang nakapunta si Kuya Gaston sa cabana nila kaya ngayon nya lang nalaman na nasira  ang mesa. Sinabihan ko na si Caleb na balikan nya ang kubo nina Kuya para ayusin at linisan. Ginawa niya kinabukasan at sinigurong wala kaming naiwang  mga bakas doon kaso ang problema hindi niya nagawan ng paraan ang pag-uga ng kubo at ang pagkasira ng mesa. Kasi 'pag pinaayos niya daw malalaman ni Kuya Gaston na gumawa kami ng milagro doon. 

"Matagal na rin kasi yang kubo Dada baka need na talaga palitan? Kasi diba nung huling—" hininaan ni Ate Cam  ang boses nya kaya hindi ko narinig ang sinabi niya kay Kuya. "Kaya siguro umuuga na yan. Hindi mo ata naipagawa agad kaya nagkakalawang na yung mga pako."

Hindi ko maiwasang mag-init ang pisngi. Pakiramdam ko nga namumula na ako ngayon. Mabuti nalang talaga nakatalikod ako kay Ate Camilla. Gusto kong sabihin na kami ang dahilan kung bakit umuuga ang kubo pero sobrang nakakahiya naman ang rason namin. 

"Sige na, umuwi ka na dito at malapit ng maluto itong ginataang tilapya. Pauwi na rin si Kuya at mga kapatid mo. Marami kaming niluto nina Mamá Beth."

For now dito muna kami sa hacienda namalagi. Nakiusap kasi si Wyatt sa amin ng Daddy niya na dito muna kami dahil nandito ang mga pinsan niya. Nagustuhan ko rin ang ambiance dito sa hacienda. It's so cool and relaxing. Ang ganda ng tanawin at sariwa ang hangin. 

Ginawa rin naming bonding moment ni Ate Chichay, kasama si Mamá Beth at Ate Camilla ang pagluluto at paghahanda ng pagkain ng mga asawa namin. Araw-araw parang may party sa mansion. Pambawi daw ni Mamá Beth sa lahat ng mga pagkukulang nya sa mga anak. 

"Hay naku ang asawa ko parang batang nagmamaktol."  Bumalik na si Ate Cam sa amin. 

"Anyare Cam? Bat napatawag si Gaston?" Tanong ni Ate Chichay na ngayon ay nakaupo na, napagod na ang buntis. Si Mamá Beth naman hindi mapirmi. Kahit ilang beses na itong sinabihang kami na ng mga kasambahay ang bahala ayaw talaga paawat. 

"Ma, pahingan ka muna." Lumapit ako sa kanya para mawala kay Ate Cam at Ate Chichay ang atensyon. 

"Sige nak, kayo muna dito ha? Puntahan ko muna si Papá  Gideon niyo at baka gising na." Paalam ni Mamá sa amin, buti naman. 

Akala ko mag-iiba na ng topic si Ate Camilla pero hindi pala. Umayos lang ito ng upo sa tabi ni Ate Chichay at nagpatuloy sa usapan nila. 

"Nasira daw ang mesa ng kubo, nabali ata ang paa. Pati ang kubo  umuuga na rin. Sabi ko sa kanya baka dahil sa katagalan na kaya nasira."

Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon