Chapter 38

10.9K 443 200
                                    

"Daw monika ka, Nanay." Literal na kumikislap ang kulay asul na mga mata ng anak ko habang sinasabi ang mga katagang yun. Natingala ito sa akin na tila ba gandang-ganda talaga sya sa nanay nya. [Para ka pong manika Nanay.]

Papunta na kami sa mansion ng mga Sandoval. Nakakandong sa akin si Wyatt at kanina pa niya ako pinupuri. Kaming tatlo ng Daddy niya ang nakaupo sa likuran ng sasakyan habang si Kuya Gustavo ang nagmamaneho at si Ate Chichay naman ang nasa harapan. 

"Gwapa gid si Nanay mo Wyatt?" Nakangiting tanong ni Ate Chichay. Ginaya pa nito ang tono ng pagsasalita ng bata bago makahulugang sumulyap kay Caleb na tahimik lang sa tabi ko. 

"Perti gid kagwapa bala Tita Andi. Si Nanay ku gid pinakagwapa sa tanan tanan ya!" Maingat nitong inabot ang mukha ko at nakangiting tumitig sa akin. [Sobrang ganda po Tita Andi. Si Nanay ko po ang pinaka maganda sa lahat.]

"Kaya pala  dead na dead yung kilala ko sa Nanay mo, Wyatt. Ang ganda naman kasi ng bunso na yan. Ningning namin yan eh. Diba Baba? You know that someone? Umiyak pa nga sayo ng ilang beses yun diba?" Inabot ni Kuya Gustavo ang kamay ni Ate Chichay at dinala sa labi para dampian ng halik. Sumulyap si Kuya sa salamin., naiiling na ngumiti sa akin bago binalik ang tingin kay Ate Chichay. 

"Yeah Baby. I know that 'someone' very well. Mukhang nagpapabebe nga lang sa ngayon but let's see." Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Kuya. Si Caleb naman ay deadma lang. Ewan ko kung nakikinig ba ito dahil no comment naman ito sa usapan.

Bumalik ang tingin ko kay Wyatt dahil inayos nito ang pagkakaupo at humalik sa pisngi ko. My heart is melting for my son. He is such a sweet and adorable kid.

"Daw monika gid timo Nanay. Daw indi ko kapati na amo na ikaw kagwapa. Daw ikaw bala tong ginahampangan ni Meeya kag Ate Hera nga monika. Daw barbie bala? Gwapaaaaa gwapaaaa gwapaaaaa gid ya." [Para ko po talagang manika Nanay. Parang hindi ako makapaniwala na ganyan ka po kaganda sa personal. Para po ikaw yung laruan nina Meeya at Ate Hera. Parang barbie po. Sobrang ganda niyo po talaga.]

Parang may kung anong mainit na kamay ang humaplos sa puso ko. Lumawak ang ngiti ko sa papuri ng anak ko sa akin. Inabot ko ang mukha nni Wyatt  ko at hinalikan.  "Ang gwapo mo rin anak. Ikaw din ang pinaka gwapo at malambing sa lahat."

"Syempre Nanay, anggid tana ko kay Daddy! Diba Daddy?" Kinalabit nya ang tatay na tahimik lang pero mabuti nalang ay sumagot ito. 

"Yes champ. I love you and I miss you."

 "I miss you too Daddy ku! Gwapo tana ni si daddy ku ya. Sya tana pinakagwapo sa ila tanan mag-utod. Siya pa gid pinaka nami magsaot, kag pinakanami magkanta. Indi lang gwapo bala si Daddy, mabuot pa gid. The best gid na si daddy ko ya." [Syempre po Nanay, kamukha ko po kasi Daddy ko eh! Diba po Daddy?] [Ang gwapo kaya ng daddy ko na yan. Siya kaya ang pinaka gwapo sa lahat na magkakapatid. Siya din po pinaka magaling sumayaw at pinaka magaling din kumanta. Hindi lang gwapo ang daddy ko mabaitp pa. The best daddy ko po yan.]

"Diin kamo natulog ni Daddy, Nanay? Ginhatag mo kay daddy request ko?"

Nagulat ako sa tanong ng bata pero ngumiti parin ako sa kanya. 

"Anong request anak?"

Wala akong maalalang hininging request si Caleb sa akin. Hindi din kami nakapag-usap na maayos kagabi dahil magkahiwalay kami ng silid.

"Hambal ko abi kay Daddy, Nanay,  paglakat niya na mahimuyong lang ko di basta sundon niya tong request ko sa iya." [Sabi ko po kasi kay daddy, Nanay, pag-alis nya na magbe-behave po ako basta sundin niya po ang request ko sa kanya.]

Ngumiti ako sa kanya. Sobrang daldal ng anak ko. Ang bilis pang magsalita. Pero ang lambing ng paraan ng pananalita nya. Hindi ako marunong magsalita ng ilonggo pero nakakaintindi ako. 

Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus SandovalWhere stories live. Discover now