Chapter 2

396 25 11
                                    

Hindi ko na alam kung anong oras na kaming nakatulog nila Cole. Mag ti-three am na yata 'yon dahil pinagpatuloy namin ang paglalaro. Kakampi ko si Cole at magkakampi naman si Dwayne at Aster. At anong aasahan mo? Syempre kami ang nanalo ni Cole.

Umayos ako ng higa sa kama at naramdaman ko ang pagyakap ni Aster sa akin. Tinignan ko ang mukha niya sa tabi ko at tulog na tulog siya. Magkakatabi kaming apat sa kama ni Cole. Dwayne, Cole, Aster at ako.

"G-gising ka na nga?" Inaantok na tanong niya nang magmulat ito ng mga mata.

"Na alimpungatan lang." Sagot ko. Alas sais palang ng umaga at tatlong oras pa lang kaming natutulog.

"Hmm. Ang ingay." Reklamo ni Cole atsaka siya yumakap kay Aster at naabot pa nga ako.

"Matulog nga kayo ulit. Bulung bulungan pa kayo riyan." Dagdag naman ni Dwayne.

"Matulog na raw tayo ulit." Bulong ni Aster atsaka ako humarap sakaniya at yinakap din siya.

"Okay."

Natulog kaming apat at nagising na lamang ako nang may humila sa kamay ko na nagpatayo sa akin. Napakurap ako habang kinakamot ang ulo ko. Ano 'yon? May lindol ba? Pabalik na sana ako sa pwesto ko nang may humila nanaman sa kamay ko paharap at nauntog ako sa isang dibdib. Tumingala ako at nakita ko si Kuya Ivan na ang sama sama ng tingin sa akin.

"K-Kuya." Kinakabahan na tawag ko.

"Anong sinabi mo sa akin kagabi?" Bulong niya. "Bakit nandito ka?"

Nilingon ko ang tatlo na mahimbing na natutulog. Napakagat ako ibabang labi ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Anong sasabihin ko? Shocks.

"Sumunod ka sa akin." Seryosong sabi niya.

Nauna siyang naglakad at wala na akong nagawa kung 'di ang sundan siya. Binuksan niya ang kwarto ko atsaka niya ako pinapasok. Pumasok din siya at pabagsak na sinara ang pinto. I closed my eyes out of my nervousness.

"K-Kuya, naglaro pa kasi kami kagabi sa xbox ni Cole." Pagpapaliwanag ko kahit wala pa siyang sinasabi.

"Ilang beses ba dapat kitang sabihan?! Hindi ba ang sabi ko sa'yo, huwag kang natutulog kasama ang mga kaibigan ni Cole?"

"Si Dwayne at Aster lang naman 'yon, Kuya." Pangangatwiran ko.

Pinsan namin si Dwayne at simula bata ay kaibigan na namin si Aster. Para ko na rin silang mga kapatid. I treat them like that dahil sabay sabay kaming lumaki. Wala namang malisya sa akin kung nagtatabi kaming apat. Alam ko namang ganoon din naman sila sa akin e.

"Dwayne at Aster lang? Lalaki pa rin ang mga 'yon. Tapos makikita kong nakayakap pa kayo sa isa't isa ni Aster? Aba naman, Coleen. Nag iisip ka ba? Hindi na kayo mga bata!" He shouted in front of my face.

Napayuko na lamang ako. Pinapagalitan niya nanaman ako dahil lang doon. Big deal ba 'yon? Wala naman kaming ginagawang masama at never namang gagawa nang masama ang mga 'yon. Kilalang kilala ko na sila and aside from Cole the two are really gentlemen lalo na si Aster. 

"S-sorry, Kuya."

'Yon na lamang ang nasabi ko dahil alam ko namang kahit mag explain ako nang mag explain ay hindi niya rin naman papakinggan. His mind is already closed to every excuse that I will say.

"Umayos ayos ka, Coleen ha. Mag hilamos ka na ron at kakain na."

Lumabas siya ng kwarto ko at naiwan akong mag isa. Pumasok na lamang ako ng CR at sinunod ang utos niya. Lagi na lamang siyang gan'yan kapag kasama ko ang mga kaibigan ni Cole. Hindi ko alam kung bakit sobrang iritado siya sa akin. Hindi naman siya gan'yan kay Yesha. Feeling ko tuloy wala na akong ginawang tama.

Dangerous DesireWhere stories live. Discover now